Kagabi kasi, narinig kong nag-aaway ang kapit-bahay namin. Lagi naman, at talagang ginagawa talaga nila 'yon kapag gabi, para bang walang nabubulabog na tao.

Kung ano man ang pinag-awayan nila, hindi ko rin alam dahil mga kalderong nagsisikalampagan lang ang narinig ko. New year yata sa kanila. Nag-iingay.

"Wala. 'Wag mo ng isipin 'yon, mas isipin mo kung bakit bilog ang lemon square."

Umiiling siyang tumawa. "Bakit hindi ikaw ang sumagot? Tanong mo naman 'yan."

Para kaming timang na tumatawa habang naglalakad patungo ng room. Ayos na sana ang lahat ng may biglang bumunggo sa 'kin. Ang bilis ng pangyayaring 'yon, hindi ko man lang siya nakita na papalapit sa 'kin.

"HEIRA!"

Sabay nilang tawag sa 'kin. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila. Nung makarecover ako ay kaagad akong tumayo at pinagpag ang palda ko, hindi naman kalakasan 'yon pero natumba pa rin ako sa lupa.

"Are you alright? Are you hurt?"

Umiiling ako kaagad kay Adriel at ngumiti. Grabe kasi siya yung makapag-alala, hindi naman malala ang pagbagsak ko.

Pero okay na rin atleast may nag-aalala pala para sa 'kin.

Tumingin ako kay kuya. Oo kuya, mukha kasi siyang mas matanda ng ilang taon sa 'min. Parang namumukhaan ko siya ah. Pamilyar ang mukha niya.

Tumatabingi ang ulo ko habang sinisipat ang mukha niyang napakaseryoso pero may bakas ng pag-aaalala. Tumango siya sa 'kin, nung una hindi ko pa talaga gets ang sinabi niya.

"Mauna na 'ko, pasensya na, Yakiesha."

Bakit niya 'ko kilala?

Nung makapasok ako sa room ay do'n ko lang naalala na siya yung lalaking tumulong sa 'kin nung minsan kaming sinugod nina Queen Bobowyowg sa likod ng main building, siya yung lalaking tumango kina Asher para ilayo ako sa lugar na 'yon.

Pero... paano niya nalaman ang pangalan ko?

Hindi ko na naituloy ang pag-iisip ko ng mag-umpisa na kaming mag-test, buti na lang at sigurado na ako sa mga sagot ko, nasa libro ang mga 'to kaya naman alam ko ang sagot.

Nakahinga ako ng maluwang ng makatapos ako ng nasa oras. Kumpleto ang mga sagot ko. This time, sa tabi na 'ko ni Kenji umupo.

Buong araw lang na gano'n ang ganap. Maayos naman sana ang takbo ng lahat ng bahay sa araw na 'to kundi lang nabutas ang gulong ng bike ko.

Linshak!

No choice ako kundi ang maglakad. Nauna na kasing umalis sina Eiya kaya naman hindi na 'ko nakasabay sa kaniya. Kaya ko namang lakarin ang bahay namin yun nga lang matatagalan ako.

♫♪ "Lift your head, baby, don't be scared... Of the things that could go wrong along the way.. You'll get by with a smile.. You can't win at everything but you can try... ♫♪

Sa tuwing maglalakad ako pauwi o kaya papunta ng university ay ito ang pinapatugtog ko habang nakasulpak sa tenga ko ang isang earphones. Bukod kasi sa maganda ang kanta, maganda rin ang nakikinig.

(A/N: Okay.)

Epal.

♫♪ Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round... But don't let it bring you down... And turn your face into a frown... You'll get along with a little prayer and a song... ♫♪

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon