Napapahiya akong tumingin sa tindera. Pinagtaasan niya ako ng isang kilay habang nakacross arm pa. May hawak pa siyang sandok na parang handang ipukpok sa ulo ko.
Narinig ko ang pagtawa ng mga kaibigan ko, ako kasi ang nasa unahan nila. Nakasunod sila sa 'kin. Sumama ang mukha ko pero hindi ko na lang sila nilingon.
"Yung set G na lang po." Sagot ko habang nakaturo sa menu.
Araw-araw ay iba-iba ang mga pagkain sa mga menu, iniiba nila ang mga putahe kada araw, para na rin siguro hindi magsawa ang mga estudyanteng kumakain.
Set G, yung may dalawang kanin, may isang order ng chicken pastel, may corn soup at dalawang fried chicken. May juice rin. Hati na lang kami ni Kenji, bahala na kung mabitin kami.
"257.86 pesos." Sabi ni Ate. Yung nasa cashier.
Binigay ko ang bayad ko at lumipat sa kabila kung saan kinukuha ang pagkain, ipapakita mo lang yung resibo at pwede mo ng kuhanin ang order mo.
"Ji!" Tawag ko sa batang hapon na nakaupo sa isang lamesa. "Tulungan mo na lang ako rito!" Sabi ko sa kaniya at sinenyasang lumapit.
"Libre mo 'yan ah!" Sabi niya ng makalapit siya sa 'kin.
Hindi ko na lang siya sinagot at binuhat na lang namin ang mga tray na may lamang pagkain. Tig-isa kami ng dala. Hinintay na muna namin saglit yung iba, mabilis lang naman ang pag-order.
Nang matapos sila ay pumunta na kami sa likod ng building.
"Maghintay ka naman, Ji! Baka hindi tayo makarating do'n ubos na 'yan." Saway ko sa kaniya.
Habang naglalakad kasi kami ay pasimple niyang kinukurot ang balat ng manok. Yung kanin nga ay halos makalahati na niya.
"Gutom na kasi ako." Sabi niya tsaka ngumuso.
"Ilang hakbang na lang, hindi na ba makapaghintay ang tyan mo?" Tawawang tanong ko, mas lalo tuloy humaba ang nguso niya.
Umupo na rin kami kaagad ng makarating kami sa tambayan, dahil nga may mga puno, nagkalat sa mga upuan at lamesa ang mga tuyong dahon.
Sama-sama kami, syempre katabi ko si Eiya na ngayon ay masama pa rin ang mukha at malalim ang iniisip, ayaw ko na lang siyang tanungin dahil baka bigla niya na lang akong bigwasan.
Syempre hindi mawawala si Kenji sa tabi ko, daig niya pa ang anino kung makasunod eh. Hindi pa nga nakakaupo ay nilantakan niya na ang pagkain niya.
Sa kaniya yung corn soup at yung isang friend chicken. Syempre sa 'kin yung chicken pastel at yung isang friend chicken din. Amoy pa lang nakakatakam na.
Kailan ba 'ko huling kumain ng chicken pastel? Matagal na rin 'yun ah. Madalang na lang kasing magluto ngayon si mommy sa bahay eh. Lagi na lang siyang pagod sa trabaho.
Medyo nawala na nga rin ang pamamaga ng paa ko kaya naman nakakakilos na 'ko kahit papaano. Bahagya na lang ang pamamaga niya. Baka iinom nananaman ako ng gamot niyan pagkatapos naming kumain para mawala na ng tuluyan ang ankle sprain ko.
Napasimangot na lang ako ng tignan ko ang plato ko. Ang dami kong ulam pero kapiranggot lang ang kanin ko, kung nakita ko lang kaagad na ganito kakonti 'to edi sana ay bumili ako ng extra rice.
Pa'no ako mabubusog neto?
"Chadley Rios pala yung pangalan nung bagong kaklase natin 'no?" Tanong ni Hanna.
Ngumiwi naman si Trina sa sinabi niya, sus 'tong babaeng 'to talaga! "Oo 'te, narinig namin kanina." Sarcastic na sabi niya.
"Mukha naman siyang mabait 'no?" Ani naman ni Alzhane.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 116
Start from the beginning
