Sa'n banda ang kalokohan do'n? Ang ayos kong sumagot. Minsan talaga shunga si mommy eh. Porke nagulat dahil sa sinabi ko biglang lumipad ang pag-iisip.

"Hindi naman kalokohan ang sinabi ko eh!" Napanguso na lang ako at kinamot ko ang ulo ko.

"Ano bang sinabi sayo ng kapatid mo? Is it true that he is going back home? When?"

Tignan mo 'to, nag-english pa. Nako naman, ma!

"Sinabi niya na 'sa miyerkules ang uwi ko. Nasa airport na 'ko!'” Panggagaya ko ro'n sa text niya.

"Miyerkules?!"

"Oo nga, my! Ulit-ulit ka naman eh."

"Alam ko. Nung isang araw niya pa pala sinabi."

Tumutok na ulit siya sa t.v pagkatapos niyang sabihin 'yon. Gusto kong patayin ngayon ang t.v! Alam niya naman pala, bakit may pagulat effect pa siyang ginawa? Pinaglololoko yata ako ni mommy.

‘Wag mo 'kong kausapin, mommy. Ang gulo mo kausap. Ang dami pang sinabi, alam niya naman pala ang binabalita ko sa kaniya.

Tumayo na lang ako at pumunta sa kusina, kaysa naman sa makita ko ang mukha ni mommy na parang teenager na kinikilig dahil sa pinapanood niya, may patili-tili pa siyang ginagawa.

Isusumbong kita kay daddy!

Kumain lang ako ng mag-isa. Pagkatapos no'n ay pasimple akong kumuha ng icecream sa ref at tumakbo pabalik ng kwarto. Naligo lang ako saglit, yung sakto lang na mawala yung mga germs sa katawan ko.

Habang nagbabasa ako ay iyon ang kinakain ko. Mas mabilis talagang mag-aral kung kumakain ka. Proven and tested. May Chuckie pa 'ko, hindi ako nauubusan ng supply no'n dahil kada linggo yata ay may pinapadalang isang malaking karton na may laman na Chuckie si 'Anonymous.'

Hindi naman namin siya kilala pero hinayaan na lang namin siya. Kung 'yun ang gusto niya, bahala siya, siya rin naman ang gagastos.

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos kahit pa puyat ako, sana lang ay wala akong eyebags neto. Inaantok pa nga ako pero no choice kundi ang pumasok.

Kapag wala talaga sa mga tanong yung mga inaral ko, isusumpa ko na talaga yung mga gumawa ng questions.

"Mommy! Aalis na po ako!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ingat ka, kapag umuwi si Kio ay sa kaniya ka na sasabay."

Natampal ko na lang ang noo ko. Mas gusto ko pang magbisekleta kaysa magkotse! Baka ibunggo pa 'ko ni Kio, ang bilis pa naman niya magpatakbo, parang humihiwalay ang kaluluwa ko.

"Good morning."

Inayos ko muna ang pagkalock ng bike ko bago ko tugunin si Adriel. Nang matapos ay kaagad akong tumingkayad at ginulo ang buhok niya.

Ginagawa ko dati 'yun kay Asher kaso naiinis siya sa 'kin kaya naman kay Adriel ko na lang ginagawa. Hindi naman siya nagrereklamo pero nakanguso siya.

"Good morning din."

"You still seem sleepy."

"Oo eh, anong oras na lang kasi ako natulog kagabi."

Mag aalas-onse na lang yata ako natapos kakabasa kagabi. Humikab ako at nag-unat. Kahit gusto kong maidlip, ayaw ko ng gawin 'yon sa room, baka kumanta nananaman sila.

"Why? What did you do last night?"

"Nagbasa. Nag-review. Nakichismis."

"Huh?" Naguguluhang tanong niya, tinawanan ko lang siya. "Nakichismis?"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now