Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon, baka nagkamali lang siya ng sabi.

"Here." Pang-aabot niya sa cellphone niya.

Halos lumundag na 'ko sa tuwa dahil sa nakita ko! Nakalagay sa cellphone niya 'yung games na kamukha nung nilalaro ni Kenji. Ano ka ngayon, Ji. Meron na 'ko, ako na ang papatay sayo.

"Ano bang pipindutin dito?" Tanong ko, ang dami kayang mga arrows at parang chest, tapos may parang mapa pa.

Baka mapa 'to ni Dora.

"Gan'to, turuan kita." Sabi niya tsaka nanghila ng upuan at tumabi sa 'kin.

Teka, parang may mali.

Parang hindi ako komportable. Parang may nakatingin. Habang nagsasalita siya ay tumingin ako sa paligid.

Do'n ko nakita si Eiya, Kayden at Adriel na seryosong nakatingin sa 'ming dalawa. May ginawa ba kaming masama? Wala naman ah, maglalaro ako kahit ayaw niyo. *Evil laugh*

"Hey... are you listening?" Do'n lanv ako bumalik sa normal.

Tumingin ako ulit sa kaniya at nagpakita ng pilit na ngiti. Wala nga akong narinig sa mga sinabi niya.

"A-ano nga ulit 'yon?" Tanong ko.

"Gan'to. Listen. Okay." Pagdidiin niya. Tumango naman ako. "Kung saan-saan ka kasi nakatingin, I'm here." Dagdag niya pa.

Inismiran ko lang siya. Nanonood lang ako sa ginagawa niya. Sinabi niya pa sa 'kin kung anong gagamitin na spell daw. Pang witch lang. Tapos yung mga builds na hindi ko alam kung pa'no pagsasamahin.

"Your turn." Aniya tsaka ipinasa sa 'kin ang cellphone niya.

Kinakabahan naman akong kinuha 'yon, malay ko ba kung maibagsak ko na lang bigla. Mukha pa namang mamahalin.

"Click the classic. ‘Wag ka munang mag rank, baka matalo ka lang."

Hindi ko alam kung maoofend ba 'ko o ano dahil sa sinabi niya. Pinindot-pindot ko lang ang mga sinabi niya. Wala pang tatlong minuto ay napatay na 'ko.

Ang daya kasi nung kalaban, bigla-bigla na lang manghihila gamit ang hook niya, hello, baguhan ako. Siya ang pumili ng builds.

May narinig akong bulungan ng iba sa paligid.

"Mukhang may paglalamayan mamaya."

"Ako na ang bahala sa kape."

"Double dead 'to."

"Triple kamo."

"Layo ka na ng konti... baka mamaya masapak ka na lang bigla."

Mukhang nag-aasaran yata sila pero hindi ko sila naririnig na tumatawa. Hindi naman ako makatingin sa kanila dahil nasa cellphone ang paningin ko.

Hindi ako pwedeng mamatay!

Papatayin ko yung tore!

"Bawal bang kainin ang mga damo rito?" Pagbibiro ko habang pinapana yung parang repolyo, ang hirap patayin, iluto kita r'yan eh!

"Oh, patay ka nanaman." Sabi netong katabi ko habang natatawa.

"Alam mo, Ji. Pinagbibigyan ko lang sila." Sabi ko.

Kasampi ko 'tong batang singkit na 'to, kung hindi ko lang siya kasampi baka siya na ang pinatay ko. Pwede bang real life na sakitan? Pipitikin ko lang ang noo neto.

"‘Dre. Balik ka na sa lamesa mo." Lumapit si Xavier sa 'min at tinapik ang balikat ni Chadley.

"Sige. Wala ka lang niyan na mapagkwentuhan." Pag-bibiro niya tsaka tumayo.

"Asa ka, ang dami kong pwedeng bwisitin dito. Diba, Van. ‘Dre!" Tinawag niya pa yung isang hudlong.

Mukhang nagtaka naman si Vance do'n, kumunot ang noo niya pero sa huli ay tumango na lang siya.

"Diba! Balik ka na ro'n, baka mapatay ka nang wala sa oras."

Napalingon ako kaagad sa kaniya dahil sa sinabi niya. Parang nagbibiro lang ang mga labi niya pero yung mga mata niya ay napaseryoso talaga!

Anong mapapatay? Sinong papatay?

"Sige na, Heira. Balik na ko sa upuan mo." Sabi ni Chadley nang makitang nagkatinginan kami ni Xavier.

Pinigilan ko naman siya kaagad. Nahawakan ko na lang bigla ang kamay niya.

Nabitawan ko rin 'yon nang makaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam. Malambot ang kamay niya, kakaiba pero parang matagal ko ng alam 'yon.

"Y-yung cellphone mo." Sabi ko na lang at iniabot ang cellphone niya kahit hindi pa tapos yung laro.

"Yakie! Hindi ka pwedeng mag quit!" Sabi ni Kenji.

"Bakit naman? Sa flappy bird nga pwede mong iback."

"Wala kaming pain sa mga kalaban."

"ANONG SABI MO?!"

"Walang papatayin ang mga kalaban, kawawa naman sila."

Akmang magsasalita ako ng unahan ako ni Chadley. Narinig ko pa ang mga pagtawa niyang ang sarap sa pandinig.

Sino ka ba talaga?

Yan lang ang tanong na pumapasok palagi sa utak ko.

"Just play first, just give it back to me when you're done."

Hinayaan ko na lang siya. Uubusin ko ang load mo, yawa ka. Marami ka naman sigurong load 'di ba. Laro kami ng laro ni Kenji hanggang sa...

"I'm sorry, I'm late. In the previous topic, you looked at historical terminologies in the study of the past. There are different studies that help historians and archaeologists make informed judgments about the
past. In this topic, you will look at Oral history and traditions of Papua New Guinea."

Naitago na lang namin bigla ang mga cellphone na hawak namin ni Kenji nang biglang dumating si Ms. Jones. Patay, hindi pa kami tapos.

Wala na kaming nagawa kundi ang kunin ang mga libro at notebook namin dahil daw may recitation kami tungkol sa mga assignments namin. Taas noo pang naglabas ng notebook 'tong katabi ko, imposibleng wala siyang assignment.

"Oral history is the spoken history. The word, oral means spoken to and related to one another.
Oral history includes stories, songs, practices, beliefs, magic, rituals, customs & traditions and
legends about our people and their environment." Panimula ni Ms. Jones.

Nakinig na lang kami, may ilang beses niya kaming tinatanong pero halos buong oras niya yata kami sinisigawan dahil sa mga sagot ng mga hudlong.

Mabilis lang siyang natapos dahil nga late na siyang pumasok sa 'min. Bago ko ipasa ang notebook ko sa kaniya ay nagdasal ako na sana ay hindi niya mahalata ang sagot namin ni Adriel.

Habang nag-aayos ako ng gamit namin sa history ay parang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Cellphone 'yon ni Chadley.

'Athena is calling...'

Akmang pipindutin ko ang green button nang biglang maputol ang tawag. Aksidente ko tuloy napindot ang gallery.

Gano'n na lang pagkunot ng noo ko dahil sa pagtataka.

Ako ang mga 'to...

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now