"Lumalala na talaga ang pagkakalog ng utak mo, Yakie. Ayahaaay!"
"Napatay ka lang ng creeps nabaliw ka na."
Samut-sari ang mga hirit nila habang pinagtatawanan ako. Wala talagang matinong magawa. Talagang may sinasabi kapag sumisigaw ako. Chismoso!
Sinamaan ko na lang sila ng tingin bago dumukmo. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nababaliw na ba ako? O baka naman lumipad na ang utak ko tapos hindi pa nakakabalik?
"‘Dre, kanta ka nga, ang tagal ko ng hindi naririnig ang makabasag eardrums na boses mo eh." Narinig kong sabi ni Xavier maya-maya.
"Nagsasalita naman ako, hindi mo pa no'n naririnig ang boses ko? Psh. Mag tutuli ka na nga." Boses ni Chadley.
Bahala kayo riyan. Gusto kong matulog. Pumikit na lang ako at bumulong ng 'pakigising na lang ako mamaya kapag nandiyan na ang teacher.' Pero hindi ko alam kung meron bang nakarinig no'n.
"Sige na, Chad! Sasabayan ka ni Zycheia." Ani Vance.
"At bakit ako, ha?!" Angal kaagad nung isa.
Alam naman ni hudlong na Vance na hindi magkasundo ang dalawa tapos gusto pa niyang pagsamahin dahil sa isang kanta.
"Marunong kang kumanta?" Tanong ni Hanna. "...Parinig naman oh!" Mukhang tumango yata ang lalaki sa kaniya.
"Sample! Sample! Sample!" Narinig kong sabay-sabay nilang paghiyaw. Pumapalakpak pa.
Sinabi ng gusto kong matulog eh! Tapos mag-iingay sila. Bastos na hudlong pero yung totoo gusto ko ring marinig ang boses niya habang kumakanta.
"‘Wag kang mahiya, mars! Este, pars. Sasabayan kita. Salitan tayo ng lyrics!" Sabi ni Trina.
"Wait. I'll search for the minus one." Pagpayag ni Chadley.
Papayag din pala ang dami pang paligoy-ligoy. Tumahimik saglit, do'n ko nakuha ang chance para makaidlip ako. Akala ko ay buong oras na 'kong matatahimik, hindi pa pala.
"Ako ang una. Sumunod ka na lang." Sambit ni Chadley, si Trina yata ang kinakausap.
Kung maganda rin siguro ang boses ko baka sakaling makisalo pa 'ko sa kanila. Baka masira ko lang ang kanta kung makikijamming pa 'ko. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaidlip na dahil sa pagbagsak ng mga talukap ng mata ko.
♫♪ I've been awake for a while now
You've got me feeling like a child now
'Cause every time I see your bubbly face... I get the tinglies in a silly place.♫♪
Nanaginip na lang ba ako o ano? Parang nanigas kasi ang katawan ko ng marinig ko ang kantang 'yan. Sumakit ang tenga ko kahit pa ang ganda ng boses ni Chadley, para bang ayaw ng katawan ko na pakinggan ang kantang kinakanta nila.
♫♪ It starts in my toes
Makes me crinkle my nose
Wherever it goes
I always know
You make me smile
Please stay for a while now
Just take your time
Wherever you go... ♫♪
Masaya naman yung kanta pero bakit gusto kong takpan ang tenga ko? Gusto kong gawin 'yon pero hindi ko magawa. Gusto ko silang patigilin pero hindi ako makagalaw.
"...Alam mo, kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala, parang ang bait mo na!"
"...Tse! Hindi ako mabait. Gusto mo bang kurutin ko yang kilay mo?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 124
Start from the beginning
