O kaya huwag na lang, immune na 'ko sa mga mapuputi, lahat ng mga nakaaligid sa 'kin araw-araw ay mapuputi eh. Parang ginagawang panligo ang harina.
"Ayoko nga, baka mapasabak lang ako sa englishan."
"What?" Takang tanong niya. "You think na tao ang dadalhin ko? Of course not! Espresso ameicano ang sinasabi ko."
Ay, kape pala ang tinutukoy niya. Kahit 'wag niya na 'kong ipagdala no'n baka maibigay ko lang kay Asher ang kape, hilig niya pa naman 'yon.
"Sabi ko nga kape." Tumango ako.
Tumawa siya ng malakas. "Kung ano-anong iniisip mo d'yan ah! Mana ka talaga kay mama." Sabi niya.
Mama? Sinong mama? Si mommy ba ang tinutukoy niya? Ngayon lang niya sinabihan ng gano'n si mommy, dapat hindi big deal sa 'kin 'yon pero nakakapagtaka lang talaga.
Nakita niya yata ang expression ko kaya naman umayos siya ng upo. Nasa harap kasi siya ng hapag pero hindi siya kumakain. Nakikiupo lang siya ro'n.
"I mean, si mommy." Sabi niya at iniwasan ang titig ko sa kaniya.
"Ang pangit mo magseryoso!" Sabi ko sa kaniya tsaka tumawa ng malakas.
"Ikaw, pangit kahit hindi magseryoso!" Ganti niya.
"Pake ko sayo!" Sabi ko bago tumayo at hinanda ang uniform ko.
Inilagay ko na rin yung ibang gamit ko sa bag tsaka yung wallet ko, baka kasi makalimutan ko nananaman, wala ng Adriel na maglalagay ng pagkain sa harap ko.
Minsanan lang nangyayari 'yon.
Kinuha ko ang cellphone ko tsaka bumaba sa kusina. May pagkain na 'kong naamoy kaya naman nagmadali akong bumaba.
"Aray!" Sabi ko dahil natapilok ako sa huling hagdan!
Ang tanga kasi nung hagdan, huling hakbang na lang lilihis pa!
"Ayan, bobo! Inutil basta sa pagkain ang bilis, karma mo na 'yan!" Sabi ni Kio.
Makapagsalita naman 'to, akala mo naman ay nakita niya 'yung nangyari, matapilok ka rin sana!
Sumimangot na lang ako dahil sa sakit ang paa ko, may kung anong lumagutok do'n eh. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko, ramdam ko ang kirot no'n.
Kahit na masakit ay nagawa ko pa ring pumunta sa dinning table, agad akong umupo at inikot-ikot ang paa ko, baka sakaling mawala yung sakit no'n. Sana lang ay hindi 'yon mamamaga.
"Mas bobo ka! ‘Wag mo akong tawanan diyan!" Inis na sabi ko kay Kio, panay kasi ang pagtawa niya.
Masaya ka riyan?
Masaya ka na kasi nakita mo ang katangahan ko, gano'n? Sampalin ko 'yang ngala-ngala mo eh!
"Kumain ka na, baka nanlalambot ka na kasi kulang ka sa kain. Gutom ka na siguro." Sabi niya.
"Baka nga, ang bango pa naman netong niluto ni Aling Soling."
Tinaas ko ang pantakip ng ulam, may itlog, longganisa at tuyo'ng nakaluto ro'n. Syempre hindi mawawala yung sinangag ni mommy.
"Lagi ka namang gutom."
"He! Mahilig lang talaga akong kumain." Sabi ko.
Sinandal ko ang cellphone ko sa basong may laman. Tumayo ako tsaka kumuha ng plato para makakain na 'ko.
"Kailan niyan yung exams niyo?" Tanong niya.
Oo nga pala. Malapit ng matapos ang buwan, baka may test na kami niyan. Lagot ako neto dahil hindi ko na maalala yung mga napag-aralan namin, wala pa naman akong naisulat na notes.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 109
Magsimula sa umpisa
