Fake friends
HEIRA'S POV
"Oh, she has a savior." Sarkastikong sabi ni Madison sa likod ko.
Nagbalak sila na tapunan si Shikainah ng tubig na mapanghe na may mga bato, 'yon ang laman ng timbang hawak nung isang lalaki.
Hindi ko nga alam kung bakit ako tumatakbo at sinalo ng likod ko ang tubig na 'yon. Masakit, oo.. kasi yung mga bato! Punyeta, ang sakit ah.
Kapag ako nainis, papalunok ko sa lalaking 'yun yung mga batong 'yon, gagawin ko siyang Darno.
"UMALIS KA D'YAN! WAG KANG EPAL!" Gigil na sigaw ni Porpol.
"Oo nga! ‘wag kang ep—."
"Narinig ko, wag mo ng ulitin!" Pambabara ko kay Clown 2.
Hindi naman ako bingi para ulitin niya lahat ng sasabihin ng mga pekeng kaibigan niya. Wala na yata siyang alam na pwedeng sabihin kaya gano'n ang mga dialogue niya.
"What are you doing here?!" Galit na sigaw ni Queen Bobowyowg.
"Narinig ko kasi yung mala-daga mong boses kaya naman pinuntahan ko kayo." Sarkastikong sagot ko.
Hindi pa rin ako humarap sa kanila, nanatili akong nakaluhod, yung isang tuhod ko lang ang nasa lupa, pangsuporta ng timbang ko.
Nakatingin lang sa 'kin si Shikainah habang umiiyak, kumurap-kurap siya pero hindi niya ginagalaw ang katawan niya para tumayo man lang, nag-enjoy yata ang pwet niya sa lupa.
Basang-basa na ang likod ko, naaamoy ko nga ang panghe ng tubig na tumolapon dito, sa'n ba nila nakuha ang tubig na 'yon? Grabe ha.
Biglang hinatak ni Clown 1 ang buhok ko. "Stupid! Nangengealam ka na nananaman!" Sigaw niya.
"B-bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang nagpupumiglas.
"Sinong nauto mo? Ano ka ngayon? Si Wonderwoman? Tagapagligtas ng isang malanding babae?!" Aniya.
Napanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Ni hindi mo nga makikita si Shikainah na kasama ang isang lalaki, mga kaklase nga namin ay hindi niya nilalapitan, mataray lang siya pero... hindi naman yata siya malandi.
"Sino bang mas malandi sa inyo? Siya na walang nilalapitang lalaki o ikaw na halos bumigay na sa lalaki?" Biglang sumulpot si Trina sa pinagtaguan ko kanina.
"What the hell are you talking about?!" Nag-english na si Clown 1, galit na talaga.
Sarkastikong tumawa si Trina habang nakacross arm sa harap namin pero makikita mo sa mukha niya ang inis, totoong inis, ngayon ko lang nakita 'to, nakakatakot.
"Nung isang araw..." Pagkukuwento niya, umakto pa siyang nag-iisip. Tinuro niya yung lalaking may hawak nung timba. "Yan... kasama mo siya hindi ba?" Mayabang na tanong niya.
Nakikita ko ang mukha niya kaya naman bakas do'n ang pagkagulat dahil sa rebelasyon ni Trina. Napapalunok pa siya.
"H-hindi ko alam yang sinasabi mo!" Pagdedeny niya, pero bakit nauutal siya?
"Talaga ba? Gusto mo bang ipakita ko yung picture niyong dalawa?" Pagbabanta ni Trina, akmang may kukunin siya sa bulsa niya ng pigilan siya nung lalaki.
Confirmed!
"Tumigil ka sa binabalak mo!" Sigaw niya.
"Bakit?" Kunwaring naawang sagot niya. "Natatakot ba kayong makita ng kaibigan niyo na naghahalikan kayo sa may janitor's room... walang damit pantaas... nagpapalitan ng ung—!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
