"Wala... ano! Basta, hehehe." Wala sa sariling sabi niya.
Tumawa naman si Eiya sa kaniya, nainis naman siya kaya kinurot niya ang tagiliran nung isa.
"We? Sino yung gusto mo?" Bulong ko sa kaniya. "Tayo-tayo lang naman ang may alam."
"Wala 'yon," pagsisinungaling niya, halata naman siya dahil nanlalaki ang butas ng ilong niya.
"Gusto ni si Va— hmmm hmmm!" Hindi ko na maintindihan ang sinabi ni Eiya dahil tinakpan ni Trina ang bibig niya.
Ilang saglit lang 'yon dahil nagpupumiglas si Eiya sa kaniya. "Sige, magsalita ka na."
"Si Va... Valere! Oo, Valere!" Tarantang sagot ni Eiya, tumango-tango pa siya.
"Velere? Sino 'yon?" Takang tanong ko.
Parang wala akong kilalang gano'n ang pangalan, ngayon ko nga lang narinig 'yon eh. Wala kaming kaklaseng gano'n ang pangalan, wala rin naman kaming kaibigan.
Hmm?
"Ah... y-yung nakabungguan n-namin sa m-mall, oo sa mall." Bakit ba kapag sasagot si Eiya, hindi siya nakatingin sa 'kin, nanlalaki ang mata niyang nakatutok kay Trina.
"Tapos y-yung bahay nila, m-malapit sa 'min." Dagdag naman ni Trina.
"Pumunta kayo ng mall tapos hindi niyo 'ko sinama." Kunwari lang akong nagtatampo, may pasimangot effect pa.
"M-matagal na 'yon, h-hindi ko na nga matandaan k-kung k-kelan." Ani Trina.
"Ahh.." Tumango na lang ako sa kaniya bago sila iwanan at bumalik sa pwesto ko.
Nang maupo ulit ako ay nakabuklat na yung chitcharon ni Kayden at nilalantakan niya na 'yon, parang gustong manghingi ng iba pero hindi nila magawa dahil ang sama ng mukha ni Kayden.
Mukhang napansin niya naman 'yon kaya naman tumayo uli siya at may kinuha sa bag niya, dalawang pack pa nung kinakain niya!
Binigay niya 'yon sa iba, hindi man lang ako sinulyapan. Ako? hindi mo ba 'ko aalukin? Akmang manghihingi na lang ako sa iba ng magsalita siya.
"Do you want this?" Tanong niya sa 'kin.
Napapahiya akong tumango sa kaniya. "O-oo." Wala sa sariling sagot ko sa kaniya.
"Here." Pag-aabot niya sa hawak niya.
Bibigyan niya rin pala ako ang dami pang sinasabi. Bipolar siguro 'to 'no? Pabago-bago ang reaction ng katawan. Pabago-bago ng desisyon. Yung seryoso siya sa una bumabait sa huli.
Akmang aabutin ko na 'yon nang may kumuha ro'n. Sinamaan ko kaagad ng tingin ang hinayupak na 'yon. Sa 'kin binibigay 'yon hindi sa kaniya!
"Hoy! Sa 'kin kasi 'yan!" Sigaw ko sa kaniya at pilit na inaagaw ang pagkain na 'yon.
"No." Sambit niya tsaka tumayo.
Tumayo naman kaagad ako! King ina ang tangkad niya! Hinila ko na lang ang kwelyo niya pero nagmatigas siya kaya kahi na anong hila ko ay hindi siya nayuko.
Tinaas niya 'yon sa ere. Ako naman ay talon-talon, parang tangang inaabot 'yon. Sinapak ko na lang ang tyan niya pero hindi man lang siya natinag.
"Bakit ba ayaw mong ibigay sa 'kin 'yan?" Inis na sabi ko sa kaniya tsaka ako nagpamewang sa harap niya.
"Hindi ka pwede nito."
"Bakit naman?!
"If you eat this, you'll get a Shiitake flagellate dermatitis." Seryosong sabi niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 120
Start from the beginning
