"Hey Yakiesha are you awake?" alam ko na kung kaninong boses iyon sa tapat ng pinto.

"Oo Kio, mag aayos lang ako saglit." inaantok na sabi ko, tumayo ako kahit tulog na tulog pa ang diwa ko, naligo ako at nagbihis katapos ay bumaba na rin ako.

"Breakfast is ready." si mommy

"Goodmorning." sabi ko sakanilang dalawa.

"Hmm, morning." ani Kio at sumimsim sa kaniyang kape.

"Ayos na ayos ah." sabi ko sakaniya ng mapansin kong gwapong gwapo itong nakaayos na, bagay na bagay ang kaniyang uniporme.

"Yes of course, by the way sabi ni mommy pareho tayo ng section, para raw makasama nalang kita." nakangiting ani nito sa akin, napasimangot naman ako.

"Edi nadagdagan nanaman ang mga lalaki sa'min niyan? anim na lang nga kaming mga babae don eh," sabi ko habang kumukuha ng makakain ko para sa almusal.

"Huh!?" takang tanong nito.

"Tsk, mahabang story kambal, kamalas malasan lang kasi mayayaman nga at gwapo ang mga nando'n napaka matapobre, mayabang, pasaway at mahihina ang utak, nakakinis." mahabang reklamo ko sakanila.

Naalala ko nananaman ang ginawa nila sa 'kin. Kung hindi ko lang talaga sila kaibigan at kung hindi ko lang sila tinuturing na kaibigan, baka nabatukan ko na sila.

"Hey don't say that." natatawang sabi ni Kio

"Nakakairita, bakit ba kasi ako ang nilagay nila doon." sabi ko at kumain nalang.

Ewan ko ba kung anong pinagsasabi ko. Ang totoo naman no'n ay masaya ako sa section na 'yon, parang ayaw ko na ngang umalis do'n.

Para akong sinasapian sa mga pinagsasabi ko ngayon. Nakakakinis sila, oo. Pero hanggang inis lang 'yon dahil masaya silang kasama. Mas maayos silang maging kaklase kaysa sa mga matatalino sa ibang section.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay mommy saka sumabay kay Kio papasok ng school.

Nasa gate pa lang kami ay dinig mo na ang bungisngisan at bulungan ng mga istudyante lalo na ang mga babae.

"Omo Iya look at him he's so handsome, I think he's a transferee!!"

"Yeah right he's goddess!"

"He's cute!"

"I love him na."

"Me too."

"But wait look who's with him."

"Tsk nakakairita talaga yang Heira na 'yan."

Sumimangot naman ako dahil don, nilingon ko si Kio na panay pa cute sa mga madadaanan namin. Saksakin ko mga mata niyo eh! Pati ako dinadamay niyo sa pagkainggit niyo.

Kung gusto niyo, sige sa inyo na 'tong demonyo kong kakambal, eh yun lang kung sasama siya sa inyo. Mukhang imposibleng mangyari 'yon.

"Why?" natatawang tanong niya

"Wala, sikat kana ah, unang araw pa lang andaming na nagkacrush sayo." Sambit ko. Gwapo si Kio kaya hindi na ako nagtataka.

At syempre kakambal ko siya kaya maganda ako, ano ba ehe. Ay! Putcha! Ang arte. Hindi ko talaga bagay ang maging gano'n.

"Hayaan mo na sila, let's go?" Aniya saka hinila ako papasok ng classroom.

Nang makapasok na kami ay halatang nagulat ang lahat dahil sa presensiya ng kakambal ko. Kahit sino naman siguro ay matitigilan kung may isang lalaking bigla na lang papasok dito sa section na 'to tapos kasama pa 'ko.

Okay, huwag kang kabahan, Heira. Kaklase mo ang mga 'yan, bakit ka kakabahan? Aning lang?

Lumapit ako kina Alzhane,  Zycheia, Vance , Kenji, at Lucas na takang takang naman ang mga mata at nakatingin ko sa kasama ko.

"A-ah hi guys, goodmorning." Bulalas ko at kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Wala namang mali. Naninibago lamang ako sa mga tingin nila sakin o sabihin na natin dito sa kakambal ko. Good naman talaga ang morning.

"Goodmorning," ani Zycheia

"Kare wa dare?" tanong ni Kenji, as usual kumakain nanaman at nakanguso na parang bata. Isip bata talaga tsk.

Translation: "Sino siya?"

Sympre may hawak nananaman siyang pagkain. Hindi ba talaga nabubusog ang lalaking 'to? Palaging kumakain. Gusto ko sanang manghingi sa kaniya pero biglang nagsalita si Kio lampayatot, isang malakas na hangin lang ay siya'y babaluktot. Hahaha.

"A-ah he's Akio Fynn Montebello, h-he's my—"

"I'm her boyfriend..."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now