"Sa tambayan na lang tayo!" Rinig kong sigaw ni Trina.
"Oo nga, ro'n na lang tayo, mas presko pa do'n." Sabi naman ni Eiya.
"Hoy, Abo!" Tawag ko kay Asher.
"Bakit?" Tanong niya.
"May notes ka ba? Pahiram naman." Sabi ko.
"Sige, teka lang." Sagot niya, may kinuha siya sa bag niya, hinintay ko na lang siya. "Eto. Nandito lahat ng notes ko sa chemistry."
"Sige, pahiram ako ah, balik ko na lang mamaya." Sabi ko.
"Let's go?" Tanong niya sabay alok sa kamay. "C'mon, baka hindi mo naman maihakbang ang paa mo." Sambit niya tsaka sapilitang kinuha ang kamay ko.
"Wait lang," Sabi ko.
"Psh." Singhal niya tsaka niya ako binuhat na parang isang sako ng bigas.
"Hoy! Iba— parang gago naman 'to!" Sabi ko sa kaniya dahil nag-umpisa na siyang maglakad at sumunod sa mga kaklase naming lumabas na.
Nakita ko rin ang presensiya ni Kayden, nakasunod din siya sa 'min, nakahoodie siya kahit mainit. Nakalagay sa bulsa no'n ang parehong kamay niya.
"Magrereview ka rin?" Tanong ko sa kaniya.
"What do you think?" Masungit na tanong niya.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo?"
"Wala ka na ron."
"Edi wala!"
Hindi na lang ako gumalaw ulit at hindi na rin ako nagsalita hanggang sa makapunta kami sa tambayan. Nang makaupo ako ay napahawak ako sa tyan ko. Ang sakit no'n ah, nakalagay kasi ang tyan ko sa balikat ni Asher kanina.
Umupo na rin yung iba. Kaniya-kaniya sila ng kapartner sa pagrereview ah, may hawak din silang mga notebook at libro. Ganito kasi yung magandang pagrereview, may nagtatanong tapos may sasagot.
Si Trina kapartner niya si Shikainah, si Eiya naman ay si Alzhane tapos si Kenji ay kapartner niya si Hanna. Si Xavier at Vance ang magkapareha. May matatapos kaya 'tong mga 'to? Baka puro pagtawa lang ang gawin nila eh.
Napansin ko lang na lahat sila ay may kaniya-kaniya ng kapareha, umupo na nga yung iba sa damuhan para magkaharapan sila nung partner niya.
"So, I guess tayo ang magkapartner." Nakangising sabi ni Kayden sa harap ko.
"May choice ba 'ko?" Tanong ko.
"Kung kaya mo namang mag-isa, bakit hindi? It's your choice." Aniya bago umupo sa upuan sa harap ko.
"Joke lang." Bawi ko. Binigay ko sa kaniya ang notebook na hawak ko. "Ikaw na ang unang magbasa." Sabi ko.
"I don't need it." Mayabang na sabi niya. "Mauna ka na, alam ko na ang mga 'yan."
"We?!" Nakapamilog ang nguso ko ng itanong ko 'yon.
"Try me." Aniya.
"Sige nga, ang hindi makasagot pipitikin sa noo!" Panghahamon ko sa kaniya.
"Deal."
Kinuha ko ulit ang notebook at binuklat 'yon. Nanliit ang mga mata ko dahil sa liit ng mga letrang nakasulat do'n. Naghanap ako, yung sa bandang gitna para mahirapan siya sa pagsagot.
Yari ka ngayon!
"When was Tomson born?" Tanong ko, date 'to kaya sigurado akong hindi niya masasagot ang ta—!'
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 110
Start from the beginning
