Halos maibuga ko na ang iniinom ko dahil sa gulat ko! Bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. Isa ba 'tong kabute? Panay ang pagsulpot.

Anak ng...

Pagkatapos kasi ang exams namin sa pang-umagang klase ay hindi ako sumunod kina Eiya sa canteen. Tinakasan ko rin si Kenji dahil sigurado akong sasama siya sa 'kin.

Nasa open field ako. Hindi ko alam kung anong tawag dito basta hindi 'to ang soccer field pero may maliliit pa rin naman na mga damo kaya pwedeng pag-upuan ang mga 'to.

Gusto ko lang namang mag-muni-muni dahil sa ginawa kanina ni Chadley. Saktong pagkatayo ko kasi sa upuan ko nung matapos kami sa pagsasagot ay bigla niya na lang akong niyakap... ng mahigpit na mahigpit, halos hindi na nga ako makahinga.

Hindi man lang ako tinulungan ni Kayden o kaya ni Asher tutal sila lang naman ang nasa tabi ko. Nakatingin lang sila sa 'min ng seryoso. Para bang may iniisip na kakaiba dahil sa ginagawa ni Chadley.

Isama mo pa yung sinabi niya sa 'kin na...

"...I hope it’s not all too late for the two of us."

Anong ibig sabihin niya ro'n? Wala naman 'kami' wala namang 'us' sa pagitan naming dalawa. At yung sinabi niyang 'too late' bakit?
Nagkakilala na ba kami dati?

"May nakita akong buy one take one na kabaong, gusto mo bang bilhin ko na 'yon para sayo?" Natatawang tanong ulit ni Vance sa 'kin.

Ngumiwi ako sa kaniya. "Sige ba, basta sayo yung isa."

"Bakit mo pa 'ko isasama? Gusto kitang makasama sa habambuhay hindi sa habampatay."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Loko-loko talaga amputa. Ang daming alam, tsaka sa'n ka naman makakahanap ng buy one take one na kabaong? Dapat ba kapag binili mo ang mga 'yon, kapag namatay ka ay kailangan mo rin maghanap ng kasama?

Tarantado.

"Sama ka sa 'kin." Sabi ko sa kaniya at tumayo, inilahad ko pa sa kaniya ang palad ko.

"Saan?"

"Airport."

"Saang airport?"

"St. Peter International airport, mamatay este mabuhay!"

"Ayoko nga! Mauna ka na kung gusto mo ng pumunta ng langit, kaso baka hindi ka tanggapin do'n sa impyer— Aray!"

Napadaing na lang siya ng bigla ko siyang sapakin. Kung makapagsalita naman 'to. Mas hindi nga siya katanggap-tanggap sa langit, idadamay pa 'ko.

"Gago ka kasi!"

"Sinasabi ko lang ang totoo! Ang sakit no'n sa panga ah." Reklamo niya.

Pinagtawanan ko lang siya. Tawang mahabang mahaba. Nakakalagot ng hininga. Kita ko talaga ang pagkabwisit niya dahil do'n.

Nag-walk out ang ate niyo.

Nakakain na rin naman ako kaya naman hindi na 'ko nagpunta ng canteen, may sarili akong pagkain ngayon dahil pinagbaon ako ni mommy, parang gusto ko na lang magpaluto sa kaniya araw-araw para tipid.

Akmang tatayo ako para bumalik na ng room ay biglang dumaan sa harap ko si Maurence na parang isang lamog at lantang gulay. Laylay ang balikat at hindi maipinta ang mukha.

Nalugi yata.

"Huy!" Tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin, deretso lang siya sa paglalakad niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now