"Nahihirapan akong maglakad, pabuhat naman hanggang do'n sa pwesto ko." Naiiyak na sabi ko.

Nabigla yata ang paa ko dahil sa pagtalon ko kanina kaya naman parang dumoble ang sakit no'n. Mas masakit yung ngayon dahil parang naistretch ng wala sa oras ang laman ko sa paa.

"A-ang bigat m-mo!" Nahihirapang aniya pero inayos niya rin naman ang pagkakabuhat sa 'kin.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ko matapos ang ilang hakbang na ginawa niya, dahan-dahan lang 'yon pero para siyang malalagutan ng hininga.

"O-of course. Your face is too close to my neck, I'm tickled." Sabi niya, kaya pala tumatabingi ang leeg niya dahil nakikiliti siya.

"Ay, pasensya naman." Sabi ko tsaka inilayo ng kaunti sa leeg niya ang mukha ko.

Amoy na amoy ko ang pabango niya. Halatang mamahalin at pang-lalaki. Kahit na panglalaki ang amoy no'n ay mabango pa rin naman, parang ang sweet ng amoy. Ang sarap singhutin.

"Para kang aso r'yan," sabi ni Xavier ng makalapit kami sa kanila, nakita niya yata ang pag-amoy ko sa pabango ni Adriel.

"Ang kinis ng mukha ko para tawagin mo 'kong aso!" Reklamo ko sa kaniya.

"Makinis lang pero mukha kang bulldog." Sabi niya.

"Pakyu!" Sagot ko na lang sa kaniya.

Binaba na rin ako ni Adriel at inalalayan na maupo, tumatalon-talon tuloy ako para makahakbang.

"Next time, be careful," sambit niya bago... halikan ang ulo ko.

A-ano nananaman 'to?

"Adriel..."

"Good morning, class!"

Hindi na siya nakasagot dahil sa pagdating ni Sir Raquesta. Ang aga naman yata ni sir ngayon? Hindi pa nga nagriring ang bell ah.

"If you’re wondering why I’m here right now at this time, I just want to tell you that we're not taking the discussion for now because we’ve finished all the lessons for the first quarter." Sabi niya. "Gusto kong magreview kayong lahat dahil malapit na ang exams."

"Oo nga pala!"

"Wala akong sinulat."

"Patay na."

"Hindi naman tayo babagsak."

"May pagkain ka ba d'yan?"

"Nais naming makapasa kayong lahat, umaasa kaming mataas ang mga scores na makukuha niyo ngayon dahil may mga kasama na kayong masipag mag-aral. Kung gusto niyong magreview sa labas ay pwede naman basta hindi kayo gagawa ng kung anong gulo." Paaalala ni sir.

"Sir, ano po bang irereview?" Tanong ni Eiya.

"Lahat ng napag-aralan natin."

"Sir, ang dami kaya no'n." Reklamo ni Trina.

"Eh, ano naman ngayon? I discussed everything with you, so all of that are included in your exams."

Napa-oo na lang kami kahit na gusto naming magreklamo dahil sa dami ng pag-aaralan! Wala pa naman akong summarization ng mga 'yon dahil nga walang laman ang notebook ko.

Peste kasi eh! Nahawa na yata ako kina Vance dahil gano'n ang ginagawa niya.

"You can have your review outside, kung gusto niyo rin ay dito na lang." Sabi niya. "Pwede na kayong magsimula, may dalawang oras kayo para sa klase ko." Dagdag niya pa tsaka lumabas ng room.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now