CHAPTER 109

Mulai dari awal
                                        

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, baka next week or this week, wala pang date." Sagot ko sa kaniya.

"I see. May nanliligaw na ba sayo?" Tanong niya kaya naman naibuga ko ang iniinom kong tubig.

"Ano bang pinagsasabi mo r'yan?"

Pinunansan ko muna yung tubig na tumilapon sa lamesa, ang epal kasi netong Kio na 'to kung ano-ano ang sinasabi, alam niya namang kumakain ako!

"Oh, bakit? Nagtatanong lang naman ako, bakit ka galit d'yan?"

"Wala. Wala akong manliligaw."

"Baka ikaw ang nanliligaw."

Tangina...

"Kapal naman nila. Tsaka, bakit naman ako manliligaw, lalaki ba 'ko ha?!"

"Malay mo naman. Hindi ka pa pwedeng magboyfriend, baka katayin ka ni mommy."

Natakot naman ako sa pagbabanta niya, wala naman akong angal sa sinabi niyang bawal akong magboyfriend pero bakit may banta pang kasama?

Napangiwi na lang ako sa naisip kong 'yon. Kakaamin ko pa lang do'n sa crush ko, este hindi ko na siya crush. Kaibigan ko na siya. Wala akong balak magboyfriend.

Sakit lang sa ulo 'yon.

"Ikaw ba, wala kang nagugustuhan sa room niyo?" Tanong niya.

"Meron este wala! Wala... wala akong nagugustuhan." Balisang sagot ko sa kaniya.

"Talaga ba?!" Hindi naniniwalang sabi niya, lumaki pa ang butas ng ilong niya.

"Oo! Ang laki ng butas ng ilong mo, kita ko yang kulangot mo." Sabi ko sa kaniya tsaka tumawa.

"Yuck! Kumakain ka pa niyan pero kung ano-anong lumalabas sa bibig mo." Nandidiring sabi niya.

"Ang epal mo kasi,"

"Siguraduhin mo lang na wala kang boyfriend kung hindi ipapaahit ko kay mommy yang kilay mo!" Pagbabanta niya.

Napahawak naman ako sa kilay ko, ang pangit ko siguro kung wala ako neto. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw dapat ang mag-ahit! Parang senior citizen ka na d'yan sa mukha mong puro balbas!"

"Style 'to, hoy!"

"Style mo bulok! Para kang si Sta. Claus."

"Hindi naman mahaba ang balbas ko gaya niya!"

Natapos akong kumain ng masaya. Puro ako tawa, halos mabulunan ako dahil sa kakatawa, asar na asar siya sa sinabi kong hindi siya makakapasok sa bahay ng hindi malinis ang mukha niya.

Sa sobrang inis niya ay pinatayan niya 'ko ng tawag. Sana lang ay bigyan niya pa rin ako ng allowance matapos ko siyang galitin.

"Good morning. Napa'no ka?" Sabi ni Vance ng makapasok ako sa room, dahan-dahan lang ang paghakbang ko dahil makirot ang paa ko.

"Natapilok." Sagot ko tsaka pasalampak na umupo sa unang upuan na nakita ko.

"Sinong tanga?" Tanong niya.

"Ikaw." Nakangising sagot ko.

"Sinong hindi nakatingin sa dinadaanan kaya natapilok?"

"Malay ko, bakit mo sa 'kin tinatanong?"

Patay malisya lang ako sa mga tanong niya dahil alam kong ako yung tinutukoy niyang tanga. Nakatingin kasi ako sa screen kanina kaya naman hindi ko napansin yung baitang, sumobra ako sa salida.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang