Lumapit ako sa teacher's table habang gumagapang ako. May nakita kasi akong dalawang paa do'n, nakapants 'yon kaya sigurado akong lalaki 'yon. Imposibleng si sir 'yon dahil parang maliit lang ang paa.
Sana lang ay hindi 'to multo dahil baka saksakin ko na lang siya ng hawak kong stick kapag nagkataon. Hindi ako pwedeng matakot sa kaniya, sa 'kin siya dapat matakot.
"Huli ka balbon!"
Kahit ako ay nagulat dahil sa biglang pagsigaw ng mga hudlong nang pagkakarating ko sa likod ng teacher's table! Halos magtawag na 'ko ng mga ninja at hiramin ang samurai nila dahil sa nakita ko.
Nando'n... nando'n si Kenji, ang batang hapon habang nilalantakan ang pagkain ko! Imposible namang hindi sa 'kin 'yon dahil palagi siyang walang perang pambili tapos kanina ay ako lang ang kumakain ng gano'n.
May papikit-pikit pa siya. Hinila ko ang braso niya para mailapit ko siya sa 'kin, nagulat pa ang gago. Gamit ang isang braso ko ay sinakal ko siya.
Braso ang ginamit ko, hindi palad. Baka hindi na siya makahinga kapag ginawa ko yun.
"A-aray!" Daing niya.
Habang nagpupumiglas siya ay pinipitik ko ang noo niya. Gusto niya akong hampasin gamit ang mga kamay nia pero kaagad ko namang tinatampal ang mga 'yon.
Tikman mo ang paghihiganti ng isang taong inagawan ng hotdog!
"Ikaw! Saglit lang akong nalingat naipuslit mo na kaagad ang pagkain ko!" Gigil na sabi ko sa kaniya. Patuloy pa rin ako sa pagpitik sa noo niya.
Tumatawa naman ang mga hudlong. Mukhang nag-eenjoy pa sila habang pinapanood kaming nag-i-sparing netong batang singkit na 'to.
"Pusta ako kay Heira."
"Si Kenji ang manok ko. KOK-KO-ROKOK!"
"Kay Heira. Tandang 'yan, panay ang pagputak! 500 ako!"
"Tsk. Para sa hotdog."
"Patay kang bata ka!"
Anak ng... pinagpustahan pa talaga nila kami. Ano kami? Mga manok na pinagsasabong? Eh kung sila kaya ang isunog ko rito ng malaman nila ang mga pinagsasabi nila?
"Ouch! Aray! Ang sakit! MA-SHA-KIT!"
"Talagang masakit! Mas masakit sa puso yung inagawan ako ng pagkain."
"K-kontin lang— aray yung kinuha ko— ouch! Ang tsakit! Tsakit!"
Halos hindi niya na masabi ang mga dapat niyang sabihin dahil pinipitik ko ang noo niya, hinila ko pa ng bahagya ang kilay niya.
"Hindi ka man lang nagpaalam sa 'kin! Tsaka anong konti? Eh halos maubos mo na yung hawak ko. Ubos mo na pala."
Stick na lang ang natira.
"B-busy ka kasi k-kanina, Yakie. A-aray, tama na!" Aniya habang mangiyak-ngiyak pa.
Bitiwan ko na siya dahil namumula na ang ilong niya, kamukha niya na si Rudolph the Red-Nosed Reindeer. Mas malala ang pamumula ng noo niya, para siyang kamatis.
"Ano? Kukunin mo pa ang hotdog niya?" Natatawang tanong ni Xavier sa kaniya, umiling naman kaagad si Kenji.
"Ang sakit nun!"
"Gusto mo isa pa?" Inambahan ko siya, umatras naman siya.
"Ayoko na! Ang sama-sama mo, Yakie! Nanakit ka!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 127
Start from the beginning
