Sa utak ko ay napangiti na lang ako. Ang bait talaga niya... nila! Lahat naman ng kaklase ko ngayon ay 'mababait' sobra.

"Heira..." Nangilabot ako ng may tumawag sa 'kin. Lumingon agad ako sa kaniya.

"B-bakit?"

Tangina, bakit ako nauutal?

"Here." Sabi ni Lucas tsaka inabot sa 'kin ang isang pampusod ng buhok.

Kinuha ko naman 'yon. "A-aanhin ko 'to?" Takang tanong ko habang nakatingin sa isang kulay pink na scrunchie, may design 'yon na parang mga glitters.

"Pusurin mo ang buhok mo, para kang aswang." Sabi niya, narinig ko naman ang pagtawa ni Eiya sa gilid ko.

"A-ah... s-salamat." Sabi ko tsaka ko pinusod ang buhok ko nang buo tsaka ko binalunbon 'yon na parang bun.

Tumango lang siya tsaka umalis na, tinignan ko lang siya habang naglalakad hanggang sa makalabas siya sa canteen. Ang swabe ng mga hakbang niya, pang-model lang.

"EHEM!" Pangunguha ni Eiya sa atensiyon ko. "Nahulog ka na ba?" Tanong niya sa akin na siya namang pinagtaka ko.

"Nakita mo naman na nakaupo ako, hindi naman ako nahulog, anong sinasabi mo diyan?"

"Psh! Slow." Bulong niya. "Ang cute ng pampusod na 'yan ah! Hindi mo talaga mahahalatang galing sa isang lalaking parang espasol ang kutis."

"Nahiya naman ako sa kutis mo 'no?" Sarcastic kong sabi. "Para kang naligo sa gatas."

"Tse!" Singhal niya bago ilapit ang mukha sa tainga ko. "Sabi ko naman sayo umamin ka na, tignan mo naman yung effort niya, sige ka baka makuha pa siya ng iba." Bulong niya sa akin tsaka ngumuso.

Ginalaw-galaw niya ang nguso niya na para bang may tinuturo kaya naman lumingon ako sa lugar na nginunguso niya. Pwede naman kasing ituro na lang.

Doon ko nakita si Lucas na nakahinto sa daan habang may kausap na babaeng maliit. Pandak siya eh. Higher grade siguro kami sa kaniya kung base 'yon sa height.

Nakita ko ang pag-iling ni Lucas habang tumatawa. Malapit lang naman kami sa glass wall ng canteen kaya nakikita ko 'yon.

Ngumuso na lang ako tsaka bumaling kay Eiya na ngayon ay impit ang pagtawa, halayang pinipigilan talaga niyang ilabas ang halakhak niya.

"Sabi ko naman sayo, galaw-galaw baka pumanaw."

Hindi na 'ko nakasagot sa kaniya dahil dumating na ang mga kasama naming may dalang pagkain. Nagpabili lang pala ang mga naiwan kaya pala hindi na sila pumunta ng pila.

Kumain na lang kami, habang sila ay nag-aasaran, napansin ko rin ang pananahimik ni Asher. Tahimik naman talaga siya pero iba yung ngayon, para siyang pipi, nakatingin lang siya sa pagkain niya.

Baka gusto niya ng kape kaso wala silang tinitinda ngayon? Walang available na asukal? Gatas? Kape?

Okay! Final na, gagawin ko na ang sinabi ni Eiya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago bumalik ng room. Hindi naman ako nakikisali sa kanila dahil pinapractice ko ang speech ko para mamaya.

Habang naglalakad kami ay kinuha ko ang chuckie ko sa bag. Binuksan ko 'yon habang nakatingin sa lupang dinadaanan namin. Akmang iinomin ko 'yon ng kurutin ako ni Eiya.

Napatingin naman kaagad ako sa kaniya. "Bakit?" Tanong ko dahil sa lawak ng ngisi niya.

"'Ayon." Sambit niya tsaka ngumuso ulit.

Sa direksyon na pinupunto ng nguso niya ay nakita ko si Lucas sa isang puno. Nakatayo habang may binabasa, siya lang mag-isa.

Wala ng tao sa paligid dahil ilang minuto na lang at magriring na ang bell hudyat ng pag-uumpisa ng panghapon na klase.

Tinulak-tulak ako ni Eiya papunta ro'n kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Yung iba ay pinapanood lang ang ginagawa netong gaga, halatang nagtataka sila sa pagtutulak niya.

"Sige, babye!" Sabi ni Eiya, kumaway pa sa 'kin.

"Teka lang— kainis!" 'Yon na lang ang sabi ko ng hilahin niya ang iba papunta sa daan ng building namin.

Naiwan tuloy ako rito kasama pa si... Lucas! Kaasar naman, yari sa 'kin si Eiya mamaya sa 'kin.

Kabado akong tumingin kay Lucas na ngayon ay nakangiti sa 'kin pero ang mga mata ay nagtatanong kung ano nga ba ang ginagawa ko sa harap niya.

"Chuckie?" Iyon ang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa kaba, inalok ko pa talaga sa kaniya ang hawak ko!

Patay! Nakabukas na 'to eh, pero hindi ko pa naman naiinuman 'yon. Wala pang germs.

"No thanks." Sabi niya tsaka inilagay ang kamay sa tuktok ng ulo ko.

Matangkad kasi siya sa 'kin kaya naman nakatingala ako sa kaniya.

"What brings you here?" Dagdag niya pa!

Ano na ngayon ang sasabihin ko? Bakit ba kasi iniwan-iwan pa 'ko rito ni Eiya, namental block tuloy ako. Nasa'n na yung mga prinactice ko kanina? Wala na, nilipad na ng hangin.

"Hey..." Sambit niya pa kaya naman nabalik ako sa reyalidad. Kaharap ko nga pala 'tong lalaking espasol na 'to.

"H-hi." Kabadong sabi ko. Ano ba kasi 'tong mga pinagsasabi ko, gumagalaw na lang talaga mag-isa 'tong dila ko, kung ano-ano ang pinagsasabi.

"Why are you here? It's almost time." Aniya tsaka tumingin sa relong suot niya.

Mag-isip ka, Heira! Sigaw 'yan ng utak ko kaya naman napukpok ko na lang ang ulo ko gamit ang kamay ko.

"Ano kasi.. m-may gusto akong s-sabihin s-sayo." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, nag-init kasi bigla 'yon, hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan o ano.

"What is it?"

"A-ano, p-pa'no ko ba sasabihin 'to?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang baba ko tsaka inangat 'yon para makita niya ang mukha ko. Agad namang nagtama ang paningin naming dalawa.

"Spill it out."

"Lucas... crush kita."

YARI NA!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now