Kaya nga sigurado akong hindi siya 'yung lalaking 'yon. Si Asher, siya 'yon.

Si Kio naman, umabot ang isang linggo pero hindi siya nakauwi. Prank lang daw 'yon sabi niya sa 'kin, huwag nga raw akong excited na makita siya. Gusto kong ibalibag ang cellphone ko sa inis dahil sa sinabi niyang 'yon at talagang kasabwat niya pa si mommy ah.

Sinabi ko rin kita Eiya na... na may gusto ako kay Kayden. Para silang tanga na tumitili sa tambayan. Panay ang pagtatanong nila kung paano, kailan, saan, at bakit ko raw siya nagustuhan. Ang sagot ko lang ay...

"Hindi ko alam."

Wala naman talaga akong nakikitang dahilan kung paano ko siya nagustuhan. Wala kahit na ano basta ang alam ko, bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing ngingiti siya. Isang iglap nalusaw ako. Gusto ko na ang isang gagong hudlong na kulapo.

Miyerkules ng dumating si Kio. Miyerkules nga siyang umuwi pero sa sumunod pa na linggo. False alarm talaga ang bwisit na 'yun. Pero syempre masaya ako na nakauwi na siya, may pasalubong ako galing sa kaniya eh.

"Ayahay ang buhay kapag nagpuyat ikay mamatay!" Nababaliw na yata talaga ako dahil sa kakaisip mula kanina pa.

Ni hindi ko na nga alam kung paano ko natapos itong binabasa ko. Basta tinitignan ko na lang yung mga letters tapos... tapos na.

Pagkatapos kong magbasa ay napagdesisyunan kong puntahan ko ang aking kakambal sa kwarto niya.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at 7:00 pm pa lang, paniguradong hindi pa yon natutulog.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para puntahan ang kwarto niya.

*KNOCK!! KNOCK!! KNOCK!!*

Tatlong beses kong kinatok ang kwarto niya bago siya sumigaw ng...

"Pasok." malumanay na sagot nito na nagbigay hudyat sa akin upang tumuloy na sa kaniyang silid.

Pumasok ako at nakitang nagbabasa siya ng libro at nakaupo sa swivel chair niya sa kanyang study table. Iniangat niya ang kaniyang tingin sa akin at ngumiti.

"Oh, why are you here Heira Yakiesha?" nakangiting tanong niya sakin.

Ang galing at napakagaling niyang magsalita ng ingles. Bagamat tumira siya sa New York ay gano'n niya kabilis magaya ang accent ng pag iingles ng mga tao roon

"'Di mo 'ko namiss, huh?" nakangusong tanong ko sakaniya pabalik.

Ang totoo ay masaya ako sapagkat bumalik na ito sa amin ngayon, masaya ako... kami ni mommy na makakasama na ulit namin siya.

Tumayo siya at ngumiti ng pagkalaki laki at niyakap ako. Nabigla pa ako sa kaniyang ginawa dahil hindi ko ito inasahan. Nang matauhan ako ay saka ko siya niyakap pabalik.

"Ofcourse I missed you, you're my cute  naughty twin." pang uuto pa nito sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi.

"Nakakaabala ba ako sa'yo mahal na prinsipe?" natatawang kantyaw ko sa kaniya.

"Hey, don't call me like that." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at sinamaan ako ng tingin. "Hindi ka abala sa akin, okay." dagdag pa nito. Ngumiti siya sakin na may kislap sa mata.

"Are you staying here for good?" masayang tanong ko kay Kio. Umaasa ako na sana lamang ay "oo" ang magiging sagot nito sapagkat matagal tagal na rin noong huli itong nag stay sa'min.

"Yeah I think so." nakangiting tugon nito sa tanong ko.

"...Im planning to transfer to your school tommorow, inayos na ni mommy yung mga kailangan." Sabi nito kaya naman nagliwanag ang mukha ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora