CHAPTER 70

26 2 0
                                        

Kaluguran daka

HEIRA'S POV

Unat! Unat! Unat!

"YAWWWWNNNN!"

Nakakaantok! Miyerkules na, bukas na ang acquittance party pero parang wala akong gana.

"Mayap a abak!" Napatalon ako dahil sa biglang pagbati na 'yon. Gusto niyo ba talaga akong maatake sa puso?

"Anong pinagsasabi mo d'yan?" Tanong ko, nasa tabi ko na pala si Adriel.

Wala pa ang mga katabi ko at yung iba. Feeling ko ang aga ko ngayon, for the first time nauna ako sa kanila.

Tumawa muna siya bago sumagot. "Magandang umaga, sabi ko."

"Bakit ba kasi gan'yan ang lenggwahe mo, hindi ko maintindihan, Chinese ba 'yan?" Tanong ko, pero hindi eh, hindi naman siya chinese.

"Kapampangan yun. Hindi chinese!" Pagpapaliwanag niya.

Ah kapampangan pala.

"Trip din ba ng mga kapampangan ang biglang pagsulpot?" Tanong ko.

Magkatabi kami ngayon, nasa pinakagitna pa kami ng room. Nandito na si Shikainah pero parang wala rin. Hindi mo nga siya makikitang gumagalaw o magsalita man lang. Hindi naman siguro siya pipi diba?

Si Mavi rin ay nandito na pero naglalaro siya sa likod mag isa. Hindi man lang alintana ang mga lamok na pumapapak sa kaniya. Nakasalampak pa siya habang pinagbubunggo ang mga kotse niya. Kelan kaya tatanda ang isip neto?

Nandito na rin si Kayden pero nakatutok lang siya sa cellphone niya. Nanlisik ang mga mata ko nung makita ko siyang nakangiti. Gusto ko siyang sapakin hanggang hindi na siya makakita.

Tumawa lang siya. "No, ofcourse not." Sagot niya.

"Oh, bakit lagi ka na lang sumusulpot, trip mo lang gano'n? Pangarap mong maging kabute?"

"Psh, you're funny." Tsaka tumawa ng malakas.

Hindi kita pinapatawa king ina ka!

Nakita niya ata ang pagtataka at pagngiwi ko sa kaniya kaya nagsalita ulit siya.

"Tulala ka kasi, ang lalim naman yata ng iniisip mo."

"Oo, sisirin mo nga." Sarkastikong sabi ko.

Oo, kanina pa 'ko tulaley! Pa'no ba naman kasi, hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon.

Mula nung pagpasok ko sa room kahapon hanggang pagkauwi ko sa bahay ay naglalayag ang isip ko dahil sa pangyayaring 'yon.

Kapag naaalala ko ang pagkibot ng labi niya at ang pagpikit niya para akong kinikilabutan o kaya naman ay parang naninigas ako. Masarap naman— ay hindi! Hindi 'no, hindi masarap 'yon, lasang alak nga eh. Myghad!

Parang inimbak ang alak na ininom niya ng isang daang dekada dahil sa pangit ng lasa. Pagkatapos nga no'n ay parang nahilo ako, napunta lahat ata sa 'kin ang alcohol na ininom niya. Hindi naman kasi iniinom ang alcohol. Shunga! Nilalagay sa kamay 'yon.

Kaya pala mukhang wala siya sa sarili, siguro nasobrahan siya sa alcohol. Adik.

Tapos may pahawak pa sa ano. Putanginames naman! Ang sarap niyang iumpog sa pader ng isang daang beses. Ayos lang, nakaganti naman ako sa kaniya. Masakit pa kaya yung ibon? Ha?!

Ano ba 'tong mga iniisip ko!

Ilang beses kong pinukpok ang ulo ko. Baka sakaling mawala yung mga pangyayaring yun! Jusme! Ayaw umalis sa utak ko, panay ang takbo.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now