Sa'n nagpunta ang mga pagkaing nilamon ko?
"Just don't talk about such things because we know what we're doing. "
"Eh?!"
Yon na lang ang lumabas sa bibig ko dahil bigla siyang nagwalk out. Iniwan ako sa canteen. Nagmadali akong sumunod sa kaniya pero bago 'yon, kinain ko muna yung kangkong na natira sa plato ko, nag-iisa.
Sayang 'yun, save foods.
"Hoy! Kayden!" Sigaw ko pero hindi siya umimik.
Naglalakad lang ako, gano'n din siya kaso mas mabagal nga lang. Hindi ako makatakbo para maabutan ko siya dahil kakakain ko lang, ayaw ko namang magkabuhol-buhol ang mga bituka ko 'no!
"Kayden!"
Ay, walang response. Okay isa pa.
"Kayd—!"
"What? Bakit ba sigaw ka ng sigaw d'yan?!"
"Wala lang, sige lakad na."
Ang tanga ng sagot mo, Heira. Bakit ko nga ba siya tinatawag? Para huminto siya at sabayan ako, gano'n? Loko lang ng utak ko.
"Bilisan mo, ang bagal-bagal mong maglakad." Parinig niya.
"Narinig ko 'yon!"
"Of course you have ears! Tsk!" Ganti niya.
Wala na akong nagawa. Hindi na lang ako sumagot dahil mukhang wala sa mood ang gagong hudlong na kulapo.
Bumalik na lang kami sa room ng walang imikan. Ginugulo ko na lang si Kenji habang naghihintay ng oras. Akala ko ba ten minutes na lang kanina? Anyare sa ten minutes, naging one oras gano'n?
"Pahiram nga kasi ako!" Pangungulit ko sa kaniya habang hinihila-hila ko ang kwelyo ng uniform niya.
Bahala kang masakal d'yan!
"Mamaya nga kasi! Yakie, mamatay na 'ko!" Sigaw niya, pilit niyang inilalayo ang cellphone niya sa 'kin.
Akala mo naman nanakawin ko.
"Ji! Malapit nang magtime oh, isang game lang kasi!"
"Tapusin ko lang 'to, papahiramin kita. Yakie naman!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya habang pinapakita ang cellphone niya.
Nag-blur ng bahagya 'yon tapos may parang timer. Napatay yata siya ng kalaban niya. Pero bahala siya, sabi ko isang subok lang eh.
May 30 minutes free time kami dahil may inaasikaso raw si Ms. Jones. Kanina pa nagring ang bell, sakto lang kaming nakaupo nang marinig namin ang pagtunog no'n.
"Gusto mong maglaro niyan?" Tanong ni Chadley sa 'kin, hindi ko man lang nahalata na nakalapit na pala siya sa 'kin.
Naalala ko tuloy ang mga pinagsasabi ko kanina sa kaniya. Inilabas niya ang cellphone niya at may pinindot-pindot do'n.
"Meron ka ba no'n?" Turo ko sa nilalaro ni Kenji.
Nakangiting tumango siya sa 'kin. "Uhm, mythic na 'ko." Sagot niya habang nagse-cellphone.
"Ano? Pitik? Bakit naman pitik?" Tanong ko, anong pitik ang sinasabi niya.
Tumawa naman siya ng malakas na siyang ipinagtaka ko. Ang laki pa naman ng boses niya, parang siya si Xavier kung tumawa.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago hanggang ngayon. Mythic 'yon, Heira. Mythic." Pagdidiin niya.
Naguluhan ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi dahil sa pitik na sinasabi niya kundi dahil sa sinabi niyang 'hindi ka pa rin talaga nagbabago' ang sabi naman ng iba ang dami ko raw pinagbago. Ang gulo!
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 123
Magsimula sa umpisa
