"Matinong may tililing." Sabi ko tsaka nakisali sa pagtawa niya. "Friends na ba tayo?" Tanong ko, tumango naman kaagad siya.
"Bakit? Gusto mo, more than friends?" Umirap na lang ako dahil sa sinabi niya.
May sasabihin pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko, narinig ko kasi ang pag-vibrate no'n.
Sumenyas ako kay Lucas ng 'teka lang' bago ko kunin ang cellphone ko sa bag. Si Kenji nagtext.
From: Kenji banana
'Late kayo! Galit na si ma'am. 😬😬😬'
Napatingin ako sa orasan ng cellphone at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil 10 minutes late na kami! Patay na!
"Sht..." Bulong niya habang nakatingin din sa relo niya. "Patay tayo neto kay Kayden!"
Magtatanong pa sana ako kung bakit siya magagalit pero naalala kong president nga pala namin siya.
Hinila niya ang palapulsuan ko. Nagkatinginan muna kami saglit bago tumawa ng malakas dahil sa kagaguhang nangyari.
"Tara na!" Sabi ko tsaka kami sabay na tumakbo pabalik sa room pero bago kami makarating do'n ay huminto siya sa may hagdan kaya naman napahinto na rin ako. "Bakit?" Tanong ko.
"‘Wag mo nunang sasabihin sa iba yung sinabi ko... pakiusap." Sabi niya.
Nagthumbs up naman ako sa kaniya bilang pag-sang ayon. "Makakaasa ka. Ako pa! Kaibigan mo 'ko eh!" Sabi ko, ako naman ang naghila sa kamay niya patungo sa room.
Hinihingal kaming huminto sa tapat ng pinto namin. Nahinto naman sa pagsasalita si Miss Margaux, napatingin ang iba sa 'min.
"Whew!"
"Sa'n kayo galing?"
"Sinong late?"
"Sabay pa talaga kayong late, plinano niyo 'no?"
"Uyy! Magkahawak pa ng kamay!"
Nabitawan ko kaagad ang kamay ni Lucas ng marinig ko ang mga 'yon. Naramdaman ko ang masasamang titig na pumupukol sa 'min, isa na ro'n ay ang mga mata ni Kayden na napakadilim.
Nakasandal siya sa upuan niya habang pinagkukrus ang mga braso, deretso siyang nakatingin sa aming dalawa ni Lucas. Pinagpapalitan niya ang paningin niya, mula sa 'kin tapos kay Lucas naman.
Para bang pinag-aaralan kung bakit kami late at kung bakit kami magkasama ngayon, sana lang ay hindi niya kami isumbong kay dean, lagi pa namang nando'n 'tong lalaki na 'to.
"At saan kayo galing?!" Malakas na tanong ni Ms. Margaux. "You're 12 minutes and 34 seconds late!" Aniya.
Namangha naman ako, talagang alam niya 'yon? Binilang talaga niya kung ilang segundo kaming wala sa klase niya? Ang galing.
"Ah... Ms. Margaux ano po kasi... m-may.." Ano nga ba ang isasagot ko bilang paliwanag sa kaniya?
Sasabihin ko na nakipagchismisan ako kay Lucas do'n sa may puno habang siya ay nagkaklase rito sa room? Baka kapag sinabi ko 'yon ay bigla niya na lang akong kurutin gamit ang mga kuko niyang napakahaba.
"May ipinasa lang po kaming project." Pagsisinungaling ni Lucas, napatingin ako sa kaniya, gano'n din siya.
Pasimple niya akong pinanlakihan ng mata na para bang nagsasabing sakyan ko na lang ang kalokohan niya dahil 'yon ang makakapagsalba sa pagiging late namin.
"Tsk." Narinig kong singhal ng isang hudlong.
Sino pa nga bang hindi makakahalata sa boses niyang 'yon. Siya lang naman ang panay ang tsk-tsk-tsk, may sariling siyang version no'n, parang ang lalim ng boses niya kapag sininghal niya 'yon.
Si Kayden.
Umiiling-iling pa siya habang nakatingin sa harapan. Syempre alam niyang nagsisinungaling lang kami netong lalaking espasol. Sa mukha niya ay halatang hindi sang-ayon sa sinabi namin.
"Project?" Tanong ni Ms. Margaux. "Nagtagal kayo ng ilang minuto para lang ipasa ang project? Ano ang project niyo, building?"
Grabe naman si Miss. Kung makapag-isip siya wagas. Ma'am, kung building ang ipapasa namin, kahit dalawang taon ay aabutin.
"I'm sorry, Miss. Hindi na po mauulit, medyo malayo lang po ang pinagpasahan namin." Palusot ni Lucas
"Psh, pumasok na kayo. Sagutan niyo 'tong nasa board." Sabi niya.
Pumasok naman kami at humarap sa board. Natatawa kaming dalawa habang nakatalikod sa iba. May hawak kaming chalk, isang equation lang naman 'to kaya ako na ang sumagot do'n.
"Sit down." Utos ni Ms. Margaux ng matapos kami sa pagsosolve. Tama naman daw 'yon.
"Sa'n kayo galing?" Bunga ni Vance sa 'kin, bulong lang 'yon dahil mukhang masama ang timpa ng teacher namin dahil sa sama ng tingin.
"Do'n sa may puno," sagot ko.
"Anong ginawa niyo? Nangumusta ng kapre?"
"Gago." Sagot ko na lang sa kaniya, natawa siya pero yumuko siya para hindi siya marinig.
"You're late." Bulong sa 'kin ni Asher.
"Alam ko." Sagot ko tsaka ko siya kinindatan.
Nakadukmo kasi siya sa armrest, nakita ko ang mapupula ng pisngi niya, kinagat niya pa ang ibabang labi niya para hindi lumabas ang ngiting pinipigilan niya.
Kinikilig ba siya?
"Bakit ka namumula?" Tanong ko sa kaniya. "May sakit ka ba?"
Tinago niya ang mukha niya sa mga braso niya, pilit niyang sinisiksik ang ulo sa armrest. May sakit nga siya?
"W-wala." Sagot niya. "Bakit ka kasi nangingindat..." Bulong niya pero narinig ko 'yon..
Ngumiti na lang ako dahil do'n at hindi na lang sumagot sa sinabi niya. Baka mahuli pa kami ni Ms. Margaux na nagkukwentuhan at baka pasagutan pa kami ng maraming equation.
Teka. Bakit pala namumula si Asher, dahil ba sa kindat ko? Gano'n na ba ang epekto ko sa kaniya? Try ko kaya sa iba, tignan ko kung mamumula rin sila.
Luminga-linga ako at target spotted!
Adriel.
Ngumiti ako ng napakalaki sa kaniya kaya naman napatingin siya sa 'kin, kumunot naman ang noo niya at ngumiwi, nawiwirduhan sa ginagawa ko.
Bahagya akong tumango tsaka ko siya kinindatan.
Nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa ginawa ko, nag-iwas siya ng tingin at gaya ni Asher, namula rin siya tsaka niya kinagat ang ibabang labi niya.
May virus na ba ang kindat ko? Anyare sa kanila? Patay!
Tumawa na lang ako sa reaksyon niya bago bumaling kay Vance. Nakaharap siya kay Xavier at may sinasabi.
"‘Dre, crush ko lang naman siya, ‘wag kang maingay, baka marinig niya tayo." Narinig kong bulong niya.
Ano nananaman kayang pinag-uusapan nilang dalawa? Everytime na makita ko sila lagi silang nagbubulungan at hindi nakikinig sa teacher.
Kahit naman ako gano'n ngayon.
"'Dre, nakatingin siya sayo." Sabi naman ni Xavier.
Kinalabit ko si Vance para kuhanin ang atensiyon niya saglit. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa 'kin at umupo ng maayos habang ang mga mata ay nakatitig sa 'kin.
Ngumiti muna ako sa kaniya bago ko siya kinindatan din.
At gaya nung dalawa, namula siya! Ang kaibahan lang, siya tinikom niya ang magkabilang labi niya niya. Hindi siya makatingin sa 'kin, sa likod ko siya nakatingin.
Para silang mga kamatis dahil sa pamumula nila.
Gusto niyo ng bioflu? Baka nilagnat sila dahil sa ginawa ko. Wala naman sanang dalang sakit ang kindat ko.
Ngumisi na lang ako sa kanila.
Gagaling din kayo. Lagnat lang 'yan.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Fiksi RemajaPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 108
Mulai dari awal
