"Woy! Last na talaga!" Sabi ko, nacurious kasi ulit ako sa salitang nakasulat sa taas ng notebook niya.
"W-what?" Eh? Bakit siya nauutal?
"Anong basa rito?"
"Tss. Hindi ka ba marunong magbasa?"
"Ang gulo po kasi ng sulat ninyo, kamahalan." Sarcastic kong sabi. Yumuko pa 'ko.
"Sa'n ba rito?" Tanong niya, itinuro ko naman ang pinapabasa ko.
Ang pinagtataka ko lang ay kaagad niyang isinara ang notebook niya at nag-iwas ng tingin. Mas namula pa siya talaga, huminto pa kami sa paglalakad. Late na kami uy!
"T-teka! May sakit ka ba?" Tanong ko, akmang hahawakan ko ang noo niya ng pabato niyang binigay sa 'kin ang notebook niya.
"Heira naman ih!" Sabi niya tsaka iniwan akong nakatunganga ro'n.
Anyare ro'n? Sinapian lang? Napa'no kaya 'yon? Labag yata sa kalooban niya ang pakopyahin ako eh. Ihagis ba raw sa 'kin ang notebook. Pero bahala na, atleast may sagot.
Nakakaisang hakbang palang ako ng magring ang bell, kaya pala wala ng tao rito sa labas, ako lang talaga kasama ang anino ko. Pati janitor ay wala akong makita.
Kumaripas na lang ako ng takbo, dulo pa naman ang building namin, malayo pa 'yon kaya hindi ako pwedeng maglakad, sigurado akong mahuhuli lang ako.
Baka kurutin ni mommy ang singit ko kapag nalaman niyang late ako. Pa-late pa lang naman ako at alam niya 'yon. Dapat pala hindi na lang ako nagreklamo sa sulat ni Adriel eh.
Hindi pa nga ako nakakakalahati ay may nakabungguan na 'ko.
Muntik na nga akong ma-out-of-balance pero nahawakan niya ang bewang ko. Nagmadali akong tumayo ng maayos. Wala na 'kong oras para makipag-friends sa nakabungguan ko.
"Hey..." Si Nicholai pala 'yon.
Bakit ba nandito nananaman 'to? Ang sabi niya college na siya pero anong ginagawa ng tukmol na 'to rito sa highschool? Bumibisita lang? Ano siya, supervisor?
"Hey ka rin." Sabi ko na lang tsaka tumakbo na.
Saka na tayo magkamustahan ha, nagmamadali ako.
"You! You're late!" Nagulat ako ng pagkasakto kong makapunta sa tapat ng pinto ay biglang lumabas si Sir Raquesta.
Ang lakas naman ng pang-amoy netong lalaking 'to.
"P-pasensiya na p-po, sir!" Hingal na hingal na sabi ko.
Binend ko ng bahagya ang mga tuhod ko at niligay doon ang dalawa kong palad. Tubig. Yan lang talaga ang sinisigaw ng lalamunan ko. Tubig.
"Why are you late?!" Sigaw niya.
Kasi po hindi ako maaga.
Isasagot ko na sana 'yon pero baka hindi na niya 'ko papasukin sa klase niya kaya huwag na lang.
"K-kasi... may nakabungguan lang po ako kanina. P-pasensiya na po t-talaga!"
Sinamaan ko ng tingin ang mga nasa loob dahil narinig ko ang mahinang pagtawa nila. Pinagbubulunguan pa nila ako habang nakangisi sa 'kin. Mga demonyong kurimaw.
"Pumasok ka na! Ayaw ko ng malelate ka ulit, Sylvia!" Sabi ni sir.
Nanermon pa nga siya pero dahil pinayagan niya na 'kong pumasok kaya dumeretso na 'ko sa upuan ko. Nalukot tuloy ang hawak kong notebook, notebook ni Adriel.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 121
Start from the beginning
