"Hoy! S-sa'n mo 'ko dadalhin?!" Sigaw ko sa kaniya.

Ang bilis pa naman netong maglakas kaya para akong asong hinihila niya, hindi man lang ako makapagpumiglas dahil sa higpit ng hawak niya.

"B-balak mo bang b-baliin ang mga b-buto ko ha?!"

Pero hindi siya sumagot, akala mo naman ay walang narinig. Ang lakas na ng boses ko kaya imposibleng wala siyang naririnig, baka nga nabibingi na siya.

"Hoy! Kayden!"

Walang imik.

"Alas de kulapo!"

Binilisan ang paglalakad.

"Uno kulapo!"

Hinigpitan ang hawak niya tsaka niya ako kinaladkad. Oo nakakaladkad ako dahil sa ginagawa niya. Siya ay naglalakad lang habang ako? Kulang pa yata ang salitang pagtakbo sa ginagawa ko.

"Anak ka ng tokwa! Gagong hudlong na kulapo!"

Nang isinigaw ko 'yon ay huminto naman siya kaagad. Hinihingal akong tumingin sa kaniya. Hindi na naawa sa mga biyas kong 3/4 lang ata ng kaniya.

"We will go to the canteen, okay?! Tsaka please! Be quiet, sumasakit ang tenga ko sayo!" Sabi niya sa 'kin tsaka tumalikod na.

Sumunod naman ako sa kaniya, habang nasa likod niya 'ko ay inaambahan ko siya ng sapak, sabunot at hampas pero hindi ko tinutuloy 'yon. Nagmamake-face pa 'ko sa kaniya.

'Reklamo ng reklamo eh siya naman ang nanghila sa 'kin.'

Pagbubulong ko sa sarili ko. Pero mukhang tototohanin niya naman ang sinabi niyang ililibre niya 'ko kaya sige, ayos lang.

"What do you want?" Masungit na sabi niya.

Inambahan ko siya ng batok pero nahuli niya 'ko kaya naman nagpatay malisya na lang ako at napakamot ng ulo.

"Kahit ano."

"Kahit ako?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bigla niya na lang sinabi 'yon. Poker face lang siya, parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya habang ako, eto, lumulundag ang puso.

"H-ha? Ano na l-lang... 'yon na lang." Turo ko sa sinigang na wala na yatang laman.

"One order of this.  Sa table 23." Maotoridad na sabi niya, akala mo naman hari amputcha.

Napansin ko lang na parang bumabait
siya. Minsan nga lang ang pagiging 'mabait' niya dahil madalas siyang masungit, akala mo naman ay pinagsukluban ng lupa't langit.

"Ano? Tatayo ka na lang d'yan?!" Inis na tanong niya, nasa likod ko na pala siya.

Psh! Mainipin.

Sumunod na lang ako sa kaniya sa sinasabi niyang lamesa. Isang order lang naman 'yon, pwedeng pwede na hintayin na lang pero siya? Ang tamad! Pinadala pa rito sa lamesa na 'to.

"Kumain ka na." Sabi niya.

Nakaupo siya sa harap ko, nakasandal siya at nakacross arm. Hindi nga siya nakasando, nakajacket naman siya. May sarili ba 'tong fashion style?

"Hindi ka ba naiinitan d'yan sa suot mo?" Naitikom ko ang mga labi ko ng tumaas ang kanang kilay niya.

Kumain ka na nga lang, Heira. Kung ano-anong sinasabi mo eh. Bilisan mo na lang at baka iwanan ka niyang katabi mo, alam mo namang maikli ang pasensya niyan.

"No."

Sasagot pala siya no'n? Akala ko deadma na eh.

"Ang sabi ko kumain ka, ‘wag mo akong isipin masyado."

"HUK—!"

Nasamid ako bigla dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong uminom ng tubig at kinabog-kabog ang dibdib ko.

"Ano bang trip mo ha?!" Sigaw ko sa kaniya ng mag-okay na 'ko.

"Ikaw."

Anak ng...

Kinuyom ko ang mga palad ko at huminga ng malalim. Konting oras lang, Heira. Konti lang talaga at malulubayan ka na ng isang gagong hudlong na kulapo.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

Ang gulo-gulo netong kasama ko, sinamahan lang yata niya ako para may maasar siya eh! Kung hahanap pala siya ng mapagtitripan? Bakit hindi siya humanap ng mga taong walang magawa sa buhay kagaya niya?

O baka naman gumaganti siya dahil sa nangyari kanina? Aba naman, siya pa talaga ang may lakas ng loob na gumanti eh siya naman 'tong may kasalanan, dapat nga nagpasorry siya eh!

Pero wala. Pati pagsasalita yata ay tamad siya. Wala na yatang laway ang bibig niya kaya minsan lang siya kung magsalita! Anak ka ng malaking pating!

Kaasar—!

"Baligtad ang kutsara mo..."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now