AKIN 'YON!

"...Hmm." Aniya pa habang napapapikit pa.

Mabilaukan ka sana! Bwisit!

Hindi pa nga kami nakakalahati sa mga pagkain namin ng may hudlong na dumating nananaman. Ayaw niyo ba kaming patapusing kumain?

"So.. marami na pala kayo rito. Sasabay kami sa inyo, ah?" Sabi ni Adriel.

Kasama niya si Kayden at Asher. Para silang F4 na may dalang tray pero tatlo lang sila. Yung dalawa niyang kasama ay nakapoker face lang sila, walang reaction na nakatingin sa 'min este kay Chadley.

Mukhang kakarating lang netong isa ang dami niya ng kaaway at kaalitan ah. Baka nga bugbog sarado na 'to kapag tapos na ang school year. 'Wag naman sana!

"Oh, 'dre, bakit kayo nandito?" Tanong sa kanila ni Xavier.

"Walang maupuan sa canteen." Sagot ni Asher.

"Yung tambayan natin, maluwag do'n ah." Ani naman ni Vance.

Kumunot naman ang noo ko, saan ba ang tambayan ng mga 'to? May sarili pa silang tambayan bakit sila nandito? Kaya pala minsan hindi ko sila nakikitang nags-stay sa canteen kasi may pinupuntahan sila.

"Umutot kanina si Mavi bago umalis, hanggang ngayon nandon ang amoy." Sabi ni Kayden, seryosong seryoso talaga!

Mukhang badtrip siya ngayon, kami nga ay natawa sa sinabi niya pero siya, parang wala lang sa kaniya 'yon, parang okay na lahat basta nasabi niya na.

"Grabe ka kasi umutot, Mav! Para kang isang bomba na ilang taong binubuo tapos bigla kang sasabog!" Natatawang sabi sa kaniya ni Xavier.

"Yung utot niya nakakamatay, hindi man lang siya lumabas para doon magpasabog, sa may aircon pa talaga ampota." Gatong naman ni Vance.

Napanguso na lang si Mavi dahil sa panlalaglag sa kaniya ng mga kasama namin ngayon. Kumamot pa siya ng ilong bago nagpatuloy sa pagkain.

"Yung iba nasa'n? Huwag mong sabihing naiwan sila ro'n at tiniis ang nakakamatay na bomba ni Mav?" Tanong ni Trina sa kanila

"No. Nasa labas sila ng tambayan." Sagot sa kaniya ni Asher.

So ibig sabihin no'n ay parang isang closed area ang tambayan nila, hindi kagaya ng amin na presko at maaliwalas? Ang init kaya no'n.

"Nangangawit na 'ko..." Parinig ni Adriel pero sa taas siya nakatingin.

"Sige na, umupo na kayo, may magagawa pa ba kami eh nandito na kayo!" Sabi ni Alzhane.

Gumalaw yung dalawang hudlong pero yung leader nila ay nanatiling nakatayo. Si Asher ay umupo sa tabi ni Hanna, si Adriel naman ay sa tabi ni Mavi.

"Oh, ano tatayo ka na lang d'yan?" Tanong ko kay Kayden. "Kung hindi ka kakain akin na lang yang hawak mo." Ngumiti pa 'ko ng malaki sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

Tusukin ko mata mo d'yan eh!

"In your dreams."

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko, inilapag niya ang hawak niya sa harap ko, nagdiwang ang mga bituka ko sa pag-aakalang ibibigay niya sa 'kin 'yon pero nadismaya lang ako.

Tinapik niya ang balikat ni Kenji, umupo naman ng maayos ang hudlong. Nag-usap sila gamit ang mata, kahit ako ay nawiwirduhan sa kanila.

Napansin ko lang na may isang pack ng chitcharon sa tray ni Kayden, hindi ko mabasa ang mga nakasulat dahil maliit lang 'yon, ayaw ko namang pakealaman dahil baka bigla na lang akong batukan ni Kayden.

Ilang saglit lang ng tumango si Kenji at bahagyang umusog papayo sa 'kin dala ang pagkain niya. Nagulat ako ng patalon na umupo si Kayden sa tabi ko!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora