Kaagad akong napangiwi dahil sa ginawa 'ko. Hindi ko talaga bagay ang mga gano'n na gestures. Mukha akong tangang kumakaway-kaway.

"Buti naman at bumaba ka na." Sabi ni mommy habang nagsasalansan ng mga pinggan.

"Sabi niyo po kasi ay bumaba na 'ko kaya gano'n ang ginawa ko." Taas noong sagot ko.

Heira 'da masunuring anak ni Helen.

Umupo na lang ako sa pwesto ko at pinanood ang galaw ng dalawa. Para akong long lost princess na pinagsisilbihan ng reyna at kapatid ng reyna. Ako yung long lost princess na mukhang kapatid ng isang beast.

Yuck. Di ko trip.

"Kumain na tayo." Ani Aling Soling pagkatapos naming magdasal.

Kumuha ako ng pagkain ko. Kahit gutom ako ay konti lang ang nilagay kong pagkain sa plato ko. Konti lang 'to, apat na sandok lang naman ng kanin, isang malaking mangkok ng chicken pastel, dalawang platito ng buko pandan at tatlong saging. Konti lang talaga.

"Exams niyo na ba?" Pagbubukas ni mommy sa usapan.

Umiling naman kaaga ako, nilunok ko muna ang pagkain ko dahil baka bigla ko na lang maibuga sa harap ko. Sayang naman ang pagkain.

"Sa lunes po yung sinabi nilang date." Parang hindi pa 'ko sigurado sa sagot ko.

Baka kasi biglang malipat nananaman ang schedule ng araw ng exams. Isang text lang naman 'yon tapos aprubado na. Paiba-iba pa naman ng desisyon ang mga nakakataas sa school.

Buti na lang pala at naiuwi ko lahat ng gamit ko. Lalo na yung mga libro at notebook kaya naman makakapag-review ako mamaya o kaya bukas na lang.

"Sa lunes pa lang pala pero bakit parang bumagsak ka sa test sa itsura mo kanina?"

Malay ko, mommy. Hindi ko nga alam kung anong itsura ko kanina nung pumasok ako ng bahay, ni hindi nga ako nakapagmiryenda dahil sa lumulutang ang kaisipan ko. Pero walang pakpak.

"Tsaka bakit ang aga mong umuwi kanina, hija?" Tanong ni Aling Soling na siyang kinasimangot ko.

Paano ba 'ko magpapaliwanag sa kanila? Sasabihin ko nag-cutting classes ako dahil sa hinayupak na panaginip? Tatanggapin ba nila ang reason ko? Baka bigla na lang akong itakwil ni mommy.

"Sumakit po bigla ang tyan ko. Namamalipit sa sakit. Sobrang sakit. Parang ganito po..." Inuwestra ko pa ang kamay ko na para bang may nilalamutak na bagay para mas kapani-paniwala ang pagsisinungaling ko.

Tumawa si mommy. "Kaya pala mukha kang walking dead kanina." Paghalakhak niya. "HUK—!"

*Ubo!* *Ubo!* *Ubo!* *Ubo!*

Sa sobrang pagtawa niya dahil sa itsura ko kanina, nakalimutan niya yata na may laman ang bibig niya kaya naman nabilaukan siya. Sige, my. Tawanan mo pa 'ko ha.

Inabutan ko siya ng tubig, si Aling Soling naman ay hinahagod ang likod niya. Ako naman ngayon ang tumatawa dahil sa itsura niya. Epekto ng paghalakhak habang may kanin.

"Okay na po kayo?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Nagthumbs up pa 'ko para tanungin siya.

Pinaalis ko muna ang mga hindi dapat isipin, dapat tanggalin sa memorya ang mga hindi naman dapat inaalala. Nakakasakit lang ng ulo iyon kung patuloy kong babalikan ang nangyari. Wala naman din akong mapapala.

Mas mabuti pang pagkaabalahan ko na lang ako sa pagkain kong nasa harapan ko. Ngayon lang ulit 'to kaya dapat ng sulitin, dahil mukhang darating na yung karibal ko sa pagkain.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora