Huli na
SHIKAINAH'S POV
"Anong sunod? Last na 'to 'di ba?" Tanong ni Trina habang nakatingala kay Xavier.
"Yung 'Pasensya ka na', Silent Sanctuary ang tumugtog." Sagot niya na siyang nagpabigat ng loob ko.
Bakit iyon pa?
"Kyaaaah!"
"Ang gwaaaapooo mo! Xavier!"
"Hindi ka muna basura ngayon, ohmyghieee! Mahal na ata kita!"
"Mas bagay sila kaysa kay Jonas!"
"Traydor ka! Sabi mo kahapon sila ni Jonas ang bagay!"
"Hayaan mo na! Minsan lang 'to! Waaaah! Ang sweet ni fafa Xav!"
"Manahimik ka, bakla!"
Narinig ko ang tilian ng mga estudyante sa labas nang kindatan ako ni Xavier. Kinagat ko na lang ang pisngi ko para hindi mahalata ang ngiti ko.
Dumami ang tao sa labas, ultimo ibang teachers ay nanonood na roon, gusto nilang pumasok pero hindi sila pinayagan nung mga nagbabantay sa pinto, si Sir Almineo lang ang pinapasok nila.
Nahihiya nga ako dahil sa istorbo na nagawa namin ngayon, dapat ay nagkaklase kami pero tignan mo naman ngayon, pati ang iba ay hindi na nakapagleksyon.
Nakangiti siya sa 'kin habang naka-approve sign siya kay Xavier. Nakakatuwang tignan na hindi nila ngayon minamaliit ang section namin, hindi kagaya ng dati.
"Mali naman ang tono mo eh!" Reklamo ni Vance kay Trina na akala mo ay siya ang kakanta.
"Teka lang naman, ang dami kasing pasensya ka na, malay ko ba kung ano ang kakantahin niyo," Sagot niya.
"Eto kasi 'yon, teka, ehem... ehem" Sabi ni Vance habang nakahawak sa lalamunan. "Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito... Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo... Ako'y gigising na sa panaginip ko-!" Napatigil siya sa pagkakanta ng batukan siya ni Xavier.
"Bobo ka! Hindi 'yon! Kaya nga sinabi kong Silent Sanctuary 'di ba!"
"Sabi mo, yung pasensya ka na ang kakantahin mo, tama naman ako eh!"
"Lul! Kathang isip iyong kinakanta mo!"
"Ay... binago na?" Napakamot na lang si Vance tsaka bumalik sa pwesto niyang malapit sa pinto.
"Hindi ko talaga alam yun." Sabi ni Trina, naghahanap pa rin siya ng tamang ritmo at tono sa gitara.
"Akin na nga, ako alam ko 'yon." Prisinta ni Adriel.
Ibinigay naman ni Trina ang gitara tsaka siya tumayo at pumunta sa mga kaibigan niya... sana kasama ko rin ngayon yung kaibigan kong nakasama ko noon.
"Ayusin mo 'dre, baka mabad-shot ako kapag mali ang paggalaw ng strings." Paalala ni Xavier.
"Wala pa nga, nagrereklamo ka na, tsaka kailan ba 'ko nagkamali pagdating sa mga strings? Sa music?" Pagmamayabang niya.
"Edi ikaw na, tugtugin mo na lang, ang tagal mo 'dre eh."
"Iwanan ka kaya naming lahat rito? Nagmamadali ka ba?"
"Hindi naman, biro lang 'yon hehehe." Nagpeace sign pa si Xavier sa kaniya, inismiran lang siya ni Adriel.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
