CHAPTER 92

24 3 0
                                        

Someone's jealous

HEIRA'S POV

"Tara na nga!" Sabi ko at nagpaunang naglakad.

Nasa unahan pa naman kami ng pila, do'n pa kami ng nagkwentuhan, nakalimutan kong may iba pa pa lang nakapila, ang sama tuloy ng tingin nila sa 'ming dalawa ni Kenji.

Napapahiyang ngumiti ako sa kanila at nagpeace sign bago mabilisang umibis sa pila pabalik ng lamesa.

"Oh, buti nakita mo na 'yan?" Bungad ni Kenji na ngayon ay kinakain ang binigay kong chocolate.

Buti na lang talaga ay nakabulsa lahat ng kailangan ko, yung chocolate at yung pera lang, yung cellphone ko naman iniwan ko na lang sa bag, hindi naman mawawala 'yon.

Pinagtaasan ni Eiya ng kilay si Kenji. "Saang lupalop ka galing?" Tanong niya.

"Dun nga lang!" Sagot naman ng isa habang nakatingin sa chocolate'ng hawak niya.

"Nga pala, anong meron sa do'n sa may entrance, alam mo ba?" Bulong ni Trina sa kaniya, hinila niya pa siya para makaupo sa tabi niya.

"May labing-labing na gagawin." Bulong din netong isa. "Hindi naman sila bagay." Panlalait niya.

"Shh ka lang, baka marinig ka nung lalaki tapos paliparin ka palabas."

"Wala naman akong pakpak kaya hindi nila magagawa 'yun."

"So... ang ganap nila parang mag po-propose, hindi naman sila magtatagal."

"Ang sama ng bunganga mo ah." Singit  ko sa kanila.

"Ayan na, mag-uumpisa na siya!" Sabi ni Kenji tsaka tumakbo papalapit sa kanila.

Pati kami tuloy ay lumapit na. Gumawa sila ng isang bilog kung saan nasa pinakagitna yung lalaking may hawak na gitara, mukhang varsity player siya dahil naka-jersey siya, katabi niya yung lalaking may hawak na bouquet of flowers, nakacomplete uniform siya at nakaayos ang buhok niya.

Natawa ako ng bahagya dahil sa buhok niya, nakataas 'yon, konti na lang baka matuhog ang butiking mahuhulog do'n tapos nanginginig ang kamay niya.

"Halika na kasi ate!" Narinig kong sabi ng isang babae sa may pinto.

"A-ano bang meron?"

Parang hindi na ako nagkamali na si Shikainah ang haharahin, siya yon, siya ang narinig kong nagsalita.

"Basta po, tara na."

"Sige, teka lang.."

Nakita ko siyang pumasok ng canteen, hinila siya papalapit sa lalaking may dala ng bulaklak. Napatakip pa siya ng bibig ng iabot sa kaniya ang hawak nung lalaki.

"Jonas..."

Shet! Siya nga! Siya yung lalaking gusto ni Violet! Akala ko nga ay si Lucas ang gusto ni Violet dati kasi wagas siya kung makapagtaray nung makita niya kaming magkasama. Baka gusto niya lahat ng mga estudyante rito, pwede naman 'yon.

"Inah..."

"Waaaaah!"

"Nakakakilig!"

"Ate! Sagutin mo na!"

"Ang gwapooo mo! Shet!"

"Bagay na bagay sila!"

"Hindi kaya!" Narinig kong sigaw ni Kenji, nakisali pa.

Napailing na lang ako dahil may kung ano sa loob ko ang ayaw dito sa nakikita ko. Pero anong gagawin ko? Nanonood lang naman ako sa kanila.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now