Aba't... ako pa talaga ang masama sa 'ming dalawa.
"Bakit ba kasi bigla-bigla mo na lang kinakain ang pagkain 'ko?"
"Gutom ako eh! Ibili mo nga ako, Yakie."
"Sino ba sa 'ting dalawa ang gutom?"
"Ako."
"Edi ikaw ang bumili. Ikaw pala ang gutom eh, uutusan mo pa talaga ako." Binelatan ko siya at kaagad na tumayo, bago pa 'ko makaupo sa upuan ko ay kumanta na ang mga hudlong.
Talagang nang-aasar eh.
♫♪ Sumabay ka na lang, 'wag kang mahihiya
Sige, subukan mo, baka may mapala
Walang mawawala kapag... nagtiya-tiyaga.. Kung gustong-gusto mo, sundan mo lang ako... One, two, three, four ♫♪
Syempre pinangunguhan nung pimakahudlong. Sina Vance at Xavier, gumigiling giling pa. Isabayan pa siya nung iba. Napailing na lang si Adriel dahil sa ginagawa nung mga kaibigan niya.
♫♪ Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?
Kaya mo ba 'to? Kaya mo ba 'to?
Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to?
Hindi kami bato para magpatalo
Jumbo hotdog, kaya mo ba 'to? ♫♪
Sumabay pa sa kanila yung mga babaita. Winagayway pa nila ang mga kamay nila sa ere. Pinaningkitan ko lang sila ng mata bago ako tuluyang maupo.
Wala talaga silang matinong dulot. Hindi na nila natapos ang kanta nila dahil biglang pumasok si Sir Almineo, continuation na raw nung test.
Buti nga sa kanila at hindi na nila natapos ang kanta nila, para silang mga timang habang gumigiling. Pati si Kenji kumembot din.
Natapos namin ang mga next subjects ng maayos. Hindi ko lang alam kung tama ba ang mga sagot ko pero sigurado akong may isa o dalawa akong tama.
Mas madali ang mga sumunod na test kaysa sa mga nauna. Akala ko nga makikipagpalit nananaman ng sagot si Kayden, e. Buti na lang talaga at tumahimik lang siya habang sumasagot.
Biglang nag-iba ang mood.
Ewan ko ba rito sa kulapo na 'to, paiba-iba ng emosyon. Hindi ba pwedeng masaya muna ngayon tapos bukas seryoso naman? Isang oras pa lang ang nakakalipas nung ngumiti siya tapos ngayon mukhang inasiman nananaman ang mukha niya.
Nakauwi na rin ako ng bahay na parang sasabog ang utak ko. Para bang pagod na pagod ang utak ko dahil sa buong araw na pag-iisip, pamomroblema at pagsasagot sa exams.
Bukas na rin naman matatapos ang lahat ng 'to. Last day na ng exams buhay, maghihintay lang kami ng ilang araw bago namin makita ang mga scores namin.
Wala si mommy kaya naman walang naghanda ng miryenda ko. Gusto sana akong ikuha ni Aling Soling ng ice cream pero tumanggi ako. Marunong naman akong magsabi ng 'no' kahit pa sa pagkain pa 'yun.
Pero hindi ibig sabihin no'n ay papalampasin ko ang ice cream. Magpapahinga lang ako tapos lalantakan ko na. Chocolate flavored pa naman 'yon.
Pabagsak akong himilata sa kama ko at pumikit. Hindi pa nga ako nakakapagpalit, naka-uniform pa rin ako. Mamaya na lang ako magpapalit, tipid-tipid muna sa damit.
"...Naghahabulan yung mga butiki."
Kinakausap ko na rin ang sarili ko. Nakatingin ako sa kisame habang nakataas ang kamay ko. Tinuturo ko yung butiki at gagamba na naghahabulan.
"Ang bobo mo gagambae! Saputin mo kagaya ni Spider Man!"
Halos matawa ako dahil sa mga pinagsasabi ko. Ako ba talaga 'to o sinasapian lang ako ng elemento?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 127
Start from the beginning
