Wala akong nagawa kundi ang pulutin ang mga gamit ko at barumbadong pinasok sa bag ko at tumayo para sundan si Maurence. Baka bigla na lang 'tong magpatiwakal.

Mabagal lang naman ang paglalakad niya kaya naman nasundan ko kaagad siya. Isang pitik ko lang yata ay tutumba na 'to, parang walang energy ang katawan.

"Maurence.." Pagtawag ko sa kaniya pero deadma lang.

"...Hoy hudlong." Parang walang narinig.

"MAWRENS!" Sigaw ko sa kaniya.

Wala siyang pakealam kaya naman no choice ako. Hinintay ko siya makalagpas sa 'kin ng bahagya bago ako tumalon at sinipa ang pwet niya.

Ayun! Nasubsob. Pasensya na.

"Aray! Putcha! Sino ba ang animal na 'yon?" Pagsigaw niya habang nakahawak sa pwetan niya.

"Ako!" Taas noong sagot ko sa kaniya.

Kaagad namang sumama ang mukha niya sa 'kin. Parang gusto akong lapitan at lamutakin pero masakit ang pwet niya. Nakaupo lang siya sa lupa kaya naman dinaluhan ko na siya.

"Kanina pa kita tinatawag. Para kang zombie'ng naglalakad." Sabi ko sa kaniya.

Ngumiwi muna siya bago sumagot sa 'kin. "Hindi naman kita naririnig kanina eh!"

"Syempre lutang ka."

"No. I'm not!"

"Sus. Eh napa'no ka?"

"None of your business!"

"Wala naman talaga akong business, yung nanay ko ang meron."

"Psh! Why are you suddenly kicking? Pwede naman akong kalabitin na lang." Inis na sabi niya.

"Ayoko, baka bigla ka na lang umiyak."

"What? Sa isang kalabit? Iiyak ako? In your dreams."

Nagpumilit siyang tumawa pero kitang-kita ko sa mga mata niya na parang may problema siya, ang lungkot ng mga yun eh.

Tinapi-tapik ko ang likod niya, nakaupo kaming pareho habang nakatingin sa kawalan. Para kaming nga sira dahil batuhan ang inuupuan namin at hindi na damuhan.

"Mukhang malaki ang problema mo ah." Sinubukan kong gawing biro 'yon. "Hindi ka pa masyadong umiimik."

Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw ang hindi niya pagsasalita. Tahimik lang siya, kung minsan ay nagbabasa ng kung anong libro, minsan nakadukmo, minsan tulala at minsan naman ay parang wala sa sarili.

Natatakot ako dahil baka nagshashabu na 'to, baka matokhang kaya naman dapat ng pigilan ang ginagawa niya. Mahirap na.

"Wala." Malungkot na sabi niya.

"Alam mo... kapag daw sinarili mo ang problema mo, mababaliw ka." Pananakot ko sa kaniya.

Kaagad namang sumeryoso ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit kahit gano'n ang mukha niya parang ang lungkot ng buhay niya.

"Gusto ko lang namang makapasok sa basketball varsity..." Aniya na parang maiiyak na siya.

"Pwede naman 'yon ah."

"Hindi. That will never happen."

"Bakit naman? Marunong ka namang magbasketball 'diba?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya kaagad.

Isang beses ko pa lang siyang nakitang naglaro nun pero hindi ko na matandaan kung saan ko siya nakita. Mabilis siya, 3 points shooter siya. Matangkad din at may maibubuga.

Bakit hindi pwede?

"I didn't know that my grades had to be high before I could join the varsity team.."

"Sinubukan mo na ba? Baka pwede namang pakitaan mo na lang sila ng mahiwagang skills mo sa basketball?"

Umiling siya kaagad. "I've been trying for a few years but I am not accepted because my grades are not that high...

"Gano'n talaga 'yon?"

"Yes. Kahit anong gawin ko, turing nila sa 'kin parang walang talento. Hindi man nila ako pinapayagan na ipakita ang kaya ko, kaagad nilang hinahanap ang grades ko." Natawa pa siya ng sarkastiko.

Tumikhim ako. Hindi pwede 'yun. Bakit? Grades ba ang basehan ng kakayahan sa pagbabasketball? Grades ba ang basehan ng kataasan sa pagtalon? Grades ba ang basehan ng pagkapanalo ng isang basketball team? Hindi naman 'diba? Depende 'yon sa sipag, tyaga at galingan ng player.

Hinawakan ko ang tenga niya, napatalon pa siya dahil sa ginawa ko. Tumayo ako kaya nahila 'yon, kaagad naman siyang napaaray at tumayo rin.

"Tutulungan kita... hindi man ngayon pero tutulungan kita para makapasok sa varsity basketball team."

Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon pero tutulungan kita hanggang sa abot ng makakaya ko...

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now