Ha? Ano raw? Ang bilis naman kasi niyang magsalita eh. Shiitake? Inatake? Saan?
"Ano bang sinasabi mo riyan?"
"This is a mushroom chitcharon. You're allergic to mushroom."
Natigilan ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Dahan-dahan niyang ibinaba ang pack na 'yon at inabot sa 'kin. Kaagad ko namang binasa ang nakasulat.
'Special Mushroom Chitcharon'
'Cheese Flavour'
Putaragis naman! Kamalasan!
"Pa'no mo nalaman na allergic ako sa mushroom? Doctor ka ba, ha?!"
Oo, allergic ako sa mushroom, mula pagkabata ko ay hindi na 'ko kumakain no'n dahil kapag kumain ako ng mushroom ay namamaga ang labi ko tapos nagkakapantal ako sa iba't ibang parte ng katawan ko. Makati 'yon at masakit.
Kaya nga sa lahat ng pagkain ay isa ang mushroom sa mga pinakakinanunuhian ko. Halos papangitin ako no'n kapag kinain ko, gumaganti talaga siya.
Lumapit yung iba sa 'min at nakiisyoso. Humingi ako ng tulong sa kanila gamit ang mata ko pero para sa'n pa hindi ko naman makakain 'to.
"Kilala kita. Kilalang kilala." Seryosong sagot niya bago umalis sa lugar na 'yon.
Natahimik ang lahat. Nagtataka kami sa inasal ni Chadley. Hindi na kami nakapag-usap ng maayos dahil nagring na ang bell. Bumalik na kami sa room.
Hindi ko alam kung paano ako makikinig sa mga sinasabi ng mga teachers naming nagtuturo sa harapan, kahit na anong gawin kong pagfofocus ay naglalayag at naglalayag ang isip ko sa ibang bagay.
Hindi ko na nga namalayan na nakauwi na pala ako ng bahay. Nakakain, nakaligo at nakapag-aral na. Parang wala ako sa sarili.
Ngayon ay nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame, malalim ang iniisip, maraming itinatanong sa sarili.
Kilala niya RAW ako, kilalang-kilala. Pa'no ba 'ko maniniwala sa isang tao na isang araw ko palang nakikita? Pa'no ako naniniwala sa isang taong hindi ko kilala? Pa'no ako maniniwala kung gayong bago pa lang siya sa paningin ko?
Nagdadalawang isip ako kung paniwalaan ko ba siya o hindi. Aisssh! Kasi naman, unang pagkikita pa lang namin ay alam niya na ang pangalan ko, kilala niya si Eiya at nakausap niya pa ng masinsinan.
Isama mo pa yung pagkakaalam niya sa mushroom allergy ko. Pa'no niya na nalaman 'yon? ‘Wag mong sabihing nadulas nanaman si Eiya? Sa pagkakaaalam ko ay hindi niya rin alam na allergic ako sa mushroom.
Hays! Ang gulo-gulo na nga ng utak at buhay ko, nakisali ka pang dimuho ka!
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip. Baka nagkataon lang... 'yon ang sagot ko sa mga tanong ko.
"Good morning mga alikabok!" Sabi ko at nag-unat-unat.
Buti na lang at hindi pa 'ko masyadong late dahil napasarap ang tulog ko. Mahimbing... hindi nga ako nalingat. Sakto lang ang lamig ng aircon.
Bago ako bumaba para mag-almusal ay tumayo muna ako at nagpunta ng banyo para maligo at mag-ayos ng uniform.
Kinuha ko na rin ang gamit ko at pinalitan 'yon para sa mga scheduled subjects namin. Syempre bawal makalimutan ang wallet, pagkain. Dadalhin ko pa ba yung cellphone ko?
Baka may tumawag...
"Good morning po, mommy." Bati ko kay mommy na mukhang bagong gising lang.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 120
Comenzar desde el principio
