Kinalkal ko ang bag ko, magpakita kayo ngayon sa 'kin. Napasimangot na lang ako dahil wala akong nakita! Malas naman, kung kelan hindi ako nakakain saka ko pa nakalimutang magdala ng mga kutkutin.

Malaaass na araw!

"Kanina, biglang tumahimik eh." Sabi netong katabi ko.

"Ayan, busy ka kasi sa pagkain mo, pati yata tenga mo sinasalpakan mo ng kanin eh kaya hindi mo narinig!" Panenermon ko sa kaniya.

Katabi ko lang siya kaninang kumakain siya tapos ngayon hindi niya pala narinig ang pinag-uusapan namin kanina. Nabingi na yata ang engot.

"Hindi ah! Narinig nga kitang nagmura, isusumbong kita kay tita!" Banta niya tsaka paumakto gamit ang hintuturo niya.

"Hindi na kita bibigyan ng pagkain!" Banta ko rin sa kaniya.

Ayaw kasi ni mommy ang nagmumura. Kaya nga kapag kausap ko si Kio ay solo lang para mamura ko siya kapag naasar na 'ko sa kaniya.

May minsan pa ngang kinurot ni mommy ang labi ko dahil daw sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Sumasama ang mukha niya kapag nagmura ako.

World war iii na no'n.

"Ewan ko sa kanila, basta na lang sila tumahimik." Bulong ko sa kaniya.

"Kasi nga binigla mo, nagulat yata sa pagsigaw mo!" Tumawa pa siya.

"Hindi ko naman siya sinigawan. Napalakas lang ang boses ko." Depensa ko pa.

"Yun din 'yon, ang bad pala ng bibig mo!" Pagkasabi niya no'n ay bigla niyang tinampal ang bibig ko.

Napaatras ako dahil sa lakas no'n. Anak ka ng gago, bakit bigla na lang nanampal? Kaagad naman siyang tumayo at kumaripas ng takbo!

Hindi pa nga ako nakakaganti sa kaniya!

"‘Wag kang babalik dito, punyeta ka!" Sigaw ko sa kaniya.

Ang sakit no'n ah. Tatanggalin ko ang buhok mo kapag nakalapit ka sa 'kin, bwisit ka! Tumulala na lang ako sa kawalan.

'Sana umulan ng pagkain.'

‘Yan ang sinisigaw ng puso't utak ko! Gusto ko ng kumain, hindi ko na yata kayang tiisin. Kung dati ay may biscuit akong pantawid gutom, ngayon wala na!

Dumukmo na lang ako, pwede pa siguro akong matulog 'no? Palipasin ko lang saglit ang gutom ko.

"C'mon, stand up." May nagsalita sa harap ko pero nanatili akong nakadukmo.

"...Hey!" Sabi niya pa at bahagya pang tinapik ang ulo ko.

"... Natutulog ka ba?!" Naiinis na anong niya. "Tsk. Gumising ka d'yan!" Syempre sino pa kung hindi ang nag-iisang Kayden Ace Williams, in short 'Alas de kulapo.'

"Nagring na ba ang bell? Hindi pa naman 'di ba!" Wala sa sariling sabi ki sa kaniya.

"Yes. Hindi pa nga, if you didn't woke up, I will kiss you!" Pagbabanta niya kaya kaagad akong umayos ng upo.

King ina. Kakaiba talaga 'to magbanta, nakakapangilabot talaga. Yung tipong pati balahibo mo sa ilong ay tatayo dahil sa takot.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kaniya at marahas kong kinamot ang ulo ko.

"Kumain ka. Sasamahan kita."

"Engot! Wala ng oras 'no!"

"We still have a few minutes. 10 minutes to be exact." Tumingin pa siya sa relo niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now