Buong byahe ay sinesermunan ako ni mommy na kesyo hindi raw ako nag-iingat, kesyo nagmamadali ba raw ako kaya hindi ko napansin ang hakbang ng hagdan. Sabi niya pa nga, "hindi naman nagmamadali ang pagkain, tignan mo ang nangyari sa pagmamadali mo!"
Anong connect no'n, mommy?
Hindi niya pa kasi alam na dahil ako natapilok ay dahil nakatingin ako sa screen, kausap ko si Kio, mommy! Hindi ko naman minamadali ang pagkain 'no, naamoy ko lang naman pero hindi ako patay gutom.
"Siguradong lalagnatin ka pa niyan kung nagkataong may pilay nga ang paa mo!"
"Pa'no mo naman nalaman, mommy?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa labas.
Hindi pa naman lumulubog ang araw. Palubog pa lang, ang ganda sanang pagmasdan ng langit dahil kulay orange ang kulay no'n kung wala kang naririnig na sermon.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo misis?" Tanong nung doctor ng makapasok kami sa hospital.
Dumeretso kasi kami sa opisina nung doctor para ipatingin ang paa ko. Wala namang masyadong pasente kaya naman kami agad ang inasikaso.
"Namamaga po kasi ang paa ng anak ko, ipapatingin ko lang po at baka may kung ano ng nangyari ro'n."
Lumapit naman ang doctor sa 'kin at kung ano-ano ang ginawa sa paa ko, halos umiyak pa nga ako dahil pinipindot-pindot niya 'yon na para bang may tinitignan.
Nakahinga ako ng malalim ng matapos ang ginagawa niya. Kung pwede ko nga lang siyang tadyakan kanina ay ginawa ko na dahil sa sakit at bigat ng kamay niya.
"Mrs. Sylvia, ankle sprain po ang nakuha ng anak niyo dahil sa pagkakatapilok niya. It is injury to the ligaments or fibrous tissues that connects bones due to sudden overstretching." Paliwanag nung doctor.
Bumaling sa 'kin ang doctor.
"... If its an ankle sprain, you would feel that there is a particular range of motion that you are unable to perform, or it is too painful to do so. Tama ba ako?" Tanong niya.
"O-opo, masakit nga po kapag ginagalaw."
"Exactly. Sprain produces pain and inflammation, and these are the targets for drug therapy. Taking Paracetamol 500mg 4x/day or Ibuprofen 400mg 4x/day are accessible." Paalala niya.
May kung ano-ano pa siyang sinabi eh, basta ang alam ko ay pinapaliwanag niya kung ano ang pwedeng gawin sa paa ko para mawala yung sakit neto. Si mommy naman ang kausap niya kaya hindi ko na siya pinakinggan.
Hindi ko rin naman maiintindihan ang sinasabi niya kaya naman tumingin na lang ako sa opisina niya. Ang daming mga nakadikit na picture ng katawan ng tao. May mga parte pa 'yon at halos puro buto ang nakikita.
"Ano pa po bang gagawin except sa pag-inom ng gamot, hindi po siya marunong lumunok ng tablets." Tanong niya mommy.
Pa'no ko naman lulunukin ang tablet eh wala naman ako no'n tsaka ang laki no'n pa'no ko naman ipagkakasya sa bibig ko? Baka bumara lang 'yon sa lalamunan ko. Yung cellphone nga ay hindi ko malunok, tablet pa kaya?
"The treatment of sprain is summarized into the ‘RICE’ mnemonic, which stands for ‘Rest, Ice, Compression, and Elevation’. When you suffer a sprain, try to rest if possible." Paliwanag nung doctor. "Kung maari ay ipahinga ang natapilok na paa. Huwag munang galawin o ipang-lakad ang injured area. Gumamit ng cold pack. Lagyan ng yelo ang injured part upang mapigilan ang pamamaga— blah blah blah blah."
Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi ko na nga namalayan na tapos na pala ang check up sa 'kin. Tinignan pa nila sa monitor kung may bali ang paa ko, mabuti na lang at wala.
Nang makauwi kami sa bahay ay kaagad akong inasikaso ni mommy na parang isang pasyente. Pinakain niya ako at pinainom ng gamot, tatlong basong tubig pa nga ang ininom ko para malunok ko yung pipiranggot na gamot na 'yon.
Ginawa niya yung cold pack at ipinatong ang paa ko sa dalawang unan. Pinilit niya pa nga akong huwag na munang pumasok kinabukasan pero umiling ako sa kaniya.
Wala naman kasi akong gagawin dito sa bahay. Lalo na ngayon at masakit ang paa ko. Anong gagawin ko rito? Kakausapin ko ang mga butiki?
Nakatulog din ako kaagad.
Kinabukasan ay nag-ayos ako kaagad pero mabagal ang mga pagkilos ko. Medyo guminhawa na rin ang pakiramdam ko, hindi na kasingsakit nung kahapon yung ngayon pero makirot pa rin.
"Huwag ka ng magbibisekleta! Ihahatid kita." Sabi ni mommy ng makita niya akong pababa ng hagdan.
"Pero mommy—!"
"Walang pero-pero! Mamayang pag-uwi mo ay sumabay ka kay Zychi, sinabi ko na sa kaniya."
"Okay, okay." Sagot ko at sinuko ang dalawa kong kamay.
"Mag-iingat ka! Baka matamaan ang paa mo at mamaga ulit. Huwag mo munang masyadong galawin." Sabi ni mommy habang nasa byahe kami.
Sumakit nga ang leeg ko kakatango sa mga paalala niya. Hindi ko na nga siya sinasagot dahil sa bilis niyang magsalita.
"Good morning!" Bati ni Adriel ng makasabay ko siya sa pagpasok sa gate.
"Good morning din. Kanina ka pa?"
Umiling siya. "Hindi, kita mo naman na papasok pa lang ako."
"Oo nga naman. Nakakapagtaka lang, 'di ba lagi kang nauuna sa 'kin?"
"Yes. Mauuna na sana ako sayo pero parang hindi ka makapaglakad eh," aniya.
Hawak niya kasi ang kamay ko at tinutulungan sa paglalakad dahil medyo mabato. Nagpaalalay naman ako, nagprisinta naman siya eh.
"Ang gwapo niya ngayon."
"Last year maputi na siya pero mas pumuti pa siya ngayon."
"Shocks! Para siyang artista ngayon!"
"Akala ko nga ay hindi na siya babalik eh!"
"Me too."
Marami pa 'kong narinig na bulungan sa paligid. Hindi naman 'to normal na gawain nila. Napatingin ako kay Adriel na mukhang malalim ang iniisip.
"Huy! Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
"H-ha? Oo." Wala sa sariling sagot niya.
"May bago raw tayong kaklase. Kilala mo?"
"Siguro?" Sagot niya tsaka nagkibit balikat.
Nang makapasok kami sa room ay nahinto ako sa paglalakad dahil may nakaupo sa pwesto ko. Nakikipag-usap siya kay Vance.
Mukhang siya ang bago naming kaklase ngayon. Lalaki siya, gaya ng iba ay gwapo rin siya at maputi, hindi ko alam kung matangkad ba siya dahil nakaupo siya sa pwesto ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Parang komportable na nga yung iba sa kaniya, parang ang tagal na nilang magkakakilala.
"Excuse me po, pwesto ko po 'yan."
DU LIEST GERADE
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
JugendliteraturPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 113
Beginne am Anfang
