Kung kanina ay nakapikit ako ngayon ay dilat na dilat na 'ko, kahit nanghihina ako ay itinulak ko siya tsaka ko siya sinapak! Malakas na sapak.
Gago lang? Talagang ginawa niya 'yon ng dalawang beses? Hindi lang pala dalawa, ilan na ba? Trip niya lang akong pagtripan.
"Peste ka! Peste!" Yon na lang ang nasabi ko sa kaniya habang dinuduro ko siya.
Mga isang metro ang layo namin, nakatimbawang siya sa lupa dahil sa lakas ng pwersang inilagay ko sa sapak ko na 'yon.
Akala mo maiisahan mo 'ko? HINDDDDEEE!
"Tsk, ang sakit no'n. Why do you punch so hard?" Reklamo niya kaya naman lumapit ako sa kaniya at tinapakan ang tyan niya.
"Gusto mo pa bang bigyan kita ng panibagong sapak?" Banta ko sa kaniya.
Nagulat ako ng hawak niya ang paa ko at tinabig niya 'yon dahilan para ma-out-of-balance ako at matumba sa lupa.
Sakit sa pwet no'n!
"You can't do that again, I will not let your fist land on my face again." Aniya habang hawak ang panga.
Ngumisi pa siya pero dahil putok ang labi niya kaagad na naging ngiwi 'yon. Mas sumama pa ang mukha niya ng hawakan niya 'yon at sigurado akong mahapdi 'yon.
Bagay lang sayo 'yon! Ang gago mo kasin
"Nauna ka naman ah!" Sumbat ko sa kaniya. "Kasanan mo rin 'yan kaya ‘wag kang magreklamo d'yan!"
Nakalimutan kong may kasama ng pala kaming mga baliw. Imbis na tulungan kami ay pinagtawanan pa talaga nila kami! Ni hindi muna nila kami tinulungan tumayo bago kami bwisitin at asarin.
"Sabi na eh, masasapak talaga, ayahaaay."
"One point, Heira."
"Gantihan lang mga 'te?"
"Mukha kayong tanga sa ginagawa niyo."
"Magwrestling na lang kayo. ‘Wag na kayong mahiya."
Tutal hindi rin naman nila ako tinulungan tumayo tapos may pakirot effect pa 'tong paa ko kaya naman humiga na lang ako sa damuhan, hindi naman marumi rito tapos green na green ang damo.
Pa'nong hindi kikirot ang paa ko eh 'yon lang naman ang paa na hinawakan at tinabig ni Kayden gagong hudlong na kulapo.
Malapit na ngang gumaling tapos biglang tatabigin? Papalalain niya talaga ang sitwasyon ng paa ko? Nakalimutan kong may ankle sprain nga pala ako, naitukod ko tuloy ang maling paa 'ko.
Parehas kaming nakahiga sa damuhan, hindi pinapansin ang mga nasa paligid, hindi pinapakinggan ang mga hudlong, hindi pinapakiramdaman ang mga problema ng mundo.
Gaya-gaya siya eh. Kanina pahiga pa lang siya pero hindi pa talaga nakahiga ang likod niya tapos nung makita niya akong humiga sa damuhan, humiga rin siya. Gaya-gaya ng trip.
Ilang beses ko ba nasabi yung higa?
Aisssh! Nahihibang na yata talaga ako. Para akong batang nakatingin sa langit at nakaturo sa mga ulap. Baka uulan ngayon dahil hindi tirik ang araw. Sakto lang naman, hindi madilim, hindi makulimlim.
Hindi tuloy ako nasisilaw sa sikat ng araw. Tinitrace ko lang ang mga ulap at nag-iisip ng kung anong nabuo sa mga patterns nila. May nakita akong parang bata, aso, rabbit, upuan at kung ano-ano pa.
"You know, you look like stupid..." Maya-maya'y sabi ni Kayden na nasa langit din ang mata.
"Mas tanga ka." Ganti ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 119
Start from the beginning
