Gano'n lang ang posisyon ko sa loob ng dalawang oras. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala lahat ng mga nangyari kanina.
Yung pagpapalit namin ni Kayden ng test paper, yung pagyakap sa 'kin ni Chadley, yung itsura ni Maurence, at yung pang-aagaw ni Kenji sa pagkain ko. Ang daming nangyari ngayon ah, parang dati nagcucutting lang ako, ngayon halos mabaliw na 'ko kakaisip sa iba.
I just came back to reality when I heard my cellphone beeped. Tinatamad kong kinuha ang cellphone ko sa study table ko. Roon ko lang naman palagi pinapatong 'yon.
Tinatamad na 'kong humakbang pabalik sa kama ko kaya naman nahiga na lang ako sa sahig. Malinis naman dito at mas maluwang pa ang space. Pwedeng magpagulong-gulong.
Magtext lang si Kio.
From: Kio funget
Message: Sa miyerkules ang uwi ko. Nasa airport na 'ko!
Whaaaat?!
What the fudge? Ang bilis naman! ang sabi niya sa 'kin next week pa? Tapos sasabihin niya ngayon na uuwi na siya sa miyerkules?!
Hindi pa 'ko handa!
Hindi pa 'ko handa na magkaroon ng kaaway sa bahay ulit. Hindi pa 'ko handa na magkaroon ng kaaway sa pagkain, sa kahit na anong bagay!
To: Kio funget
Message: Pabalikin mo eroplano niyo, pa u turn mo!
Pwede naman sigurong iliko nung piloto ang manibela ng eroplano 'no? Hindi niya pwedeng ihatid ng Pilipinas si Kio dahil baka madakol ko lang siya rito. Number one enemy ko siya kapag kasama ko siya sa bahay masyadong mapamikon!
Hindi na siya sumagot, baka nasa eroplano na talaga siya! Eto na 'yon, babalik na ang mortal kong kaaway, ihahanda ko na ang kamao ko.
Tumayo ako at kaagad na lumabas ng kwarto para ibalita kay mommy ang sinabi ni Kio. Alam kong nandito na siya dahil narinig ko kanina ang kotse niya.
Pero nung pagkarating ko sa hagdan ay dahan-dahan lang akong bumabaz mahirap na baka mapilayan ulit ako, ang hirap kaya ng may benda sa paa.
"Mommy!" Sigaw ko, kahit yata ako ay nabasag ko ang eardrums ko dahil sa lakas no'n!
Nasa sala siya habang nanonood ng t.v. Lumingon naman siya kaagad sa 'kin habang nakakunot ang noo, nagtataka ata kung bakit ako sumigaw.
"SIKIOPOUUWINA!"
Pasalampak akong umupo sa sahig, naalala kong hindi pa 'ko nakakaligo, gabi na. Alas syete y media na ng makita ko sa orasan. Ang bilis ng oras.
Tanggalin ko muna kaya ang battery nung orasan para huminto muna ang oras? Pwese kaya 'yun?
"Ang bilis mo naman magsalita. Para kang hinahabol ng aso!"
Huminga muna ako ng malalim. Talagang pinapahigh blood ako netong Kio na 'to, mababatukan ko na talaga siya kapag nandito na siya.
"Si Kio po uuwi na."
"Ah.. 'yon lang pala— Whaaaat?!" Sa una akala ko wala talaga siyang pakealam tapos ngayon kung makasigaw parang hindi aware sa pagdating nung tukmol kong kakambal.
Nakapikit ako na tumango sa kaniya. Kung nabasag ang eardrums ko kanina, ngayon parang nadurog na talaga. Mas doble pa ang lakas ng boses ni mommy. Parang ngayon alam ko na kung saan ako nagmana.
"Opo! Nagtext siya sa 'kin!"
"Anak ng binatog. Bakit hindi niya sinabi sa 'kin?!" Napaisip pa siya.
"Kaya nga po ako ang nagsabi sayo eh!"
Bigla niya 'kong binato ng throw pillow. "Puro ka kalokohan!"
CZYTASZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Dla nastolatkówPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 127
Zacznij od początku
