CHAPTER 36

25 4 0
                                        

Kiss

HEIRA'S POV

Arrrrgggghhh!

NAKAKAINIS!

NAKAKAIMBYERNA!

NAKAKASAMA NG LOOB!

NAKAKAHIGHBLOOD!

NAKAKAPUTANGINA!

Nakakabwisit ang bwisit na hudlong na kulapong mukhang kurimaw na kapatid ni Imaw!

Napapapadyak na lang ako sa inis dahil sa kaniya, first kiss ko 'yon eh tapos gaganunin niya lang? Kung sa kaniya wala lang 'yon, sa'kin meron!

"Another one, another one, ulowl! Another sapak you want?" Bulong ko sa sarili.

Padabog akong nagmartsa palabas ng court, aksidente raw? May trangkaso yata ang gunggong na 'yon eh at hindi na malaman ang ginawa. May aksidente bang sinadya? Kinulang yata siya sa buwan eh.

Bahala na si sir kung may grades ako o wala, kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'yon, baka kapag pinagpatuloy namin ang laro ay baka maipakain ko sa kaniya ang bola.

Hinayupak ka!

Lumabas ako, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, gusto kong makalayo sa court na 'yon, gusto kong makalayo sa kulapo na 'yon! Baka ano pang magawa ko sa kaniya.

Kung hindi niya ako pinagbigyan na maipasok ang bola sa ring, hindi sana siya haharang, hindi sana kami
mag — Eeeeiiikkkk! Ayoko ng maalala.

Kasalanan niya lahat ng 'yon, iniinis niya talaga ako, kapag talaga ako nakaganti! Linshak ka!

"Nakakainis..." Sabi ko tsaka umupo sa soccer field, wala namang naglalaro kaya okay lang naman ako dito, magpapahangin lang.

"Can I have another one? Or... should I give you another one?"

"Can I have another one? Or... should I give you another one?"

"Can I have another one? Or... should I give you another one?"

"Can I have another one? Or... should I give you another one?"

Napasinghap na lang ako sa hangin dahil sa inis, bakit ba nag eecho sa tenga ko ang mga sinabi niya? Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa tanong ng isip ko na 'yon.

Nung magdikit pa lang yung balat namin halos kumakawala na ang kaluluwa ko, tapos nagkiss pa? Ramdam na ramdam ko talaga na parang kinuryente ang buong katawan ko.

Hindi agad ako nakagalaw dahil do'n kaya nagtagal ang pagkakadikit ng mga labi namin, mga sampong segundo.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magalaw ang katawan ko no'n para makaalis agad sa ibabaw niya, parang naparalisa ako gano'n, nahigop pa ang paningin ko ng mga mata niya.

Siya namang gago, hindi man lang ako tinulak para makaalis sa pwesto, tulala lang ang bwisit, hindi gumagalaw. Nakatingin lang din sa'kin.

Sumasakit ang ulo ko sayong kulapo ka! Napalobo ko na lang ang magkabilang pisngi ko tsaka malakas na bumuga sa hangin.

Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya! Kung pwede ko lang siyang isumpa, ginawa ko na.

"Nakakainis..."

"Sino?"

Napatalon ako ng may magsalita sa likod ko, bose lalaki pero hindi pamilyar. Unti unti akong lumingon at natulala sa nakita ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon