"Bitawan mo nga siya!" Sigaw ni Eiya nang makapasok siya sa room.
Kaagad niya akong hinigit at tinanggal ang lalaki mula sa pagkakayakap sa 'kin. Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Eiya. Ang sama ng tingin siya sa lalaki.
Hinawakan niya ang palapulsuan ko at inilagay niya ako sa likod niya. Hinarap niya ang lalaki. Nakita ko ang pagkuyom ng palad niya. Anong nangyayari sa kaniya?
"What do you think you're doing?!" Galit na sigaw niya sa lalaki. "Bakit mo nananaman ginawa 'yon, ha?!"
Nakuha niya naman ang atensiyon ng iba kaya naman lumapit na sila sa 'min at pinapanood ang susunod mangyayari.
"Anong nangyayari rito?" Tanong ni Alzhane. "M-may problema ba?"
"Bakit ka naman naninigaw, Zycheia?" Si Trina naman ang nagtanong. "Warla kayo ni kuya'ng pogi?"
"A-ah... ikaw yung bagong kaklase namin?" Tanong ni Shikainah sa lalaki.
Hindi siya sinagot ng lalaki. Nakatingin lang siya sa 'ming dalawa ni Eiya. Naglalaban ang mga paningin nila habang ako eto nagtataka sa ginagawa nila.
"So, ikaw pala ang new classmate namin?" Pagdidiin ni Eiya pati tuloy ang pagkakahawak niya sa palapulsuan ko ay humigpit din.
"Yes." Simple sagot ng lalaki. "Look, wala akong gagawing masama, g-gusto ko lang siya ulit mahawakan." Pagmamakaawa niya.
"Alam mo naman ang dapat mong gawin 'di ba? Bakit lumapit ka pa sa kaniya?!" Sigaw ni Eiya.
"M-miss ko na s-siya. Zycheia, kahit ngayon lang p-payagan mo naman ako."
Umiling si Eiya sa kaniya. "Chad... a-alam mo ang nangyari kaya please lang!" Mahinahon na siya ng sabihin niya 'yon.
"MAGKAKILALA KAYO?!" Sabay-sabay naming tanong nina Vance, Trina at Xavier.
"No. We're not." Sagot ni Eiya. "At hindi ko na siya, namin! Hindi na namin siya gustong kilalanin." Dagdag niya pa, ako siguro ang tinutukoy niya dahil sa 'kin siya nakatingin.
"Zycheia..."
"Ano nananaman ba?!"
Halos mapadaing ako dahil sa pagbaon ng mga kuko ni Eiya sa kamay ko, nangigigil siya kaya alam kong galit na talaga siya. Lumapit na sa 'min si Elijah ng makita niya ang reaksyon ko.
"Hey... you're hurting her." Sabi niya at tinanggal ang kamay ni Eiya. "Bakit ba kayo nag-aaway dito?" Tanong niya sa lalaki. "Eiya?"
Wala na! Gaya-gaya naman ng tawag 'to, walang originality! Ako lang ang may karapatang tumawag sa kaniya no'n oy!"
"Elijah..." Tawag ni Eiya.
Tumingin naman sa kaniya yung isa. Ginalaw-galaw ang mata nila na para bang nag-uusap. May nginunguso pa si Eiya, nang makuha ni Elijah ang ibig sabihin niya ay tumango na lang siya.
"Let's go." Sabi niya sa 'kin.
"Sa'n naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
Sa wakas ay nakapagsalita ako pagkatapos ng isang mahabang oras ng pananahimik ko. Natutop na lang ang bibig ko dahil sa pinagsasabi nung dalawa.
Ang daming tanong ngayon ang tumatakbo sa utak ko. Magkakilala ba sila? Bakit alam nila ang pangalan ng isa't isa? Ano yung tinutukoy ni Eiya na nangyari? At higit sa lahat bakit ako niyakap kanina nung lalaki?!
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 114
Magsimula sa umpisa
