Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Tumatalon sa saya ang puso ko dahil doon.

Mula pagkabata'y malapit na kami sa isa't isa, marahil ay dahil kambal kami? hindi ko rin alam. Kahit pa noong nahiwalay siya sa akin upang magtungo sa ibang bansa ay malapit pa rin kami.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ito kaagad kaya naman hindi naipunto ngayon ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Halos ilang taon din kaming hindi nagkasama dahil naghiwalay ang parents namin at doon na siya nag aral  sa  New York. Sumama siya kay daddy ako naman ay namalagi sa puder ni mommy.

Naging maganda naman ang buhay naming pare-pareho kahit sa puso ko ay parang may kulang. Sustentado pa rin kami ni daddy kahit hiwalay na sila ni mommy. May mga panahon din na nagbabakasyon dito si Kio kasama si daddy pero madalas ay si Kio nalang ang umuuwi dito para bisitahin kami.

Ngayong nalaman kong titira na siya sa amin ng matagalan ay parang hinaplos ang puso ko at naging masaya ako. May parte naman sa akin na ngungulila kay daddy at nag aalala ako dahil wala siyang kasama roon sa New York dahil nandito si Kio sa Pilipinas.

"Hey... hoy Hiera Yakiesha!" medjo naisigaw na bulalas ni Kio habang tinatampal ang noo ko, naramadaman ko naman ito kaya natinag ang pag eemo ko.

Ano ba yan, epal naman eh.

Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mga nagdaang nangyari sa pamilya namin. Kahit pa tanggap ko na ay hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko maiwasang mangulila. Hindi ko maiwasang maghanap ng buong pamilya, kahit pa alam kong hindi na ito maaring magyari

"W-what is it again? hehe" nahihiyang tanong ko sakanya, sumimangot naman siya.

"Someone told me na may crush ka daw sa school niyo, tama ba 'ko Yakiesha?" tanong niya kaya naman lumaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. Ewan ko ba sakanya at Yakiesha ang tawag nito sakin, ayaw na ayaw ko pa namang tawagin ako sa akin ikalawang pangalan. Noon pa man ito na ang tawag niya sa'kin kaya naman ay nasanay na rin ako roon.

"Eh!?" tanging nasabi ko dahil nahihiya pa rin akong sagutin ang tanong niya. Nangangapa ako ngayon ng sagot para rito.  Umurong na halos ang dila ko.

"Tama ba ako Yakiesha?" ulit niya na may halong pang aasar.

Nakakinis naman 'to oh! linshak ka Kio.

"Y-yeah, pero 'di naman niya ako gusto, ang sungit sungit sungit niya akala mo naman napaka gwapo niya, para siyang pinaglihi sa sama ng loob dahil laging galit." nakasimangot na bulalas ko habang inaaala ang masungit na mukha ni Kayden.

"Sus gusto ka non, you're pretty, gusto mo bang pagselosin natin siya bukas?" nanlalaking matang sabi niya habang tatawa tawa.

"Tsk, whatever." pasiring kong sabi kaya naman tinawanan niya 'ko.

"Leave it to me, trust me." he winked at me saka ngumisi.

Linshak! grr!!!

"Okay goodnight." paalam ko na lamang sakaniya dahil hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi niya

"Goodnight twin sister" aniya

Lumabas ako ng kwarto niya atsaka ako bumaba ng sala para uminom ng gatas. Bumalik ako ng kwarto ko, tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may importante bang mensahe rito. Nang wala akong mabasa ay natulog na 'ko.

KINABUKASAN lunes ng umaga.

Nagising ako dahil sa katok ng kung sino, alam kong umaga na kaya tiningnan ko ang alarm clock ko at 6:00 A.M pa lang, 8:00 A.M ang klase ko o sabihin na nating klase namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora