"Eh, ano ngayon?"

"Kumain ka, baka bigla ka lang magwala at kami ang kainin mo. I don't want to die early."

Gago!

"Hindi ako nangangagat. Tsaka, kaya 'ko 'to! Ako pa." Pagmamayabang ko sa kaniya.

Ang animal kong tyan bigla na lang tumunog. Napahawak tuloy ako ro'n. ‘Wag kayong mag-ingay ngayon, mamaya na lang, tiis-tiis muna.

"Kaya pala ah." Sabi ni Kayden at biglang sumunggap sa 'kin

Putcha.

Layo!

Ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ko habang ako naman ay nakatingala sa 'kaniya dahil nakaupo ako. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit namin.

Kalahating dangkal.

Kalahating dangkal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Bumilis bigla ang puso ko ng tumingin siyang sa mga labi ko! Ano bang ginagawa niya.

Tsaka bakit ba bumibilis ang pagtibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan? Bakit ako pinagpapawisan? Bakit ako napapakunok at kinikilabutan tuwing malapit siya?

King ina, ano bang nangyayari sa 'kin.

Gusto ko siyang itulak papalayo sa 'kin pero hindi ko magawa. Ayaw talagang gumalaw ng mga kamay ko. Nakatanga lang talaga ako sa kaniya.

"Eat or I'll eat you."

Nanindigan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Manyak yata 'tong kulapo na 'to. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"P-pwede bang l-lumayo ka ng k-konti!" Bakit ako nauutal?

Heira, si Kayden lang 'yan, ang mortal mong kaaway. Siya lang naman ang nagpahirap sayo simula nung pumasok ka sa Twenty-third Section.

Si Kayden Ace Williams, na siyang presidente ng klaseng 'to, isang gagong hudlong na kulapo. Wala namang meron sa kaniya, bakit ka magpapaapekto? Sapakin mo na lang ng lumayo.

"Ako ang magbabayad ng kakainin mo."

"‘Yon naman pala eh! Tara na!"

Dahil sa biglang pagtayo ko ay naumpog ang ulo ko sa baba niya. Bakit ba nakalimutan kong nakaharang pala ang dalawang kamay niya? Tss! Engot mo talaga.

"Fuck.." Pagdaing niya habang nakahawak sa baba niya.

Fuck mo mukha mo. Nahiya naman ang ulo kong tumama sa matigas mong baba. Nakangusong hinawakan ko ang bumbunan ko, hindi naman siguro nabutas 'to dahil matigas ang bungo ko.

"Bakit ba kasi tumatayo ka lang bigla-bigla?!" Sigaw niya sa 'kin.

"Eh, tanga ka kasi! Bakit ba kasi humaharang ka?!" Ganti ko sa kaniya tsaka ko siya dinuro-duro.

Sasapakin kita for the nth time kapag ako nagkabukol. Ang epal kasi, may pasunggab effect pang nalalaman, ano, ayan pati ako nadamay sa karma mo. Hinayupak ka.

"Pwede ka naman kasing tumayo ng dahan-dahan lang. Gusto mo lang yatang mahawakan ang baba ni Kayden eh, ayahaaay!" Sumali pa ang hudlong na Xavier.

"Eh kasi nga po, hindi siya TUMABI saglit para makatayo ako!"

Pero nonsense lang 'yon, ako rin pala ang may kasalanan kung bakit kami nakabungguan. Pero may kasalanan din siya 'no! Nakaharang siya sa pwesto ko eh.

"The fuck..." Bulong niya bago hilahin ang kamay ko.

Ang bilis ng pagkilos ng kulapo kaagad kaming nakalabas ng room akala mo ay walang nilagpasang mga nagkakagulo.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now