Ayokong makisakay sa pang-aasar niya dahil alam kong binibwisit lang ako netong lalaking 'to. Gawain niya 'yon eh, basta makita ako sa umaga, pambubwisit ang bungad niya.
"Psh! Matapilok ka pa sana ulit." Sabi niya, inambahan ko siya ng batok kaya naman tumakbo siya palayo.
Hinubad ko muna ang sapatos ko para naman mahanginan ang paa ko. Ang init-init kaya 'no. Yumuko ako at dahan-dahang inikot-ikot 'yon gaya ng ginawa ko kanina.
Mas sumama ang mukha ko dahil hindi na kirot ang nararamdaman ko, masakit na talaga siya. Parang nilalamig ang katawan ko kapag ginagalaw ko.
"ARAAAAY!" Sigaw ko ng aksidenteng matamaan ni Kenji 'yon habang naglalakad.
Parang kinuryente ang buong katawan ko dahil do'n, king ina, ang sakit nun ah. Naiiyak na lang ako!
Pa'nong hindi tatamaan ay nakatutok ang mga mata niya sa cellphone na hawak niya. Nakalabas pa ang dila niya habang nakatagilid 'yon, parang gigil na gigil sa nilalaro niya.
'Double kill'
'Initiate retreat'
'You have been slain'
Ayan ang mga narinig ko sa cellphone niya, akmang hahakbang pa siya ng itaas ko kaagad ang paa ko sa upuan, mahirap na baka matamaan niya ulit 'yon.
"Hala! Napa'no ka, hindi naman baha ah, bakit nakataas ang paa mo?" Tanong niya tsaka umupo sa tabi ko.
"Natamaan mo kasi, gago ka. Ang sakit!" Hirap na sagot ko sa kaniya.
"Hindi naman kita inaano ah."
"Kutusan kaya kita para malaman mo ang sinasabi mo! Tignan mo, oh! Masakit 'yan, MA.SA.KIT." Pagdidiin ko sa mukha niya.
Agad ko namang naibaba ang paa ko ng makita ko si Asher na papasok sa room at nakaawang ang bibig habang nakatingin sa 'kin, nakita niya yata ang maputi kong legs.
Umiwas din siya ng tingin at deretsong umupo sa upuan niya pero bago niya 'ko lampasan ay may narinig pa 'kong ibinulong niya.
"Psh, parang hindi babae kung umupo."
Edi wow. Edi ikaw na ang maayos umupo. Lagi ka kasing nakadekwartro eh, para kang hindi lalaki kung umupo.
Ganti ko sa isip ko sa kaniya!
"Medyas lang naman ang nakikita ko, may magic ba 'yang medyas mo?" Tanong netong katabi ko habang nakayuko at tinitititigan ang paa ko.
Gamit ang palad ko ay inangat ko ang ulo niya. Kaunti na lang ay mahuhulog na siya sa upuan niya eh! Baka bigla na lang siyang masubsob dito.
"Natapilok kasi ako kanina sa may hagdan." Paliwanag ko. "Akala ko naman mahina lang 'yon pero ngayon, tignan mo naman halos hindi ko na magalaw." Sabi ko.
"Inom ka ng Lola Remedios baka lamig lang 'yan." Sabi niya.
"Ang tino mo mag advice 'no?" Sarcastic kong sabi.
Kumamot naman siya ng ulo. "Baka lang naman makatulong." Sabi niya tsaka bumaling ulit sa cellphone niya.
"Ano ba yang nilala— a-aray!" Napadaing ako ng biglang may humawak sa paa ko.
"Stay there. 'Wag kang masyadong magalaw." Sabi ni Kayden.
Nakaluhod siya ngayon sa harap ko habang hawak ang isa kong paa, yung paa kong masakit. Patanggal ko na lang kaya 'to? Bili na lang ako ng bago.
Inalis niya ang medyas ko, parang hindi pa nga siya humihinga habang ginagawa niya 'yon. Hindi naman mabaho ang paa ko, oy!
Tinignan niya ang paa ko at parang hinihilot-hilot, may kung ano sa loob ko ang kinikiliti dahil sa ginagawa niya, parang may kung ano sa tyan ko.
Pagkain ba 'yon?
Inikot-ikot niya ang paa ko, mabagal at maingat. Ang gaan nga ng kamay niya, parang walang humahawak.
May kung ano siyang binalot sa paa ko na kulay brown na tela, yung telang ginagamit kapag may pilay ka. Napilay nga yata ako! Shet!
Tinitititigan ko ang mukha niya habang hinihilot ang paa ko. Nakaclean cut siya, ang puti ng mukha niya, pumupungay ang seryoso niyang mukha.
"Don't stare at me."
Naiiwas ko kaagad ang paningin ko dahil sa sinabi niya. Alam niya pala 'yon, nahalata niya siguro ang paningin ko sa kaniya.
Nang matapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang paa ko, tumayo na rin siya pagkatapos no'n.
"Namamaga ang paa mo."
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Fiksi RemajaPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 109
Mulai dari awal
