"Ang hirap magtago, dahil sa ibang tao, isang maling galaw mo lang ay pagchichismisan ka na nila. Ayokong ipakitang ganito ako..." Aniya tsaka inilahad ang katawan sa 'kin. "Parang minamaliit nila ang pagkatao ko porke silais ako." Malungkot na aniya.

Nararamdaman ko ang lungkot niya, parang ganito rin ang nararamdaman nina Nathaniel ng minsan magkasama kaming magkakaklase, ang pagkakaiba lang ay sila ay nakapagtapat na ng tunay na katauhan nila sa iba.

Ang hirap nga talaga ngayong panahon na 'to. Kapag hindi ka kabilang o naiiba ka sa kanila ay agad ka na nilang mamaliitin, lalaitin at pagsasabihan ng kung ano-ano.

Natatakot silang magtapat dahil natatakot sila na baka pandirihan sila o kaya naman ay pagchichismisan. Masakit para sa kanila iyon, minsan nakikita natin silang palatawa pero ang totoo ay problemado sila.

Ang lalim na ng sinasabi ko. Pasensya na, nadala lang ako.

"Bakit ka nga ba nagkagusto sa 'kin?" Tanong niya na siyang nagpamula sa pisngi ko.

Hinga ng malalim, Heira.

"K-kasi nga 'di ba, lagi mo akong tinutulungan tapos kapag may nangyayari agad kang nandoon, nagkikita pa nga ang mga mata natin." Sabi ko, natakpan ko na lang ang bibig ko dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Kaibigan kita... kaklase, should I not help you? Gusto ko lang tulungan yung mga pinagtitripan ng mga kaibigan ko." Sabi niya tsaka tumawa. "Yung sa mata, tinignan ko lang kung nakacontacts ka ba, ang ganda ng mga mata mo."

"Sus! Sira na ulo mo, hindi ako nakacontacts 'no!"

Yung kaninang awkward feeling ay napalitan ng tuwa ngayon. Parang komportable na kaming mag-usap sa mga bagay-bagay.

"Alam na ba ng mga magulang mo na... ano, alam mo na." Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa tanong ko.

Wrong move, Heira.

"Yes. Matagal na, since grade 7 pa ay alam na nilang silais ako." Sagot niya tsaka ginulo ulit ang buhok ko para bang sinasabi na okay lang na magtanong ako sa kaniya.

Siguro ay mukha na 'kong aswang nito dahil kanina niya pa ginugulo ang buhok ko, hindi niya ba alam na kahirap-hirap kong inayos ang buhok ko at pinusuran gamit ang ponytail na binigay niya?

"You can ask more." Sambit niya matapos ang isang maikling katahimikan.

"B-bakit hindi ka nagsusuot n-ng mga pambabaeng damit?" Tanong ko sa kaniya.

Kasi yung iba kong nakikita sa daan ay todo make-up, nakasuot ng mga pambabaeng damit, minsan nga ay nakikita ko pa silang nakawig at may suot na takong.

Para bang doon sila komportable. Nakakatuwa lang na pinapakita nila kung ano talaga sila.

"Heira, I'm silais. Ibig sabihin no'n ay nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki, hindi ko naman gustong magsuot ng mga gano'ng damit." Paliwanag niya.

"Ah... 'yon ba yung sinasabi mong pepper?"

"Yes. Pepper." Natatawang pangungumpirma niya.

"Yung iba ba, alam na nila?" Tanong ko tsaka ko kinuso ang building namin.

Umiling lang siya. "Hindi ko pa nasasabi sa kanila, wala pa 'kong nakikitang pagkakataon para magtapat." Sagot niya. "Si Vance ay alam niya na pero hindi niya 'yon sinabi sa iba."

"Syempre kaibigan mo 'yon eh."

"Trusted friend. Mukha lang gago 'yun pero matinong kaibigan 'yon." Sabi niya tsaka natawa.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon