Explanations
ALEXIS' POV
"ALEXIS!"
Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong karinderya, tsh! Lakas talaga ng boses.
Natigilan naman ako dahil do'n, lumingon ako kung saan nanggaling 'yon, nando'n sina Kenji, Ash at Heira sa may tapat ng pinto.
Nakapamewang si Heira na para bang nanay ko na pinapauwi na 'ko dahil gabi na. Masama ang titig sa 'kin. Parang tinotorture niya na 'ko sa isip niya. Pa'no naman kaya siya nakapunta dito?
Tinignan ko si Kenji, kasama pala nila 'tong malikot at madaldal na 'to, inosente pa niyang pinagmamasdan 'tong karinderya, akala mo naman ngayon lang nakapunta sa gan'tong lugar.
Syempre hindi mawawala sa paningin ko yung isang taong nagdala sa kanila dito, malamang siya ang nagdala sa kanila dito, hindi naman nila alam 'to eh.
Nakapamewang din si Asher habang umiiling, mukhang mali ang naging desisyon niyang puntahan ang bahay namin kasama si Heira. Sermon yata ang aabutin ko neto.
Napailing na lang ako sa iniisip ko. Akmang tatayo para lapitan at harapin sila pero inunahan na ako ni Heira.
Rinig na rinig mo talaga bawat yabag ng paa niya, parang nagmamaktol dahil bawat hakbang niya ay parang dinadamba yung sahig, parang susugod sa isang gyera!
Agad siyang lumapit sa 'kin na may mukhang naiinis, tumawa na 'ko sa isip ko kasi yung mukha niya parang naaasiman. Salubong talaga yung kilay niya, kulang na lang pamalo para magkamalang nanay na kinagagalitan ang anak.
Gusto kong humagalpak dahil sa kaniya pero nawala 'yon nung lumapit siya sa 'kin at hinila bigla ang tenga ko.
"Ah... a-aray, aray! Bitaw! Masakit!" Sigaw ko habang pilit na inaalis ang kamay niya pero mas inigpitan niya pa 'yon, hinila niya ko papunta sa isang lamesa at do'n pinaupo.
"Anong masakit ha?!" Galit na sabi niya talaga, nangigil na eh, namumula.
Babae pa ba 'to? Ang bigat ng kamay niya.
Nung makaupo ako, akala ko bibitawan niya na 'ko pero maling akala pala ako, hinihila-hila niya ang tenga ko kaya pati ulo ko nasasama.
"M...ma-masakit! A-araaaay! Bi-bitaw na, HEIRA!" Mas lalong humapdi, kung mahaba lang siguro ang kuko neto siguro may sugat na ang tenga ko.
"Punyemas ka! Hindi ka pumapasok tapos nandito ka lang nakikipagchismisan!" Sermon niya, nakakairita ang boses niya ang lakas lakas.
"O-ouch, m-mag..." Naiiyak na 'ko sa sakit. Kahit na anong yapos ko sa kamay niya ay hindi niya ko binibitawan. Shit! May kasalanan ako sa kaniya kaya gan'to siya.
"Anong mag? Mag mag mo mukha mo, kung chismisan lang pala kailangan mo edi sana pumasok ka na lang tapos nilapitan mo 'ko! Marami akong pwedeng ichicka sayo!"
"Heira... bitaw na." Pagsasaway ni Asher, pati siya nakikihila na rin aa kamay ni Heira na nasa tenga ko.
"Yakie! Tama na yan, mawawalan na ng tenga oh!" Usal naman ni Kenji.
"Gunggong! Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sinasabi sa 'kin kung bakit hindi ka pumapasok!"
Tsh! Ano kita? Nanay?
Alam ko namang nag aalala lang siya para sa grades ko, pero bakit? Bakit gan'yan ka na lang makareact?
"Bitawan mo 'ko, ipapaliwanag ko lahat." Sabi ko, do'n niya pa lang ako binitawan.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
