Malas!
HEIRA'S POV
Linshak na!
“Sorry, I'm late.” Anang isang tinig na mula sa bukana ng kwartong 'to. “You can leave now, Miss Young.” Baling niya kay Miss Young. Tumango naman ito saka lumabas ng room. “I'm Lorenzo Almineo, I am your advicer.” Sabi niya sa 'min. “Introduce yourselves boys.” Baling niya sa mga dumuro sa 'kin kanina.
“Vance Warren Vergara.” Pakilala ni Vance, siya yung nasa fastfoodchain.
Isa...
“Xavier Austine Ferrer.” Sabi naman nung kasama ni Vance sa canteen, yung wagas kung makangiti.
Dalawa...
“Asher Caleb Marquez.” Siya yung tumulong sa 'kin para makuha si Tantalog.
“Hala, pati ikaw kaklase namin?” Wala sa sariling tanong ko sa kaniya, tumango naman siya.
Tatlo...
“Maurence Clyde Romero.” Yung nakabunggo sa 'kin sa mall, sinamaan ko siya ng tingin, siya naman ay nakangisi.
Apat...
“Elijah Jon Valdez.” Walang emosyon, siya yung nakaagawan ko ng notebook sa bookstore sa mall.
Lima...
“Jharylle Kian Buenjavier.” Sabi naman nung isa.
Anim...
“Timber Arlo Ponciano.” Sunod naman nung isa.
Pito...
“Maviel Percosas.” Ani nung isa, pumapalpak pa saka kumukurap - kurap na parang bata.
Walo...
“Alexis Andrei Del Carlos.”
Siyam...
“Adriel Vince Ramos.” Sabi naman nung isa, titig na titig sa 'kin na para bang pinag aaralan niya ang mukha ko.
Sampo...
“Aiden Samuel Santiago.” Mahinang sabi nung isa.
Labing isa...
“Kayden Ace Williams.” Sabi nung isa habang masamang masama ang tingin sa 'kin, gusto yata akong lamutakin, siya yung buhusan ko ng juice sa canteen.
Labing dalawa...
“Lucas James Wyatt.” Anang isa na pagkaganda ng ngiti, maputi, gwapo, matangkad.
Labing tatlo...
Labing tatlo? 13? Malassss!
Hindi ko na namalayan na titig na titig na pala ako sa kaniya, pinapantasya, crush ko na, mali erase!! erase!! erase!!
Wala akong masabi, pare - pareho silang matatangkad, maputi, maganda ang katawan, maayos ang buhok, at higit sa lahat gwapo.
“They are the students that you need to help to improve, introduce yourselves.” Natinag lang ako sa pag iimagine ng bumaling sa 'min si Sir Lorenzo. Nakangiti na sa 'min pero halatang seryoso.
Isa isang nagpakilala ang mga kasama ko. Tinignan ko ang mga lalaki na ngayon ay nakaupo na at nakangisi sa 'min... sa 'kin.
Nakakatakot naman ang mga 'to!
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
