"Siya yun."
"Sino?"
"Yung babaeng naglalakad. Siya ang pinapahanap ni boss."
"Sino r'yan? Ang tanga mo, ang daming naglalakad."
"Ayan. Yung babaeng medyo maliit."
Binilisan ko ang paglalakad dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa 'kin at pakiramdam ko rin ako ang pinag-uusapan ng mga lalaking 'yon. Nakakatakot ang mga boses nila, para bang may balak na hindi maganda.
Binalik ko sa bag ko ang cellphone ko at halos tumakbo na 'ko dahil sa mga naririnig kong mga yabag na nasa likod ko. Ayoko munang sumabak sa panibagong gulo, ayaw kong maghanap ng ikakasakit ng katawan.
Halos mapasigaw ako nang may humawak sa balikat ko nung paliko na 'ko. Kaagad ko namang ginalaw ang kamay ko at pinalupot sa kamay na nasa balikat ko.
"Anong kailangan niyo sa 'kin?" Tanong ko sa lalaking may kaedaran na.
Ang kamay niya ay nasa likod niya na dahil sa pagkakabaluktot ko no'n. Natumba na ang bike ko sa daan. Malas ko lang dahil nasa parte pa kami na parang walang dumadaang tao. Wala akong mahihingan ng tulong.
"Ikaw!" Matigas na sagot niya at sa isang iglap hawak niya na ang panga ko, halos maiyak ako dahil sa higpit no'n.
Hindi ako makakasigaw.
Sa mga ganitong sitwasyon, sarili ko lang ang maasahan ko... mapagkakatiwalaan ko.
"Ano nananaman bang ginagawa ko sa inyo?!" Sigaw ko sa kanila ng bitawan niya 'ko.
Napahawak ako sa paa ko dahil pakiramdam ko ay namanhid na 'yon. Lagi na lang bang panga ko ang puntirya niyo?
"Ikaw ang kalaguyo ni Uno hindi ba?"
"Anak ng... lolo! Anong kalaguyong sinasabi niyo?!"
May dumating pang lima at pinalibutan nila ako. Wala na talaga akong katakas dito. Hindi ako makakasipa dahil nakapalda ako, maliit na short pa naman ang pandoble ko. Pwede akong masilipam sa isang maling galaw.
"Hindi kami lolo. Sabihin mo lang, may relasyon ba kayo ni Uno?" Tanong nung isa sa kanila?
"Pasensya na po pero hindi ko kilala ang Uno na sinabi niyo."
Ano 'yon? Uno, dos, tres?
Akmang maglalakad na 'ko para lampasan sila ng hilahin nung isa ang braso ko at pinasalubungan ako ng isang mahina pero nakakapanlambot na suntok sa sikmura.
Muntik pa nga akong matumba sa lupa pero pinanatili nila akong nakatayo. Ilang beses akong bumuga sa hangin, umaasang mawawala ang sakit ng sikmura ko. Baka bumaliktad na ang mga organs ko nito.
"Kinakausap ka pa namin bata." Anang isa tsaka niya 'ko tinapik sa pisngi, iniiwas ko naman ang mukha ko.
"Hindi na 'ko bata." Sarcastic na sabi ko sa kanila.
"Oo, dalaga ka na kaya alam naming may relasyon kayo ni Uno."
Anak ng putcha... sino ba si Uno?
"Wala akong boyfriend. Baka gusto niyo 'kong bigyan?"
Hindi ko naman talagang gusto na magkaboyfriend. Sinabi ko lang 'yon para inisin sila. May motto ako sa tuwing may gulo akong pinapasukan.
'Kapag hindi mo kaya ang kalaban sa suntukan, sa inisan mo sila labanan.'
"Magkasama kayo palagi, minsan nakikita pa namin kayong nagtatawanan!"
"Eh ano ngayon? Malay ko ba kung sino ang tinutukoy niyo."
"Si Uno!" Giit nung isa sa kanila, lumalabas pa ang mga ugat sa leeg.
"Hindi ko kilala si Uno—!"
Hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng magkasunod na sikmura at sampal ang nakuha ko sa kanila. Nandidilim na ang paningin ko pero dahil sa hawak nila ang magkabila 'kong kamay ay hindi ako makalaban.
Hindi na rin ako umaasa na mananalo ako sa kanila kung lalabanan ko pa sila. Sa bilis nilang kumilos, imposibleng tanga sila kagaya nung iba.
'Tigilan niyo na 'ko..."
Iyan ang sinisigaw ng utak ko pero hindi ko man lang maibulong sa kanila dahil sa panghihina 'ko. Nakabase na lang ang timbang ko sa hawak nila. Kung hindi nila ako hinahawakan sigurado akong bagsak na 'ko ngayon sa lupa.
"Kilala mo siya! Kung minsan mga ay iniinis mo pa siya!" Sabi nung isa.
"Lagi siyang seryoso kung makatingin sayo pero alam namin na magjowa kayo!"
Gusto kong matawa dahil sa sinabi niyang 'jowa', ang tanda niya pero alam niya ang salitang yun. Updated yata si Kuya ngayon.
Tanging pag-iling lang talaga ang naisagot ko sa kanila. Nginisian ko na lang sila dahil mukha silang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa wala silang makuhang sagot sa 'kin.
Tuloy ay isang suntok sa tyan nananaman ang nakuha 'ko.
Wala na 'kong inaasahan na tutulong sa 'kin ngayon. Pati ang sarili ko ay sumusuko na dahil sa panghihina. Kapag talaga ako nakaalis sa pagkakahawak niyo, flying kick ang ipapakaim ko sa inyo.
"Sumagot ka!"
"Wala kayong makukuhang sa—!"
Tuluyan na 'kong natumba sa lupa ng sipain niya ang tyan ko. Hindi man lang naawa na babae ako at matanda sila. Wala ba silang matinong magawa kaya naman tyan ko ang pinupuntirya nila?
Gusto lang yata nilang pababain ang mga kinain ko kanina ah.
Isang sipa pa ang nakuha ko at do'n na bumuhos ang luha ko. Sino nananaman ba ang nag-utos sa kanila? Hindi naman nila gagawin 'to kung hindi dahil sa pera. Wala na akong kilalang kaaway ko bukod sa boss 'kuno nung mga lalaking nangharang sa 'kin dati.
"Hindi mo kami maloloko. Bobo!"
Pumikit na lang ako. May sikat pa ng araw pero pakiramdam ko ay maggagabi na. Wala ba talagang nakakakita sa 'min ngayon?
'Tulungan niyo naman ako kahit ngayon lang..'
Isang boses ang umalingawngaw sa paligid na siyang hudyat ng pagkakawalan ko ng malay.
"Fuck! Don't you fucking dare to touch my girl, AGAIN!"
Kayden...
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 127
Start from the beginning
