May hawak siyang isang tasa ng tsaa. Magulo pa ang buhok niya, parang alam ko na kung kanino ako nagmana.
"Hmm, good morning." Aniya tsaka niya ako tinanguan.
Inilapag ko ang bag ko sa katabing upuan ko bago ako umupo at kumain.
"Nahuli ka yata ng gising." Sabi ni Aling Soling na may dalang lalagyan ng maruruming damit.
"Opo, napasarap po ang tulog eh." Sagot ko.
"Maganda siguro ang panaginip mo." Sambit naman ni mommy bago umupo sa harap ko.
"Wala nga po akong napanaginipan eh."
Pagkatapos kumain ay deretso B.A.U na 'ko, aalangang magpunta pa 'ko ng palengke, e malilate na 'ko, five minutes na lang at magriring na ang bell.
"Aww... sakit no'n ah." Sabi ko sa sarili ko.
Nabigla yata ang paa ko dahil sa bilis kong magpatakbo ng bike ko. Buti na lang at maaliwalas ang daan, walang masyadong traffic kaya nakarating ako kaagad.
"Late ka na rin."
"Ay abnoy!"
Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Lahat yata ng nag-aaral dito ay nagmana kay Kenji eh, panay ang pagsulpot.
"Hindi pa 'ko late, may five minutes pa." Sagot ko kay Adriel.
"Bakit ngayon ka lang? Lagi ka namang maaga ah."
"Dapat ako ang nagtatanong sayo niyan eh." Sabi ko sa kaniya bago ko ginulo ang buhok niya. "Mas maaga ka pang pumapasok sa 'kin."
"Tch. Kailangan talaga na guluhin pa ang buhok?" Mukhang naiinis siya.
"Ayusin mo na lang, ‘wag kang magreklamo."
Inayos niya naman 'yon, pumupungay ang mga mata niya, may nahulog pang ilang hibla ng buhok sa mukha niya, basa pa 'yon kaya naman may tumutulong tubig. Ang kinis din pala ng mukha nito.
"Adriel..." Pagtawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"May assignment ka sa history?" Tanong ko sa kaniya.
Ngayon ko lang naalala na may assignment pala kami, pinaalala na nga sa 'kin ni Eiya kahapon sa 'kin pero hindi ko na nagawa kagabi dahil lumulutang ang utak ko.
"Oo. Bakit?"
"Pakopya nga ako!" Sabi ko sa kaniya.
"What if i don't want to?" Nakangising sabi niya.
"Edi don't."
"Tch." Singhal niya bago may kalkalin sa bag niya.
Napansin ko lang na nakacomplete uniform pala siya, hindi siya nakasando lang. Himala lang talaga. Naka-neck tie pa siya. Mas bagay talaga sa kaniya yung kompleto ang suot.
"Here." Sabi niya sabay abot sa notebook niyang kulay brown, antique.
Binuksan ko kaagad 'yon para basahin ang mga sagot niya, gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko ng makita ko, este wala yata akong makita.
Meron naman pala pero hindi ko maintindihan. Ang liliit tapos dikit-dikit pa. Maganda sana 'yon kung lalakihan niya ng kaunti tapos paghiwalayin niya.
'1. Anthropology is the study of humans, past and present, which draws and builds upon knowledge from the social and biological sciences.'
'2. Zoology is the study of animal kingdom, including the structure, evolution, classification, habits,
and distribution of all animals, both living and extinct.'
'3. Paleontology is the study of fossil remains of animals and plant life of past geological periods.'
Yan lang ang mga nabasa ko ng maayos, yung mga kasunod ay hindi ko na maintindihan, nagkanda duling-duling na 'ko pero wala pa rin akong maisip na ibig sabihin ng mga 'yon.
'7. Linguistics - isthestudyofthe differentlanguagegroups.'
Sino bang makakaintindi riyan? Parang hindi yata uso sa kaniya yung space eh.
"Adi, alam mo..." Pabitin kong sabi.
"What?"
"Ayaw mo yata talaga akong pakopyahin eh."
"Bakit naman."
"Ikaw lang ang nakakaintindi sa sulat mo, pero sige, keri lang 'to. Pwede na 'to."
Tumawa lang siya ng bahagya at napakamot batok na lang.
May napansin lang ako sa pinakataas ng page ng notebook niya kung saan nakasulat ang assignment niya. May maliliit na letters do'n pero dikit-dikit din.
'ILOVEHEIRAYAKIESHA.'
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 120
Start from the beginning
