CHAPTER 28

26 3 0
                                        

The gang fight

HEIRA'S POV

"Heira, ayos ka lang?"

Pangit naman ng pasok netong gunggong na 'to, kung kailan nabuhusan na 'ko't lahat lahat do'n pumasok sa eksena.

Isang dipa ang layo niya, nakatakip ang ilong, gusto niya akong lapitan pero dahil sa amoy hindi niya nagawa gano'n.

Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko kahit naiinis ako sa mga punyetang clown na nasa harap ko.

"Ahh, little brat, you're so kawawa." Kunyari pang naawang sabi ni Queen Bobowyowg.

Yung mga kasama niya nakangisi, para bang damang-dama nila ang success sa ginawa nila.

Nakakainis lang dahil wala akong magawa, ayokong gumawa ng hakbang na sa huli ako rin yung magsisisi. Ayoko silang gantihan dahil umiiwas ako sa gulo, nagpipigil ako kahit ikakasakit ko.

"Madison!" Gigil na sigaw ni Vance. "Siraulo ka ba?"

"Ofcourse not," Maang-maangan naman na sagot ni Madison, tumingin siya sa'kin. "Nakahanap ka pala ng kakampi mo?"

Hindi ako sumagot, kinakalma ko ang sarili ko, hindi na rin ako halos huminga dahil nga sa amoy netong nasa mukha ko ay makapigil hininga.

"The stench of your smell!" si Shikainah.

"It stinks." Gatong naman nung Porpol.

Nakatakip sila ng ilong pare-pareho, pinapaypay pa ang kamay sa ere akala mo naman mawawala yung amoy.

"Violet! Ano ba!" Baling naman ni Vance kay Porpol.

"What?"

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?"

"Nothing, naglalaro lang kami."

"Hindi na kayo tumigil sa mga gawain niyong yan!"

"And so?"

"And so ba kamo? Kasiyahan niyo 'yan 'no? Fuck!"

"Ooh, so may kakampi ka na pala." Ani Shikainah sa'kin.

"Hindi ko siya kinakampihan!" Sabat ni Vance.

"Look at your face, smell yourself, so disgusting!" Sabi naman ni Madison.

Ayokong magsalita baka pumasok sa bibig ko 'tong nasa mukha ko. Hindi ko mapaliwanag ang amoy, parang bulok na basura na may ieeek ng baboy gano'n.

Amoy KANAL!

Bwisit galing to sa kanal eh.

"Kelan niyo ba balak tigilan si Heira?" Tanong ni Vance.

Nagcross arm na lang ako, nag eenjoy ako sa pinapanood ko eh, mala teleserye.

"We still enjoy what we do." Diin na sabi ni Madison sa mukha ni Vance, yung lapit ng mukha nila halos two inches lang gano'n.

"You're unbelievable."

"Yes, I am."

"Tumigil na nga kayo! Tara na He—!"

"Titigil kami kung magsosorry siya sa'min." Sabat ni Porpol.

Inaano kita? Nirecruit ka lang naman ni Queen Bobowyowg, siya lang naman ang nabuhusan ko, tapos makikisali ka? Hanep ka.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now