Ang bilis naman niyang magtanong! Hindi ba niya alam na nagkakagulo na ang mga braincells ko ngayon dahil sa pag-iisip ng mga isasagot sa kaniya.

Hinilot ko ang sentido ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit 'yon. "Taympers muna, okay, relax ka muna d'yan."

Sandali siyang tumahimik pero ang sama ng titig sa 'kin, pinanliliitan niya pa 'ko ng mata. Sandali lang 'yon, mga 5 seconds lang, mainipin pa naman 'to!

"Number 8. It is a molecular model to predict the geometry of the atoms making up a molecule where the electrostatic forces between a molecule's valence electrons are minimized around a central atom."

Ang haba naman no'n. Ni wala nga akong naintindihan sa sinabi niya dahil sa galing niyang magsalita ng ingles. Deretsong deretso, habang ako ay halos mabulol sa kakasalita ng gan'yang language.

"Valence Shell Electron Pair Repulsion Theory in short VSEPR." Sagot ko bago ko idinukmo ang sarili ko sa lamesa! Nahihilo na yata ako sa kakasagot!

"Okay, number 9. The most common definitions of acids and bases are...?"

"Tanong ba 'yan?"

"Yes. Now answer."

Wow, nagmamadali ka, sir?

Hinga ng malalim, Heira. Kaya mo pa 'yan, kaya pa ng nagdudugong utak mo ang mga tanong ni Kayden, hindi mo pa nakakalahati ang mga katanungan niya.

Inhale exhale! "Arrhenius acids and bases, Brønsted-Lowry acids and bases, and Lewis acids and bases." Sagot ko.

"Akala ko ba hindi mo alam ang mga 'yan at nahihirapan ka? Bakit nasasagot mo?" Nakangising sabi niya.

"Syempre naman, sino ba naman ang gustong mapitik sa noo!"

"Tsk. Number 10. It describes acid-base reactions as an acid releasing a proton and a base accepting a proton."

Okay last na 'to. Isipin mo na, Heira... nalagpasan ko yata 'to!

"A-ah... The Arrhenius theory of acids and bases?" Hindi siguradong sagot ko dahil alam ko talaga sa sarili kong mali ang sagot ko!

Sabi na eh, nalampasan ko talaga 'to.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay sa 'kin, ako naman ay napapikit na lang at napaatras dahil alam ko na ang gagawin niya! Malamang pipitikin niya 'ko!

"A-aray naman, gago! Ang sakit no'n," reklamo ko tsaka ko hinimas-himas ang noo ko.

Tumawa naman siya ng malakas. Naiiyak ako dahil sa sakit no'n, pwede namang mahina lang pero siya, halos lahat yata ng pwersa niya sa pitik na 'yon.

"You lose." Sabi niya. "Mahina lang 'yong ginawa ko pero naiiyak ka na, mukha kang crying Rhesus macaque."

"A-anong Rhesus? Minumura mo ba 'ko?" Inis na tanong ko.

"Ofcourse not!"

"Tumigil ka sa kakatawa d'yan, baka maingudngod ko yang nguso mo sa lamesang 'to!" Pagbabanta ko sa kaniya.

"You must have swallowed a magnet." Sabi niya maya-maya habang matamis na nakangiti sa 'kin!

Pinagloloko na yata talaga ako netong lalaking 'to eh!

"Wala akong nilulunok na magnet! Kahit ipa-x-ray mo pa 'ko."

"...because I am so attracted to you right now."

"H-ha?"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niyang 'yon. A-attracted siya... sa 'kin? Anong ibig sabihin no'n?

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon