"Eh, bakit nagkaganiyan?"
"Hindi ko naman alam na mamamaga, hindi naman po 'to masyadong masakit." Sagot ko, biglang sinipa ni Eiya ang namamaga kong paa. "A-aray! A-a-aray!" Daing ko habang napapatalon ng bahagya.
Mahina lang 'yong ginawa niya, parang wala siyang inilabas na pwersa pero ang tindi ng epekto no'n sa paa ko. Mabaya ang paa ko ngayon dahil sa pamamaga kaya konting kibot ay para akong kinukuryente.
"Hindi pala masakit ah." Sarcastic na sabi ni Eiya.
"B-bakit mo naman s-sinipa!" Sabi ko, naiiyak na 'ko dahil pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko.
"Sabi mo hindi masakit eh, tinry lang kung hindi nga."
"Hay nako! Bakit ba kasi hindi mo tintignan ang hinahakbangan mo, tingnan mo ang nangyari." Ani mommy tsaka hinawakan ang braso ko para alalayan ako sa pagtayo.
"Mauna na po ako!" Pagpapaalam ni Eiya. "Sa susunod po, pupunta ako rito." Aniya pa tsaka kumaway pa sa 'min.
"Sige, mag-iingat kayo ha! Hintayin kita rito." Sabi naman ni mommy.
"Ingat." Hirap na sabi ko.
Kumaway lang si mommy, hindi kami pumasok ng gate hanggat hindi nawawala sa paningin namin ang sasakyan nina Eiya.
"Dahan-dahan lang anak. Kaya mo bang ihakbang?" Tanong niya. Tumango lang ako sa kaniya. "Naipitan siguro ng ugat 'yan kaya nagkagan'yan."
"Kanina pa po 'to, umaga. Pero hindi naman masyadong masakit nung una po pero nang makarating ako sa room bigla na lang pong namaga." Pakiwanag ko habang tinutungkod ang paa ko pero bahagyang-bahagya lang 'yon dahil tumatalon ako.
"Alam mo naman pa lang masakit na, bakit ka pa nag bisekleta?!"
"Wala naman po akong sasakyan eh." Napanguso na lang ako.
Nang makapasok kami sa bahay ay agad niya akong pinaupo sa sofa at itinaas ang paa ko sa mini table namin, nilagyan pa ni mommy ng unan 'yon para maipatong ko ng maayos.
"D'yan ka lang." Sabi niya tsaka ako dinuro.
Pumasok siya sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang mangkok ng chocolate ice cream at may wafers 'yon sa taas. Iniabot niya sa 'kin 'yon.
"Kumain ka muna, pagkatapos mo ay magbihis ka at ipapacheck up natin yang paa mo, baka kung ano nangyari d'yan."
"M-masakit, my." Daing ko nang hawakan niya ang paa ko at itaas 'yon paalis sa unan.
Nilagay niya ang paa ko sa legs niya. Dahan-dahan niyang inalis ang benda ro'n. Ewan ko pero biglang uminit ang pisngi ko ng maalalang si Kayden ang naglagay no'n.
Kahit pala mukha siyang walang pakealam sa mundo ay may tinatago rin pala siyang kabaitan. May soft side pala siya kahit papaano. Tsaka pa'no niya kaya siya natutong magbenda ng paa?
Idadag mo pa yung tinago niyang talino, mas marami pa nga siyang alam sa 'kin. Ang bilis niya pang sumagot. Hindi niya 'yon pinapakita sa klase.
Nang matapos akong kumain ay tumayo na 'ko at umakyat sa kwarto, gusto pa 'kong tulungan ni mommy pero sabi ko ay ayos lang at kaya ko naman. Humawak lang ako sa hawakan ng hagdan.
Hindi na 'ko naligo, ang sabi lang naman ni mommy ay magbihis ako. Nagtoothbrush ako tsaka naghilamos ng mukha. Nagsuot lang ako ng simpleng shorts at puting damit.
"Kaya ko naman, mommy. Ayos lang ako. Ako na po ang —!"
"Manahimik ka, kapag nagsalita ka pa ay ipapaputol ko na yang paa mo." Pagbabanta niya kaya naman nanahimik ako, ayokong maging lumpo 'no!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 113
Start from the beginning
