"It's nice to watch the sky, isn't it? The silence of the clouds, the chirping of the birds and the light of the sun are comforting to the feeling." Sambit niya.
"Oo nga, sasabihan mo 'ko ng tanga eh ikaw din naman." Natatawang sabi ko sa kaniya.
"Tsk. Ang sarap mong ilagay sa ulap tapos itulak pababa." Inis na sabi niya pero tinawanan ko lang siya.
Buti na lang talaga at nahanap nila ang lugar na 'to, bukod sa may mga puno at maliit na dahon ay may maaliwas na lugar pa 'to tapos mahangin pa.
Hindi yung hangin na may polusyon, eto yung hangin na masarap langhapin, hindi nakakasakit sa baga.
Maganda na sana yung paligid eh, ang kaso may kasama akong mga hudlong parang sumasama tuloy ang aura ng kapaligiran. Kung mag-isa lang ako rito baka makapag-enjoy pa 'ko.
Mukhang nainggit sila sa 'min netong kulapo na nanahimik at nakapikit. Humiga na rin sila, nakahilera kaming lahat, tinulak pa nila si Kayden para makisiksik sa 'min.
Magkatabi tuloy kami ni Kayden at Eiya, gustong sumingit ni Kenji pero hindi niya magawa dahil madadaganan niya yung isa sa dalawa.
Binelatan ko lang siya, ang hapon gusto yata talaga akong makatabi kaya naman humiga siya sa may ulunan namin, salungat ang direksyon ng pagkakahiga niya.
Kung mataba siguro siya ay pwede kong gawing unan ang tyan niya pero buto-buto lang siya baka bigla na lang makalas ang katawan niya kung gagawin ko pa siyang unan.
Para kaming tangang nakahiga sa damuhan, akala mo ay walang pasok at walang hinihintay na oras. Si Kenji lang ang naiiba sa 'min, ayaw na yata akong lubayan.
Ano bang aasahan ko sa kaniya eh gusto neto lagi ng kakaiba.
"Ilang araw na lang exams na. Shet! Pwede bang hindi na lang pumasok no'n?" Tanong ni Vance.
"Jusme! Dudugo nananaman neto ang utak ko kakaisip ng mga isasagot." Sabi naman ni Trina.
Magkatabi yung dalawa pero hindi nagtitinginan, ewan ko ba sa kanila, mukhang nag-iiwasan sila pero hindi kinakaya dahil nagkakalapit pa rin sila sa isa't isa, hindi nga lang sila nag-uusap.
Mukhang sinusuyo siya ni Vance mula kanina pa pero deadma lang yung isa. Sabi nila magkaibigan lang sila, may kaibigan bang sinusuyo?
"Huwag na lang natin sagutin." Walang kwentang suhestyon ni Xavier.
"Sige ba, basta ikaw lang mag-isang gagawa no'n. Gusto ko pang pumasa." Sagot sa kaniya ni Mavi.
"Edi isagot natin yung mga nireview natin. Bahala na yung iba." Sabi ko sa kanila.
Pa'no 'yon, baka wala akong maisagot sa test. Wala naman kasi akong natatandaan sa mga pinag-aralan namin lalo na yung mga pinagtatanong ni Kayden eh. Mas natandaan ko pa yung mga kalokohang pick-up lines niya.
Ano nga ulit 'yon?
'How is it that I know so many digits of pi, but I do not know the 7 digits of your phone number?'
7 daw... psh! Hindi naman kami taga ibang bansa, 11 digits kaya ang number ko sa sim. Pinakita ko pa nga sa kaniya 'yon eh.
Yung babanat na lang siya tapos hindi pa iniisip ng mabuti. Pahiya tuloy siya dahil sa pambabara ko sa kaniya.
'You must have swallowed a magnet because I am so attracted to you right now.'
Attracted daw? Gago lang? Tsaka kahit kailan hindi ako lulunok ng magnet 'no, bakit ko naman gagawin 'yon, hindi naman ako si Darna.
"Chad," rinig kong pagtawag ni Xavier pero hindi ko sila nilingon, pinalaki ko na lang ang tenga ko.
"Hmm, why?" Sagot naman nung isa, ang lamig ng boses niya, sumasabay 'yon sa ihip ng hangin.
"Anong ginawa mo sa Italy?"
"Marami."
"Gaya ng?"
"Maglakas sa kahabaan ng mga roadsides, kumain at magbasa ng documents."
"Maganda ba ro'n?" Tanong ni Vance.
"Oo naman, hindi mo nga lang naiintindihan yung mga nakasulat sa paligid." Natatawang sagot ni Chadley.
"Turuan mo nga kami ng Italian words, baka makapagbakasyon kami ro'n hindi kami marunong makipag-usap sa mga Italiano, pwede bang chinese-in na lang sila?"
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Pupunta siya ng Italy tapos magchi-chinese siya? Ang taba ng utak netong gunggong na 'to.
"Hindi ka naman marunong mag-chinese." Pambabara ko sa kaniya.
Tumingin ako kay Kayden. Anak ng..
TULOG? Nakapikit siya habang ang isang kamay ay nasa tyan niya, yung isa naman ay ginawa niyang unan. Nawili akong panoorin siya kaya naman hindi ko na namalayan na napitik ko na pala yung ilong niyang matangos.
Nang dumaing siya ay kaagad akong umayos ng higa at nagtulog-tulugan. Relax, Heira. Baka gantihan ka niyan. Gagantihan ka—!
"Aray ko naman!" Reklamo ko ng may tumampal sa noo ko.
Nagmulat ako at nakita ko ang seryosong mukha ni Kayden na ngayon ay naka-indian sit sa harap ko habang nakacross arm.
"I know you flicked my nose." Aniya tsaka kinamot ang tip ng ilong.
Wow pointed nose.
Ako? Ewan ko kung anong klaseng ilong ang meron ako. Disappointed yata.
"Akala ko natutulog ka. Ginigising lang kita." Palusot ko sa kaniya.
"Gano'n ka ba talaga nanggigising? Flicking someone's nose? Really?" Sarcastic na sabi niya.
"Oo! Para maiba lang." Sambit ko tsaka umupo na rin kagaya niya.
"Are you copying me?"
"Hindi ah!"
"Tsk. Kung anong ginagawa ko, gano'n din ang ginagawa mo."
"Gaya-gaya ako eh, ba't ba!"
Mukhang nainis naman siya kaya siya padabog na tumayo, may binulong pa siya pero hindi ko narinig. Sayang naman.
Sinundan ko siya ng tingin, bumalik pala siya sa table namin at may kinuha. YUNG KANINANG PAGKAING TINITIGNAN KO! Grabe, mukhang masarap pa naman.
Pa'no ako manghihingi neto eh mukhang badtrip talaga siya. Umupo na rin yung iba, may pinag-uusapan sila pero hindi ako nakisali sa kanila.
Napalunok ako ng bumalik si Kayden sa pwesto niya kanina at dala yung pagkain niya, sa harpa ko pa talaga mismo! Hindi na siya naawa na may tumitingin sa kaniya!
Nakangisi siya sa 'kin ngayon, halatang nang-aasar eh! Putangina mo! Sakalin kita diyan eh!
Nag-iwas na lang ako ng tingin, kaya ko namang tiisin 'yon, sus! Para ro'n lang, papabili na lang ako kay mommy mamaya, bibilhan naman ako no'n.
"Ano 'yan?" Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay iyon na ang nasabi ko.
"Food."
Hindi muna ako sumagot, nagkakagulo ang mga dragona sa tyan ko ng sinabi niyang 'food'. Hay! Buhay! Bakit niyo ba 'ko pinapahirapan?
"Alam ko, anong klaseng food?"
"Edible." Pamimilosopo niya.
Kinuyom ko ang palad ko dahil sa inis. Easy lang, easy lang, Heira. Magtimpi ka, baka kung anong magawa mo sa kaniya.
"Ang gulo mo naman kausap!" Inis na sabi ko sa kaniya tsaka 'ko marahas na kinamot ang ulo ko.
"Tsk. It's chitcharon."
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 119
Comenzar desde el principio
