Susme! Ang puso ko!
Napabuga ako sa hangin. Malakas na buga! Hindi ako pwedeng mawalan ng focus ngayon. Bawal munang pakiramdaman ang puso kong nagkukumahog ngayon. Ano bang nangyayari sa 'kin! Ilang araw na 'to ah. Mali na 'to.
King ina lang! Huwag ka munang titingin sa kaniya, Heira. Demonyo 'yan, siya ang magiging dahilan ng pagbagsak mo kapag pinansin mo pa siya. Isa siyang sumpa ngayon na siyang magpapatumba sayo. Huwag kang titingin sa kaniya.
Anak ng puta! Ang laki ng ngiti niya! Ay! Bakit ba ako tumingin sa kaniya. Sa test papers ang tingin at 'wag sa mga mata niya. Nainis na 'ko sa sarili ko kaya naman sa kabila naman ako tumingin.
O-oh...
Jusmiyo! Nag-eexam kami tapos may hawak na kape si Asher. Hindi man lang siya pinagbawalan ngayon ah. Parang wala lang sa kaniya. Hindi kaya napupuno ng acid ang sikmura neto.
Inis kong hinablot ang iniinom niya tsaka ko nilagok 'yon. Hindi naman masyadong mainit 'yon. Pwede na para mapainit ang sikmura ko ngayon. Kailangan kong gisingin ang diwa kong natulog dahil sa ngiting 'yon.
"Kakabili ko pa lang nun. You can ask me if you want. Hindi yung—!"
"Tsk."
Napatigil nalang siya sa pagsasalita dahil sa pagsabat ni Kayden sa kaniya. Hindi ko na lang sila pinansin. Mga tukmol talaga. Apat na pages ang hawak ko, 100 items ang mga 'yon! Ang dami naman.
Unang page ang binasa ko at halos napanganga na lang ako dahil sa mga tanong.
1. The date were Betelnut was introduced to New Guinea. Trade in Bird of Paradise skins. Trade of items between Asia and island of New Guinea.
Nasa'n ang mga choices dito? Walang A, B, C, D? Puro identification! Hindi ako pwedeng manghula rito. Hindi ba pwedeng kahit mga clues lang meron? Susme! Unang tanong pa lang ay date na. Wala naman ako sa mga panahon na 'yon, bakit niyo sa 'kin tinatanong?
Okay. Next page.
27. The Letter A.D stands for what? which means the ‘In the Year of our Lord in the Latin?
Aba malay ko ba. A.D? Adidas? Academic Decathlon? Air Defence? Alzheimer's Disease? Antukin Disease?
Lord, ano po ba ang sagot sa mga tanong na ito? Bakit nagpakahirap? Ni wala nga ang mga 'to sa mga pinag-aralan ko kagabi eh. Napakalayo ng mga 'to sa nabasa ko sa libro.
56. Who are the people who study the earth and its formation. They believe that the earth is about 4, 500 million years old?
Shet!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa kabobohan. Parang alam ko na talaga sa sarili ko na hindi ako matalino, bobo talaga ako. Nagogoyo ko lang siguro ang mga teachers.
Hindi man lang kami binigyan ng pointers to review para alam namin ang pag-aaralan namin, susme! Ang lalayo ng mga tanong na 'to. Sa'n ba galing ang mga 'to? Sa mars?
Kung alam ko lang na wala pala ang mga pinag-aralan ko sa exams edi sana hindi na lang ako nagpakaduling-duling sa pagbabasa.
89. Which of the following terms describes a change that produces matter with a different composition than that of the original matter?
A. Physical property
B. Chemical property
C. Physical change
D. Chemical change
Papatayin talaga ako ng chemistry. Parang ngayon lang ako nagsisi na lumipat pa ng school. Hindi yata ang mga teachers ang gumawa netong mga tanong na 'to eh. Mga experts siguro.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 126
Start from the beginning
