"Hoy! Nangongop—!"
Hindi ko na napatapos ang sinasabi ko ng itampal niya sa noo ko ang test papers niya! Oo sa kaniya, ang dami ng sagot no'n eh. Este kumpleto na pala!
Umayos ako ng upo at pasimpleng nagsalita. Yung tipong siya lang ang makakarinig.
"Anong gagawin ko rito?" Takang tanong ko, tumatabingi pa ang ulo ko dahil sa ganda ng sulat niya, mas maganda pa sa sulat ko.
"Write your name on that paper. Let's swap. Mukhang wala kang maisasagot." Nakangising sabi niya.
"Gago! Baka pagalitan tayo." Sagot ko sa kaniya pero ang totoo ay nagsasaya lahat ng laman loob ko. May libreng sagot ba naman, sinong hindi matutuwa?
Wala naman makakaalam kung walang magsusumbong. Mabaog na ang magsumbong.
"If you don't want to do what I ask you to do. Bahala ka na."
"Kapag mali ang mga sagot mo, kakatayin kita."
"Okay."
"Eh?"
"It's not free because I'll get something in exchange for those answers."
"Ano naman—!"
"2 hours left."
Hindi na lang ako nagreklamo sa kaniya. Nagkani-kaniyang buhay na kami dahil sa pagsasalita ni sir.
Ako... sinulat ko na lang ang pangalan ko sa taas ng test papers, wala namang ibang pangalan ang nakasulat doon.
Siya naman ay mabilisang sinagutan ang mga tanong na dapat ako ang sumasagot. Seryosong seryoso siya, yung tipong kapag sinundot mo ang kilay niya ay bigla ka na lang niyang sasapakin.
Syempre dapat gumanti ka. Hindi ka naman siguro mulala 'no?
Sa loob ng dalawang oras na natira, wala akong ginawang iba kundi ang basahin ang mga sagot niya. Kumpleto at talagang pinag-isipan. Malinis pa ang pagkakasulat ng mga 'yon.
Hindi ko inakalang ganito pala talaga siya katalino. Kaya nga nagtataka ako kung bakit pa kami inilipat ni dean dito sa section na 'to. Para ba tulungan sila sa academic o para paamuhin ang pag-uugali nila?
Baka hindi lang talaga napapansin ng iba ang magandang side nila. Mga magugulo pero masayahin. Mga basagulero pero mababait. Mga tarantado pero may puso. Mga hindi simpleng tao pero mapagkakatiwalaan.
Hindi naman nila sila nakakasama kaya hindi nila nakikita ang mga 'yon. Kung tutuusin, si Kayden ang best president para sa 'kin. Mukha lang walang pakealam ang gago pero talaga pinahahalagahan niya ang section na 'to. Mukha lang siyang nakakatakot pero nakikisakay siya sa trip namin.
Kung pwede lang sigurong tumira rito ginawa na namin. Masyado silang malapit sa isa't isa. Yung mga hudlong ang tinutukoy ko. Para na silang mga magkakaibigan... magkakapatid. Hindi lang basta magkakaklase.
Ilang buwan pa lang kami rito. Magaan ang loob namin sa kanila. Kahit pa hindi maganda ang naging pagtrato nila sa 'min... sa 'kin. Habang tumatagal, mas napapalapit kami sa kanila. Tropa na nga raw ni Kenji ang mga hudlong eh. Kaya nga gusto niya ring sumali sa mga rambulan, napalatok siya sa 'kin nung sinabi niya 'yon.
Kaya ang pinagtataka ko, masyadong hinuhusgahan ng iba ang pagkatao ng mga hudlong, kasama pa ang mga teachers do'n. Masyado nilang binababa ang confidence ng mga hudlong kaya naman ganito sila kung mag-aral.
O baka naman may iba pang dahilan...?
"Ano? Buhay ka pa? Gusto mo bang ihatid na kita sa huling hantungan mo?"
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 126
Comenzar desde el principio
