Another one
HEIRA'S POV
"Okay ka na ba?"
Vacant nga namin kaya hinayaan na lang naming magpahinga si Aiden. Nakadukmo lang siya sa upuan, hinahayaang bumalik ang lakas sa katawan.
Hindi siya sumagot, ginalaw niya lang ang ulo niya, tango lang ang sagot niya bilang 'oo'.
Nakapamilog kaming nakaupo sa may sahig, kaniya-kaniya ng usapan, kwentuhan at laro.
"Ate, bakit may pasa ka?" Biglang tanong ni Alzhane.
"..." Hindi ako sumagot, nakatulala lang ako sa kawalan.
"Hoy!" Palakpak ni Eiya sa harap ng mukha ko.
"Bakit ba?" Inis na tanong ko, nagkamot pa 'ko ng ulo.
"Mukha kang nakadrugs, Yakie." Sabat ni Kenji. Inirapan ko naman siya.
"Oo 'te, anyare d'yan?" Pinislot pa ni Trina ang sugat ko sa may labi.
"Masakit, bwisit!" Reklamo ko.
Kanina parang nawala yung hapdi, pero ngayon bumalik dahil sa ginawa niya. Alam kong nagpasa yung sa labi ko, sampal yung inabot ko eh.
"Napa'no yan?" Tanong ni Hanna.
"Wala, naumpog lang." Sagot ko.
Ang aga aga pero inaantok ako, tapos gutom din. Ah basta ang weird lang.
"Naumpog pero sa labi tumama, ayos." Sarcastic na sabi ni Eiya, nakangisi pa.
"Oo, mababa kaya yung naumpugan ko." Nakasimangot na sagot ko.
"Liars go to hell." Pang aalaska ni Trina.
"Yes yes yes, dadey!" Parang gagong sabi naman ni Kenji.
King'na ang layo ng sinasabi niya sa usapan namin. Dadey.
"Kaninong kamao na naman yan?" Deretsong tanong ni Eiya.
Napalunok naman ako, why do you keep asking me such things? Oh english. Mula nung umalis ako sa Sta. Luiciana, ayoko ng tinanong ng mga bagay na nakasakit sa'kin, ewan ko, basta na lang ako umiiwas sa gano'n.
"Heira!" Sabay-sabay nilang tawag sa'kin.
"Ang ingay niyo! May nagpapahinga eh!" Suway ko, kawawa naman si Aiden.
"Tulala ka na naman!" Singhal ni Trina, pinakiramdaman ko ang sarili ko, nakanganga na pala ako.
"Bakit ba?!"
"Ang sabi namin, napa'no ka at may pasa at sugat yang labi mo?" Si Eiya.
"Wala nga."
"Meron!" Si Kenji, Trina, at Alzhane.
"Oh, sige putcha, kayo sumagot, meron pala eh." Sabi ko tsaka ngumisi.
Inambahan nila ako ng hampas pero tumakbo ako sa likod nina Xavier at Vance na prenteng nag uusap.
"Lumapit ka dito, dali!" Parang ubos na ang pasensyang sabi ni Eiya.
"Ayoko!"
"Ah ayaw mo, ha?!" Sabi naman ni Kenji na may hawak na hanger. Nakapamewang pa. Parang batang tatay gano'n.
Hahahaha, bad Heira!
Bakit may hanger? Sa'n galing yun? Laundry shop ba dati 'tong campus na 'to?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
