Inhale exhale.
Napabuga ako ng malakas sa hangin. Hindi ko inakalang ganito pala kahirap ang quarterly exams dito sa B.A.U. Bilang na bilang ko kung ilan lang ang may choices eh. Kung dati mga 'what is matter?' lang ang tanong ngayon, ewan ko na lang. Talagang nakakabaliw.
Bakit ba kasi puro identification, enumeration, explanation, at nakakasakit ulotion.
Eissssh!
"Are you crazy?" Napalingon ako sa katabi ko ng magsalita siya.
Poker face lang ang ginawad niya sa 'kin at parang walang iniisip na problema samantalang ako? Nag-iisip ng pwedeng ilagay sa mga blank space.
Pwede bang ilagay yung chuckie? Chicken pastel? Chocolate? Ice cream? Tinola? Kayden? Eh? Bakit naman nasama ang kulapo na 'yon? Dahil sa kaniya ay nakalimutan ko ang mga pinag-aralan ko 'no!
"Hindi, baka ikaw." Bulong ko sa kaniya.
Buti na lang at hindi kami naririnig ni Sir Almineo kahit pa sobrang tahimik ng room namin. Kahit ihip ng hangin ay naririnig, kami pa kayang nagbubulungan? Para kaming chismosa sa kanto habang pinagchichismisan ang taong dumadaan.
Hindi kaya mahina na ang pandinig ni sir? Baka naman hindi pa nakapaglinis ng tenga? Pasensya na sir, dala lang ng utak kong walang laman.
"Hindi ah." Sagot ko sa kaniya at ngumiwi.
"Look at your self!" Aniya at inilabas ang cellphone para ipakita ang sarili ko.
Do'n ko nakita na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko habang nakapalobo ang bibig ko. Yung isang kamay ko naman ay ginagamit ko pampukpok ng ulo ko.
Mukha nga talaga akong baliw.
Nagpumilit lang akong ngumiti at tumingin na ulit sa test papers kong wala pang sagot kahit isa. Nakailang minuto na ba 'ko nakakapanakit sa ulo ko para gumana lang 'to?
Wala naman akong matatapos kung wala akong sisimulan. Wala akong maisusulat na sagot kung wala akong iisipin na sagot. Pwede namang hulaan na lang gaya ng ginawa ko dati. Pumapasa naman ako sa hula.
Akmang magsusulat na 'ko ng magsalita nananaman ang katabi ko. Hindi ba mapakali ang bibig neto? Ngayon pa talaga ginamit! Ngayon pang may exams.
"Don't write your name."
Madiin na utos niya. Kumunot naman ang noo ko. Nakayuko lang siya habang sumasagot at hindi man lang ako tiningnan nung sinabi niya 'yon.
"Bakit ko naman gagawin 'yon eh test paper ko 'to?"
"Just don't."
Gusto kong umangal sa kaniya pero may sarili yatang utak ang kamay ko at sinunod ang sinabi niya. Ilang minuto lang at nakasagot ako ng tatlo. Masaya na 'ko do'n. Atleast may sagot kesa naman sa wala.
Madadali lang yung nasagutan ko. Yung mahihirap? Bahaka sila sa buhay nila, sarili nilang tanong hindi nila maisagot.
5. How many significant figures are there in 6.107?
Teka! Alam ko 'to, nabasa ko 'to kagabi. Nasa dulo na ng dila ko. Konting isip na lang at may pang-apat na 'kong sagot.
Sa huli. Wala rin. Wala, hindi gumana ang utak ko para maghanap ng sagot. Padukdok kong niyuko ang ulo ko armrest ng upuan ko. Naumpog pa nga ako pero hindi ko na lang pinansin, baka bumalik na ang pag-iisip ko pagkatapos no'n.
Nagulat ako ng biglang may humablot sa hawak kong test papers. Napalingon ako kaagad kay Kayden na halos patayin ako sa tingin niya habang pinagmamasdan ang mga sagot ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 126
Start from the beginning
